AVERY
Nagising akong nangangalay ang balakang ko at tila ba may mabigat na kung ano ang nakadagan sa katawan ko. Dahan-dahan na nagmulat ako ng mga mata para lang muling napapikit dahil nakaramdam ako ng matinding kirot sa sintido ko.
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko ng napagtanto ko kung nasaan ako. Dala ng labis na pagod at puyat kaninang madaling araw ay nakatulog akong wala ng pakialam sa paligid at hindi na nagawang umuwi sa bahay.
Katabi ko pa rin dito sa ibabaw ng kama ang lalaking sinamahan ko mula sa club kagabi. Naaamoy ko rin ang pamilyar na amoy ng pabangong gamit niya na nanunuot sa ilong ko at hindi maikakaila kung ano ang nangyari sa pagitan naming dalawa sa buong magdamag.
Napaigik ako ng marahang igalaw ko ang katawan ko. Ang sakit, para bang nagka-lasog-lasog ang kalamnan at maging ang mga buto ko. Grabe kasi ang lalaking katabi ko. Halos wala akong pahinga magdamag ng ilang ulit na inangkin niya ako, hanggang sa inabot kami ng umaga.
Saglit na nakatulog ako dahil sa labis na pagod kapag natapos kaming magniig, pero nagigising akong nasa ibabaw ko na naman siya at paulit-ulit na inaangkin ang katawan ko, hanggang sa huling ginising niya ako ay nagmakaawa na talaga akong tigilan niya, dahil hindi ko na kaya.
Hindi na ako nagtataka ngayon kung bakit ganito ang epekto sa katawan ko ng nangyari sa amin. Kahit gusto ko pang matulog at mahiga na lang sa ibabaw ng kama ay kailangan kong bumangon para makaalis na dito at makuha ko na ang bayad sa akin ng lalaking katabi ko.
Dahan-dahang hinawakan ko ang braso ni Sir Xander na nakapatong sa bewang ko at inalis. Ganito rin ang ginawa ko sa binti niyang nakadagan sa mga hita ko, pero hindi man lang siya nagising. Lalo lamang kasing nangalay ang pakiramdam ko dahil ang bigat niya, tapos ang liit ng katawan ko kumpara sa kanya.
Saglit na huminga muna ako ng malalim. Kahit ihulog ko yata ngayon sa kama si Sir Xander ay hindi man lang magigising. Mukhang pagod na pagod talaga siya dahil magdamag na nagpakasasa sa katawan ko, kaya ngayon ay malalim ang tulog at naghihilik pa.
Napa-ngiwi ako ng akmang babangon sana ako pero hindi ko nagawa. Pakiramdam ko kasi ay saglit na nagdilim at umikot ang paningin ko ng mahilo ako dahil sa talagang kulang ako sa tulog.
Kagat ang pang-ibabang labi na pumikit ako, habang pinalilipas ang matinding sakit na nanuot sa kalamnan ko, lalo na sa masakit na pagkababaè ko ng gumalaw ako.
Ilang ulit akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga para pakalmahin ang sarili ko. Kahit ganito ang pakiramdam ko, kailangan kong makaalis ngayon dito sa bahay ni Sir Xander at balikan sa hospital ang mga kapatid ko.
Wala akong dalang cellphone para tawagan sila at ipaalam kung bakit hindi ako nakauwi sa amin kagabi kaya nag-aalala talaga ako. Naiwan ko sa loob ng locker sa club ang bag at gamit na dala ko ng magbihis ako, kaya natampal ko ang noo ko habang nag-iisip kung paano uuwi.
Ang sagwa at halay ng kakarampot na samplot na suot ko pagpunta dito kagabi ng basta na lang ako isama ni Sir Xander. Hindi ko kayang lumabas na gano'n ulit ang isusuot ko, kaya lalo lamang lumaki ang problema ko.
Kung sana'y hawak ko ang cellphone ko ngayon, pwede ko sanang tawagan si Harlen para makiusap na tulungan akong makuha ang gamit ko sa club at makahingi ng tulong na dalhan ako ng damit dito.
Lalo lamang akong na frustrate dahil hindi ko nga pala alam kung nasaan ako at saan ako dinala ni Sir Xander. Muli ay sumulyap ako sa kama, mahimbing pa rin ang tulog niya at naghihilik pa.
