AVERY Simula nang bumaba ako sa sasakyan ni Sir Xander ng ihatid niya ako dito sa bahay mula sa Tagaytay, ay 'yon na rin ang huli naming pagkikita. Sinadya kong putulin ang kahit anong komunikasyon na meron ako sa kanya. Kahit minsan, hindi ako nag-attempt na tawagan siya, kahit may mga pagkakataon na tila ba may nag-uudyok sa kabilang bahagi ng isip ko na kumustahin siya, pero paulit-ulit na pinigilan ko ang sarili ko para huwag matuksong gawin ko iyon. Ilang ulit akong nakatanggap ng sunod-sunod na missed call mula sa ilang unknown and unregistered number, pero kahit minsan, hindi ko sinagot. May hinala na akong siya iyon, lalo na at minsan na niyang ginawa ang gano'n. Sa totoo lang, natatakot kasi ako. Hindi ko alam kung paano muling kakausapin at haharapin si Sir Xander. Ang awkwar