"TANGINA naman Leigh, trabaho pa ba ito?"reklamo ni Tres sa kanya.
Napataas naman ang kilay niya ng lingunin niya ito, nasa mababang bahagi pa ito ng inaakyat nilang bundok.
"Ayaw mo na ba?"nananantyang tanong niya dito.
"Ni hindi man lang ba tayo magpapahinga? Pagud na ako"reklamo nito.
"Ang tanong ko ayaw mo na ba?"ulit niya sa naunang niyang tanong dito.
Bigla naman itong sumigla at mabibilis ang mga hakbang na lumapit sa kanya.
"Kabagal mo Leigh. Bilisan mo nga, baka abutin tayo ng gabi di pa tayo nakakarating sa camp site"kunwaring nagmamadali nitong sagot sa kanya.
Napangisi naman siya sa paraan ng pagsagot nito sa kanya. ilang beses na kasi itong nagreklamo sa kanya simula ng tinanggap niya ito bilang assistant nya. Palagi naman niyang sinasabi dito na okay naman na magquit ito sa trabaho sa kanya. hindi niya ito pinipigilan. Ito lang ang makulit na ayaw umalis sa tabi niya.
Buddy na daw kasi silang dalawa. sa halos dalawang buwan nitong pagsama-sama sa kanya. naging close naman silang dalawa nito. nakukuha na niya ang ugali nito.
"Hoy, gurang ano na kabagal!"tawag pa nito sa kanya.
Nasasanay na din siyang tawagin nitong gurang, well may ipinaglalaban naman ito. 24 pa lang pala ang isang ito samantalang siya 31 na.
"Nasasanay ka ng tawagin akong gurang, hahalikan na talaga kita sa susunod na sabihin mo iyan sakin"banta naman niya.
Inirapan lang siya nito at nagpatuloy na sila sa pag-akyat. Hindi naman nagtagal narating na din nila ang camp site kung saan sila pwedeng magpalipas ng gabi.
"Ikaw na magtayo ng tent"utos nito sa kanya.
Nakapameywang na nakataas ang mga kilay niyang tinignan ang kasama niyang prente ng nakaupo sa isang tipak ng bato.
"Sino ba ang boss dito?"tanong niya dito.
Nakita niyang nagmake face ito bago ito nagdadabog na tumayo at kinuha ang tent nila.
"Sabi ko ng itatayo ko na ang tent"sabi pa nito.
"May nakita akong ilog sa banda doon, maliligo lang ako. Pagbalik ko ikaw naman"paalam niya dito.
Hindi naman siya nagtagal sa paliligo dahil padilim na din, hindi lang siya sanay na hindi naglilinis ng katawan kapag bago matulog. Habang palapit siya sa camp site napapaisip siya kung bakit sobra kung makadikit sa kanya si Tres. Hindi naman sa nag-iisip siya ng masama dito nahihiwagaan lang siya masyado.
Napakunot ang noo niya ng makita kung paano kumilos ito. matagal na niyang inoobserbahan ito. kaya nga siya nahihilig sa mga ganitong activity ngayon dahil napansin niyang malakas ang resistensya ni Tres.
Wala pa silang pahinga na dalawa noong nagsimula sa mga activity niya, ilang trekking na sila, ilang bundok na din ang naakyat nila. Ilang milya na din ang nabike nilang magkasama. Maririnig niyang magrereklamo ito pero kung oobserbahan naman ito mukha namang nag-eenjoy ito sa ginagawa nila.
Tulad ngayon, madaming bagay siyang naobserbahan dito lalo na kapag nasa bundok silang dalawa. Parang ang dami kasi nitong alam na survival skills sa bundok na sundalo lang minsan ang alam niyang may ganoong skills.
"Oh Leigh, dyan ka na pala"pansin nito sa kanya.
Nakapagpaapoy na ito ngayon ng bonfire nila, ang malupit pa napansin niya kanina na wala namang ginamit na lighter o posporo ito habang nagpapaapoy.
"Ikaw na"sagot nalang niya.
Tinanguan lang siya nito bago ito umalis sa tabi niya. saglit lang siyang nawala na sa tingin niya nasa sampo o labing limang minuto lang siyang nawala pero naitayo na nito ang tent nila at naiayos na nito ang gamit nila.
"Not bad for a assistant"bulong niya.
"Fvck!"sigaw niya ng bigla nalang may humawak sa balikat niya.