Hindi ko alam kung anong oras na. Nakaramdam na rin ako ng gutom at kumakalam na ang sikmura ko, pero balewala ito dahil ang tanging gusto ko ay makaalis na dito at makabalik sa ospital kung nasaan ang mga kapatid ko.
Dahan-dahan at pagapang na bumaba ako sa kama. Wala akong kahit anong suot na damit at magdamag na nakahubad. Bigla ay nanginig ang buong katawan ko ng bumagsak ang makapal na comforter na nakatakip sa katawan ko at dumampi ang malakas at malamig na hangin sa balat ko.
Pigil ang hininga na pinulot ko ang underwear na suot ko kagabi sa sahig. Napa-iling na lang ako ng makitang sira at punit na ito at kahit anong gawin ko, hindi ko na p'wedeng isuot pa, kaya lalo lamang lumaki ang problema ko.
Masakit ang buong katawan at iika-ika na naglakad ako papunta sa nakita kong pintuan at sa tingin ko ay banyo. Halos hatakin ko ang mga binti ko dahil hirap talaga akong maglakad at sa bawat hakbang ko ay nanunuot ang matinding sakit sa kalamnan ko.
Halimaw kasi ang lalaking iniwan kong natutulog sa ibabaw ng kama. Grabe siya, ang hilig niya at ang lakas ng stamina. Kulang na lang ay lamunin niya ako ng buo hanggang sa naubos ang lakas ko.
Pinigilan ko ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko dahil napakasakit ng pakiramdam ko sa buong katawan ko.
Kung 'di ko lang talaga kailangan ng pera para sa operasyon ni Ailee, hindi ko gagawin ito. Wala akong ibang option sa ngayon, pero sana lang, pagkatapos nito, maging maayos na nang tuluyan ang kondisyon ng kapatid ko.
Kahit hirap igalaw maging ang mga braso ay dahan-dahang naghilamos ako ng mukha at naligo. Walang paalam na ginamit ko na rin ang makapal na puting tuwalyang nakita ko sa loob at binalot sa hubàd na katawan ko.
Kahit paano, gumaan ang pakiramdam ko. Nakatulong ang maligamgam na tubig sa masakit na kalamnan ko, pero hindi nabura ang mga bakas na iniwan ni Sir Xander sa balat ko.
Hindi maitago ang mapupulang mga marka sa balat sa leeg ko. May bakas pa ng ngipin ni Sir Xander sa dibdib at balikat ko na ngayon ko lang nakita. Hindi ko napansin kung kailan niya ito ginawa kagabi ng paulit-ulit na inangkin niya ako, dahil sa totoo lang, lutang ako dulot ng mga bagong karanasang naranasan ko ng binigay ko sa kanya ng buong-buo ang sarili ko.
Tulog pa rin si Sir Xander ng lumabas akong nakatapis lamang ng towel. Kahit nag-aalangan, inaabot ko ang mahabang polo shirt na hinubad niya sa sala at isinuot ito, kapares ng itim na bra na binigay ni Jelay kagabi sa club.
Tanging ito lamang ang natira at p'wede kong magamit ng bumalik ako dito sa sala. Punit rin kasi ang manipis na robang suot ko at gano'n rin ang underwear ko.
Kahit kinakabahan na baka magalit si Sir Xander ay lakas loob na sinuot ko ang polo shirt niya. Mas mabuti na ito kumpara sa towel na ginamit ko, dahil masyadong exposed ang katawan ko. At least, nabalot ang leeg at dibdib ko, gano'n rin ang mga braso at umabot pa ang haba nito sa kalahating hita ko, kaya kahit paano ay mas maayos ito kahit wala akong suot na underwear.
Hindi ako nakatiis, hirap man akong ihakbang ang mga binti at paa ay bumalik ako sa silid na pinanggalingan ko. Sinubukan kong gisingin si Sir Xander na mahimbing pa rin na natutulog at natatakpan lamang ng kumot ang hubàd na katawan.
Nag-iwas ako ng tingin ng dumako ang mga mata ko sa namumukol na bahagi ng katawan niya sa pagitan ng mga hita at natatakpan ng kumot. Kahit pala tulog siya, mukhang buhay na buhay ito, kaya hindi na ako nagtataka na halos hindi ako makalakad ng maayos ngayon.
"Sir Xander, I'm leaving," lakas loob na sabi ko at tinapik siya sa braso.
Umungol lang ito at hindi man lang gumalaw. Mabilis na lumunok muna ako at tinapik siya ng mas malakas. "Please, wake up!"
