AVERY Sakay kaming magkakapatid sa magarang sasakyan ni Sir Xander, habang nagmamaneho siya pauwi sa malaking bahay niya. Dito ako nakaupo sa front seat, habang nasa likuran naman ang tatlong mga kapatid ko. Simula ng sumakay kami dito ay hindi na nagkaroon ng katahimikan habang nasa biyahe kami, dahil naging madaldal si Ailee at napakaraming tanong sa amin ni Xander. "Kuya, baka naman maligaw kami sa bahay mo," sabi ni Aila matapos magtanong kung malaki raw ba ang bahay ni Sir Xander. "Kaya huwag kang pakalat-kalat doon, Aila, baka mawala ka," biro naman ni Arnel sa kapatid namin. Tahimik na pinakinggan ko lang ang bawat kwentuhan at kulitan nila. Mukhang masaya naman ang mga kapatid ko na lilipat kami sa ibang bahay at wala akong nakikitang awkwardness sa kanila ngayong kasama si Si