AVERY Katatapos ko lang magbihis nang pumasok dito sa silid si Sir Xander. Hindi nakaligtas sa mga mata ko kung paano sinuyod ng mga mata niya ang kabuuan ko at ngumiti sa akin ng makitang nangunot ang noo ko. "Breakfast is ready," sabi niya, ilang hakbang ang pagitan namin. "Sige, tatawagin ko muna ang mga kapatid ko," sagot ko pero umiling si Sir Xander. "It's okay, nasa dining room na sila." "Okay," maikli at tipid na sagot ko. Ngumiti ako kay Sir Xander nang lumapit siya sa akin at kinabig ako at naramdaman kong hinalikan niya ako sa sintido. "Let's go, I'm starving," mahinang bulong niya. Gaya ng dati, inabot ni Sir Xander ang kamay ko at basta na lang pinag-salikop. Naramdaman ko na naman tuloy ang pamilyar na init mula sa balat niya na tila boltahe ng kuryente na dumaloy sa