"Grabe ka, kalaki mong bakulaw magugulatin ka"natatawang puna sa kanya ni Tres.
Hindi siya magugulatin, pero nagulat talaga siya ang bilis nito wala pa yatang limang minuto mula ng umalis ito sa tabi niya kanina. Pero ng tignan niya ito mula ulo hanggang paa masasabi niyang nakapagbihis naman ito.
"Kain na nga tayo"aniya nalang.
Tahimik silang kumakain na dalawa, siya nakatitig lang dito samantalang ito naman hindi mapakali ang paningin sa isang bagay. Laging nakamasid sa paligid nito, kilos sundalo.
"Kumain ka nalang bakit ba panay ang lingon mo?"tanong niya dito ng hindi niya matiis.
Nakakunot ang noo naman na tinignan siya nito.
"Tinitignan ko baka may multo kasi"seryosong sagot nito na ikinatawa naman niya.
"Oh bakit may nakakatawa ba?"naiinis na tanong nito sa kanya.
Umiling lang siya bilang sagot dito, pinagpatuloy nila ang pagkain. Nahiga na sila ng matapos sila kumain wala naman na kasi silang ibang gagawin.
Patulog na ang diwa niya dala ng pagod ng biglang magsalita ang kasama niya.
"Ano bang nakain mo at gusto mong magnature trip ngayon?"biglang tanong nito.
"Wala lang, I just find it appealing"sagot niya.
"Nakakapagod naman ang trip mo, ano naman isusunod mong bundok matapos nito?"reklamo na naman nito sa kanya.
Napatawa naman siya ng pagak at napatagilid na para makita niya ang dalaga.
"Nasubukan mo na bang magscuba diving Trinity?"tanong ang sagot niya dito.
Naiisip niya kasing magsubok ng scuba diving, pero kung ayaw naman nito ng scuba diving hindi na niya ipipilit.
"Oo naman, madaming beses na"sagot nito.
Napangiti naman siya sa tuwa sa nalaman niya. lalo tuloy siyang naexcite sana pala doon nalang niya inaya ito ngayon tutal nakakailang bundok na nga naman silang dalawa.
"Okay, may isa-suggest ka bang diving site sakin?"tanong na naman niya dito.
Tumagilid na din ito sa kanya kaya ngayon magkaharap na silang dalawa. kahit na wala silang malakas na ilaw, nakikita niya kung paano ito ngumiti sa kanya. para pa nga itong nagda-day dream habang nakatitig sa kanya.
"Marami, sa Palawan, sa el nido tsaka ano na nga ang tawag doon, basta madami akong alam"excited sagot nito sa kanya.
"Okay but which place is your favorite?"tanong niya dito.
"Sa Palawan"agad na sagot nito sa kanya.
"Edi sa Palawan tayo sa susunod"sagot niya.
"Talaga?"para namang bata itong naniniguro sa kanya.
Umayos na siya ng higa, tungo naman siya bago niya pinikit ang mata niya para na din matulog. Pero kahit na nakapikit ang mata niya naririnig naman niya ang mga bulong nito.
"s**t, sana nandoon pa din siya...namiss kong bigla ang babaeng iyon"bulong nito.
Napamulat naman siyang bigla sa narinig niyang bulong nito.
"Anong sabi mo?"tanong niya dito.
"Wala, nagsasalita ba ako. Natutulog na kaya ako"maang-maangan na sagot naman nito.
Napailing nalang siya sa sinabin nito, nang lingunin niya ito nakita niyang nakangiti itong sobrang lawak.
"Trinity, kailan mo nalaman na ganyan ka?"tanong niya dito.
"Kala ko ba matutulog ka na?"balik tanong nito.
"Tsk, never mind"ipinikit nalang niya ang mata niya at tuluyan na nakatulog.
"WHOA!, hindi nga?"manghang tanong niya sa binata.
Nakakunot noo lang ito habang nakatitig sa kanya. natatawa siya dito dahil sa nalaman niya dito ngayon lang. kung kanina naiinis siya ngayon natatawa na siya.
Naiinis siya dito kanina ng sa Pangasinan sila nagtuloy after nilang umakyat ng bundok at hindi sa Palawan. Pero natatawa siya ng malaman niyang hindi pala marunong lumangoy ang binata.
"Lakas ng loob mong mag-aya ng scuba diving hindi ka naman pala marunong lumangoy"kantiyaw niya dito.
"Don't laugh at me Trinity"banta nito.