Napabalikwas ng hangon si Sir Xander dahil nagulat sa ginawa ko at mabilis na may dinukot ang kamay sa ilalalim ng unan niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang baril na nakatutok ngayon sa ulo ko habang matalim ang mga mata ng lalaking kaharap kong nakatingin sa kinatatayuan ko.
Hindi ako nakapag-salita habang nanginginig ang buong katawan na nakatayo ng tuwid. Nangunot naman ang noo ni Sir Xander na tila ngayon lang natauhan at agad namang ibinaba ang hawak na baril sa tabi niya.
Hindi ko alam na may baril siyang nakatago sa ilalim ng unan. Ngayon ako nakaramdam ng labis na takot dahil sa nangyari, pero kailangan kong lakasan ang loob ko para makaalis na ako dito at makabalik sa hospital.
"I-i'm s-sorry, for waking you up, sir," nauutal at kinakabahan na hinging paumanhin ko. "Please, I need to go home."
Wala akong narinig na sagot mula sa kaharap ko. Pinasadahan niya ng mga mata ang kabuuan ko, mula ulo hanggang paa at nagtagal pa sa mukha ko, kaya nakaramdam ako ng hiya at takot dahil sinuot ko ang damit niya at 'di man lang nagpaalam sa kanya.
"I don't have any decent clothes to wear. I'm so sorry if I borrowed your shirt without telling you. You were sleeping soundly, and I am hesitant and afraid to wake you up. Promise, I will return it soon," nakayuko na paliwanag ko ng hindi siya nagsalita. "And I need your p*****t too."
Pakiramdam ko ay biglang nanliliit ako sa harap ni Sir Xander, kaya napayuko ako. Kinagat ko ang maga at masakit pang pang-ibabang labi ko at humugot ng sunod-sunod na malalim na buntong-hininga para palakasin ang loob ko.
"Patrick, buy some decent and casual clothes for a woman, then send them immediately here to my penthouse." Narinig kong sabi Sir Xander.
May tinawagan pala siya at sinabi ang sukat ko. Harapan na naglalakbay ang mga mata sa buong katawan ko at sinusuyod ang kabuuan ko.
"And some foods for two," sabi pa nito.
Pinakinggan ko ang kaharap ko habang para akong tuod na nakatayo sa harap niya. Kinakabahan kasi talaga ako, lalo na sa paraan kung paano niya ako tingnan na para bang nagugutom siya at ako ang gustong maging almusal.
Matapos ibaba ang hawak na cellphone ay bumaling si Sir Xander sa akin. "Wait here, Avery."
Hinawi niya ang makapal na kumot at walang pakialam na bumangon at hubo't hubad na bumaba sa kama.
Nag-iwas ako ng tingin, pero hindi ko alam kung bakit sinadya niyang humakbang palapit sa akin at tumigil pa sa harap ko.
Napalunok ako ng hawakan niya ang pisngi ko at ibaling pakanan ang mukha ko na tila ba may gusto siyang makita sa leeg ko. Napatayo ako ng tuwid ng hawiin niya ang buhok ko papunta sa likuran ko, gano'n rin ang kwelyo ng polo shirt niyang suot ko na para bang gusto niya akong hubaran na naman.
Lakas loob na pinigilan ko si Sir Xander ng dumako ang mga daliri niya sa unang butones ng polo shirt na suot ko. Hindi siya nagsalita, pero hinawakan ang baba ko at itinaas ang mukha ko, kaya hindi ako nakaiwas at nagsalubong ang mga mata naming dalawa.
"Would you like to stay with me for another day?" Bigla ay tanong ni Sir Xander sa akin.
Mabilis na umiling ako. Kahit magbayad pa siya ng malaki, hindi ko gagawin iyon dahil baka matuluyan ako at magkatotoo nga ang sinasabi ng pilyang kaibigan ko na si Harlen na nakakarating umano sa langit kapag nag-se-sèx.
Baka kapag pumayag ako at pinagbigyan ko na naman si Sir Xander ay tuluyan na nga niya akong ihatid sa langit at hindi na makabalik pa. Kapag nangyari iyon, paano ang mga kapatid ko?
"Please, sir, I need to go home," kinakabahan na pakiusap ko.
Tumaas ang gilid ng labi ni Sir Xander habang tila amused na pinagmasdan ang mukha ko.
"What if I don't want to let you go? What would you do, Avery?"
