AVERY Niyaya ako ng mga kaibigan kong sumayaw sa gitna at mag-enjoy habang wala pa raw si Sir Xander. Ang sabi kasi ni George, sure daw na babakuran niya ako kapag narito na siya, kaya dapat lang na samantalahin na namin ang pagkakataong magsaya ngayong busy pa ang lalaking iyon. Maraming tao sa gitna ng dance floor, siksikan at magulo na rin. May ilang lasing na nga at maingay na sumisigaw kasabay ng malakas na tunog ng kumakantang singer ng banda. "Pagod na ako, ang sakit na ng binti ko," humihingal na sabi ko sa dalawa. "Sayaw muna kayo, uupo at nagpapahinga lang ako saglit." Mahapdi na ang sakong ko. Pakiramdam ko ay nasugatan pa yata ang paa ko dahil naninibago ako sa suot kong mataas na sapatos, kaya gusto ko munang maupo. "Tara, samahan ka na namin," sabi ni Harlen, pero sinab