Napaismid naman siya sa pagtawag nito sa pangalan niya. nasasanay naman na siya sa binata na tawagin siya nito ng pangalan talaga niya. ganti daw ito ni Leigh sa kanya sa pagtawag niya ng gurang dito.
"Wag na muna tayo magscuba diving ngayon mag-aral ka muna maglumangoy"suwestiyon niya dito.
"No, I want it now"para itong bata kung makasalita.
"Tigas ng ulo mo, mahirap sa ilalim ng tubig kung hindi ka marunong lumangoy."sermon niya dito.
"I know how to swim Trinity, ang sinabi ko lang hindi pa ako nagkapagscuba diving. That this will be my first time"paliwanag nito.
"Aayusin mo kasi ang paliwang mo"naiinis niyang sagot.
Nagtungo na sila sa pagrerentahan ng pang scuba diving. Pati na din Bangka na gagamitin nila para dalin sila sa diving spot doon. may ilang lecture muna bago sila pinayagan na magscuba diving. Naghire naman ng diving partner si Leigh para alalayan sila.
Iba na din ang mayaman, mukhang wala lang dito kung gumastos.
Naalala pa niya noong nasa bundok sila kahapon. Nang makarating sila sa pinakatuktok ng bundok may isang helicopter ang dumating at sinundo sila at dinala sila dito sa pangasinan.
Tapos ang tinuluyan silang hotel lahat pang mayaman.
Siya na ang mayaman.
"Ako ang mauuna, sunod ka nalang sakin"aniya dito ng nasa gitna sila ng dagat.
"Sabay na tayo"sagot nito.
Nagmake-face siya bago walang paalam na nagdive siya, hindi pa man siya nakakaahon naramdaman niyang may nakasunod na sa kanya.
"Sabi ko sayo sabay na tayo"pagalit ni Leigh sa kanya.
"Sumisid ka na"utos nalang nya.
Like she always experiend kapag nasa ganitong lugar siya naamaze siya ng sobra. Ang ganda sa ilalim ng dagat, nakakarelax ang mga makikita sa ilalim ng tubig. Hindi mo aakalain na makikita mo ang mga ganitong bagay.
Nilingon nya si Leigh na tulad niya nakatitig lang din yata sa mga corrals at sa iba't ibang uri ng isda. Napataas pa ang kilay niya ng makita may hawak itong kamera.
Ikaw na talaga ang mayaman..
Madami pa silang tinignan sa ilalim ng tubig, hindi naman sila masyadong nagtagal doon dahil nagkakaroon ng problema si Leigh sa oxygen tank nito.
"The next time we will dive sa Palawan na talaga"sabi pa sa kanya ni Leigh ng nasa pang-pang na sila.
Inirapan naman niya ito.
"Talk s**t ka din eh, di na ako maniniwala sayo"sagot naman niya.
"I just don't go in a place where I don't own it"para lang itong nagsabi ng bibili ako ng candy sa kanto.
Napahinto naman siya sa paglakad at napatingin sa binata na patuloy lang sa paglalakad.
"Anong ibig mong sabihin gurang?"tanong niya dito.
"Naghahanap pa ako ng magandang place in Palawan, maybe next week pwede na tayong pumunta doon. After Jane buy some piece of land in there"
Ayun na naman siya sa pagsasalita na para bang iyon nga bibili ng candy sa tindihan.
"Ikaw na ang mayaman"exaggerated na sigaw niya.
"Yeah I know"mayabang na sagot nito at nag-okay sign pa ito sa kanya habang patuloy sa paglalakad.
Nagstay pa sila ng ilang araw sa pangasinan bago sila bumalik ng manila.
Sa manila naman dumeretso sila sa fortress.
"Tanghaling tapat Bar?"reklamo niya.
Nakahalf smile naman sa kanya ang lalaki, bago sila kumakyat sa second floor.
"I own this remember?"paalala nito.
Doon lang niya naalala na nasa folder nga naman ng lalaki na pag-aari nito ang bar na ito. bakit ba nakalimutan niya.
"Hanep ka din ano Leigh, katanghaliang tapat mag-aya ng inom"reklamo ng isang lalaki.
Nakilala na niya ito minsan, noong bumalik sila sa opisina ni Leigh noon. Two months ago na ang nakakaraan pero hindi niya nalaman ang pangalan nito.
"Just want introduce to you my brothers my new found mate. Tres"pakilala nito sa mga kaharap nila.
