AVERY Pigil ang hininga na sinundan ko ng tingin si Sir Xander nang bumaba siya sa kotseng sinasakyan namin. Sinubukan ko siyang pigilan, pero matigas talaga ang ulo niya at hindi man lang nakinig sa akin. Mula dito sa loob ng kotseng kinaroroonan ko, malinaw na nakikita ko kung paano naglalakad si Sir Xander palapit sa grupo ng mga kalalakihang nakaharang sa daan. Matinding takot ang sumibol sa dibdib ko dahil sa nangyayari, lalo na at madaling araw ngayon. Walang ibang tao akong nakikita sa paligid na p'wedeng hingan ng tulong kapag nagkagulo at tanging ang ilang sasakyan mula sa kabilang kalsada lamang ang nakikita kong dumaraan. Mahigpit na nakakapit ang mga kamay ko sa seatbelt na nakakabit sa katawan ko, habang hindi mapakali at nakatingin ang mga mata sa harap. Daig ko pa ang t