Umawang ang labi ko at nakaramdam ako ng takot at kaba. Ayaw kong pagsisihan ang ginawa kong pagsama sa kanya dito, dahil para ito sa kapatid ko, kaya pinili kong lakasan ang loob ko.
"Look, sir, I have a sister who is waiting for me inside the hospital and desperately needs an immediate treatment. Please pay me the amount we agreed on last night, and I'll leave after that," lakas loob na sagot ko.
Binitiwan ni Sir Xander ang baba ko at naglakad palapit sa drawer. Hindi man lang siya nag-abalang magsuot kahit boxer at walang pakialam na ipinarada ang kan'yang hubàd na katawan sa harap ko.
"What is your real and complete name, Avery?" tanong ng kaharap ko habang nakatingin sa hawak na cheque.
Sinabi ko sa kanya, pati na rin ang tamang spelling para hindi ako magkaroon ng kahit anong problema sa bangko kapag dinala ko ito.
"Here's the p*****t for your service," pormal na sabi ni Sir Xander.
Kahit nanliliit ang pakiramdam ko sa mga nangyayari. Mabilis na inabot ko ang kapirasong papel na pinirmahan at pinilas niya. Agad na binasa at tiningnan ko ito at talagang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang malaking amount na nakasulat dito.
"One million pesos," mahinang anas ko habang nakatitig ang mga mata sa papel na hawak ko.
Napatingin ako kay Sir Xander na ibinalik ang booklet at ballpen na ginamit niya sa drawer.
"I can't accept this amount, sir," napa-iling na sagot ko.
Nangunot ang noo ng kaharap ko at hinarap ako. "Why not? Aren't you here for money?"
Napalunok ako, daig ko pa ang sinampal ng paulit-ulit sa narinig kong tanong niya, pero taas noo na hinarap ko ang aroganteng lalaking kaharap ko.
"I will only accept the amount you will pay based on what we agreed last night," seryosong sagot ko.
Mahirap na, baka kung ano na naman ang hingiin niyang kapalit kapag tinanggap ko ang malaking halagang binigay niya. Advance lang akong mag-isip at ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kanya at sa huli, gagamitin niya laban sa akin.
Maaga akong natuto sa harsh reality ng mundo, kaya nag-iingat talaga ako.
"It's up to you whether you accept it or not, Avery, but I won't take it back," kibit-balikat na sagot ni Sir Xander na muling sinuyod ng mga mata ang kabuuan ko.
"Well, I don't mind having you again if you allow me, Avery," naka-ngising sabi pa ng kaharap ko at walang pakundangan na sinabing gusto pa niyang may mangyari ulit sa aming dalawa.
Nanlaki ang mga mata ko at nag-iwas ng tingin. Hindi ko kasi alam kung seryoso ba siya o sinusubukan lang ako, dahil para bang natutuwa siya sa akin at nginisihan ako.
"Besides, I had a great time with you last night. Despite the fact that you're a virgin, you're really awesome and so fit for me." Hindi ko alam kung anong isasagot ko, lalo na ng makita kong binasa ni Sir Xander ang labi kaya nag-init ang mukha ko.
Walang-hiyang ito, hindi pa na kuntento sa katawan ko at gusto pang umulit, kaya malaki ang perang binayad sa akin.
Nakaka-temp tanggapin, lalo na at alam kong kailangan ko talaga ng pera at malaking tulong ito sa amin ng mga kapatid ko, pero nakakatakot siya. Baka mabalda ako kapag pumayag ako, kaya umiling ako at sinabing ayoko at umuwi na ako.
Mabilis na inabot ni Sir Xander ang mukha ko. Hinaplos at sensual na pinaglandas niya ang hinlalaking daliri sa ibabang labi ko habang nakatitig ang kulay blue niyang mga mata sa akin. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin ng magtama ang aming mga mata, pero nginisihan ako ng kaharap.
Tila ba amused na pinagmamasdan niya ang mukha ko at nagtagal ang mga mata sa awang na labi ko. Kinagat pa niya ang pang-ibabang labi at seryosong nakatitig sa mukha ko ang kan'yang mga mata.
"I know one of these days, I will see you back here again, Avery. Inside of this room and lying naked on top of that bed, moaning my name like how you lustfully had me last night and begging for more pleasure," confident na sabi ni Sir Xander sabay pisil sa baba ko at mabilis na pinatakan ng halik sa labi.