May tatlong lalaki silang nabungaran sa VIP room na pinasukan nila ni Leigh. Pero ang nakakatuwa lang may mga kasamang bebot ang mga ito. hindi man lang nabanggit ni Leigh sa kanya sana nagpapogi naman siya bago sila dumeretso dito.
"I'm Lance and this is my wife Diwata"pakilala ng isang lalaking mukhang seryoso.
Lumapit sa kanya ang pinakilala nitong asawa, sayang may asawa na mukha pa namang yummy itong babae.
"Oh my God"bulong nito.
Nanlaki ang mata niya ng makilala kung sino ang pinakilala nitong babae sa kanya.
"s**t!"bulong naman na mura niya.
"Hi! Nice to meet you...Tres"may diin ang bawat salita nito sa kanya.
"Me too, sexy"alanganin na sagot niya.
Nagsilapitan naman ang isa pang babaeng kasama ng mga ito. ito ang babaeng nakita niya minsan sa opisina ni Tres.
Hinila siya ng dalawa palabas ng VIP room.
"Captain Trinity Kate Fuentes, anong ginagawa mo dito at kasama mo si Leigh?"tanong sa kanya ni Diwata.
"Small world ano ganda"maangas na sagot lang niya dito.
"You two know each other?"takang tanong naman ng isa.
"Seriously Pen, hindi mo kilala ang tomboy na ito?"takang tanong naman ni Diwata sa tinawag nitong Pen.
Maski naman kasi siya hindi niya naman kilala ang Pen na ito. pangalawang beses pa lang niya itong nakita ngayon. Si Diwata naman nakakasama niya ito sa training sa ibang bansa kaya kilalang kilala na siya nito matagal na. alam nitong sundalo siya kaya kailangan din niyang kausapin ito ngayon.
"Hindi"
"Okay, Tres, this is Penelope Turner a.k.a shadow did it ring a bell?"pakilala ni Diwata dito.
"Ay p*ta! Di nga"hindi naman siya makapaniwala sa nalaman niya.
"I feel you, Tres. But that is not the issue here. Bakit kasama mo si Leigh? Nasa mission k aba?"nag-aalalang tanong nito.
Nagseryoso naman siya sa tanong nito.
"Classified"simpleng sagot niya.
"Hey, may problema ba Diwata?"hindi nila napansin na nakalapit na pala sa kanila ang mga lalaki.
"Wala naman Leigh"sagot ni Diwata sa binata.
"You know this guy my Queen?"tanong ng lalaking nagpakilalang Lance na asawa daw ni Diwata.
"Oo, kilala niya ako Ex na lang naman kasi ako"mayabang napakilala niya.
Gulat na napatitig sa kanya ang lahat ng lalaki kasama si Leigh na ang sama ng tingin sa kanya.
"Umayos ka Tres!"banta naman sa kanya ni Diwata.
"Bakit ikinahihiya mo na ako baby"kunwari naman na nagtatampo siya dito.
Inambaan siya ni Diwata ng suntok bilang banta, natawa lang naman siya.
"Let's get inside"walang gana na singit ni Leigh sa kanila.
Tahimik na si Leigh ng makapasok na sila sa loob. Nag-iinuman ang mga kalalakihan kasama siya kasi sabi nga niya lalaki din siya. Pero kapansin pansin ang pagiging tahimik ni Leigh habang nag-iinom.
"Maiba ako, your secretary called me last Monday hinahanap ka niya sakin?"biglang naisingit ni Ezekiel na tanong.
"Then?"naiinip na tanong ni Leigh dito.
"Madami ka ng kailangan tapusin sa opisina mo, pumasok ka naman na daw"natatawang sagot ni Ezekiel.
Madami pang napag-usapan ang mga ito, puro lang tungkol sa negosyo ang pinag-uusapan ng mga ito.
Napaisip tuloy siya, sa loob ng dalawang buwan na kasama niya si Leigh wala naman siyang napansin na kakaiba sa lalaking ito. kaya napapaisip tuloy siya kung bakit kailangan na bantayan ito. mukha namang mabait ang lalaking ito o sabihin na nating isang simpleng negosyante lang naman ito.
Kailangan ko ng makausap si General. Tumatagal na ang pagbabantay ko kay Leigh wala naman akong makitang kakaiba sa isang ito.
Nagpasya siyang bukas na bukas kakausapin na niya ang mga nakakataas sa kanya para malinawan na din siya sa totoong trabaho niya kay Leigh.
........................