AVERY Nang pumasok sa banyo si Sir Xander ay agad na pumunta ako sa wardrobe niya para kumuha ng damit na isusuot niya. Kahit paano naman ay alam ko na ang pasikot-sikot dito sa loob ng silid namin, kaya hindi na ako nahirapang kumuha ng boxer at plain white t-shirt na isusuot niya. Matapos ilapag sa gilid ng kama ang damit na kinuha ko para kay Sir Xander ay umupo ako sa sofa at hinintay siyang matapos. Ilang magkakasunod at malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko, dahil mabilis na kumakabog ang dibdib ko at nakakaramdam ako ng excitement ngayong umuwi na siya. Hindi ko inaasahan na darating pala siya ngayon. Nag-usap naman kaming dalawa palagi, pero hindi niya sinabing uuwi pala siya ngayong araw. Na-surpise talaga ako ng makita kong bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok