AVERY "Sir-" Agad na naputol ang sana ay sasabihin ko ng magsalita ang aroganteng lalaking kaharap ko. "Sit down, Avery. Let's talk," pormal na utos ni Sir Xander sa akin, kaya hindi ako nakapag-tanong sa kanya. Wala akong ibang option kung 'di ang umupo sa tabi niya. Isa lang naman kasi ang sofa namin dito sa bahay, tapos malaki at matangkad siyang tao. Kung titingnan, kasya lang sana sa kanya, kaya ngayong dalawa kaming nakaupo, para tuloy biglang sumikip ang pakiramdam ko sa buong kabahayan. "Aren't you going to greet me?" masungit na tanong ni Sir Xander kaya tinanong ko kung kumusta siya. Mukhang hindi siya satisfied sa sinabi ko at napa-iling pa na bumaling sa akin. "Tsk!" Narinig ko mula sa katabi ko. Napatingin ako sa kanya, pero agad rin nag-iwas, dahil pakiramdam ko ay na