AVERY Matapos akong ihatid ng mga tauhan ni Sir Xander dito sa bahay ay agad na kinamusta ko ang kapatid ko. Nadatnan kong nanunuod ng blog sa isang social media apps si Ailee tungkol sa pagluluto ng pagkain, katabi si Arnel. "Ate, bakit hindi ka po nakauwi dito sa bahay kagabi?" tanong ni Aila sa akin. Hindi ko agad napansin na malapit pala sa akin ang kapatid ko. Galing pala siya sa kusina at nagluto ng tanghalian namin. "Malayo kasi ang lugar kung saan ginanap ang event, kaya nahirapan akong maghanap ng sasakyan pauwi. Isa pa, takot akong umuwi ng madaling araw kaya naghintay na lang ako doon hanggang umaga," nakangiting sagot ko. Ayaw ko rin namang magsinungaling sa mga kapatid ko, pero kailangan kong gawin ito. Alam kong mag-aalala sila kapag nalaman nila ang nangyari sa party