three

2207 Words
It is a one fine morning, nasa balkonahe siya ng kwarto niya ay abala siya sa pag-iinternalize ng pwede niyang gawin sa araw na ito. Ayaw niyang pumunta ng opisina niya. Ni ang lumabas ng bahay niya, all he want is peace for today. Nagbabalak siyang gumawa ng bagong item na pwede niyang ibenta sa black market. Madami na siyang gawang bagong technology na naibebenta niya sa black market o sa mga mafia and underground organization. His business is all about new technologies na nakikita ngayon sa merkado. Pero walang nakakaalam na gumagawa siya ng mga kakaibang technologies na ibinebenta naman niya sa mga tinatawag na third nation sa underground. "Hi gurang!" Nabulabog siya sa paggawa ng sketch ng isang ballpen na may inilalabas ng tear gas na pwede ding maging explosive devices. Pero idedevelop palang naman niya ito kung sakali, madami pa itong pagdadaanan bago niya ito magawa. Napalingon siya sa katabing bahay niya, doon nakita niya ang pinakahuling taong pwedeng bumulabog sa araw niya ngayon. "Hello"nang-aasar nitong kaway sa kanya. Napatitig naman siya dito, kalaunan bigla nalang siyang napangisi sa itsura nito. "What a very erotic morning I have in here"balik pang iinis niya dito. Nawala naman ang ngisi nito sa labi at napatingin sa itsura nito. doon lang yata nito napansin na nakamanipis na sanding puti ito. at dahil isa itong tomboy hindi ito nagsusuot ng bra sa tingin niya kaya heto at kumakaway din sa harapan niya ang may kalusugang dibdib nito. "Gago"angal nito. Napatawa naman siya ng sobrang lakas ng bigla nalang itong pumasok sa loob ng bahay. Halatang nainis ito sa kanya, na wala naman siyang pakialam. Napapailing naman na napatingin siyang muli sa ginagawa niya at pinagpatuloy ang pagdedesenyo sa kanyang tablet. "Ano iyang ginagawa mo?" Sa gulat niya sa nagsalita nai-itsa niya ang tablet niya sa ere. Pinagmasdan pa nga niya ang unti-unti nitong paglapag sa sahig sa sobrang gulat niya. "Napakamagugulatin mo naman gurang"nakatawang sita sa kanya ni Tres. Masamang tinignan naman niya ito, bago niya pinulot ang kanyang tablet na sa tingin niya okay pa naman. Pero hindi pa man dumadampi ang kamay niya sa tablet niya napatingin siya sa katabi niya ngayon, sabay tingin sa kabilang bahay. "How did you do that?"gulat na tanong niya dito. Nakita naman niyang parang kinuskos nito ang ilalim ng ilong nito sabay liyad ng dibdib nitong may saplot na. actually may saplot naman kanina, kaibahan lang mukhang may doble na ito dahil hindi na halata ang niples nito ngayon. "Ah iyon ba, simple lang tinalon ko lang naman"maangas nitong sagot sa kanya. Kaysa naman mabilib siya dito pinaningkitan niya ito ng mata. "I think your my stalker, and at the same time akyat bahay ka na din. I think I should call a police"aniya dito. "Aba't antipatiko ka talagang gurang ka"naiinis naman nitong sagot. "One more time I heard that 'gurang' word from you hahalikan kitang tomboy ka"banta naman niya dito. Napaatras naman ito ng ilang hakbang sa kanya. naiinis na din kasi siya sa kakatawag nitong gurang sa kanya. hindi pa naman siya gurang he's only 31 for fvck's sake para tawaging gurang. "Ano bang ginagawa mo dito ha? Ang aga-aga nangbubulahaw ka"reklamo niya dito. "Masama bang puntahan ka dito. Natawa lang ako kasi ikaw pala ang kapitbahay ko"nakaingos na sagot nito. Tignan mo itong tomboy na ito. kala mo naman hindi tomboy kung makairap parang babaeng sinasapian lang ng tantrums dahil may regla. "Ang sabihin mo sinusundan mo talaga ako. Siguro may gusto ka sakin"pang-aasar niya dito. "Hoy excuse me lang, ako magkakagusto sayo. Kahit mamatay na akong virgin hindi ako magkakagusto sa isang katulad mo."inis na sagot nito. Bigla naman siyang napangisi sa sagot nito sa kanya. "So you mean you're a virgin?"nakangisi niyang tanong dito. Kitang kita niya ang pamumula ng mukha nito maging ang pag-ilap ng mata nito sa kanya. "Hindi na ano, kadami ko na kayang nakasex para sa kaalaman mo"pagyayabang nito sa kanya. Hindi naman siya nagpadala sa sinabi nito sa kanya, alam niyang nagsisinungaling ito sa kanya. obvious naman na hinding-hindi ito papatol sa isang katulad niya kaya malamang na virgin pa ito. "Kung totoo ang sinasabi mo, tara nga sa loob at ng mapatunayan kong hindi ka na nga virgin" Hinawakan niya ito sa braso at akmang hihilahin na niya ito papasok sa loob ng bahay niya ng bigla siya nitong hinapit sa braso at akmang ibabalibag siya nito. napigilan niya ito at nacounter attact niya ito, ito tuloy ang nasa sahig ngayon at siya ang nasa ibabaw. "I like this position, sana sinabi mo na hindi mo nakayang maghintay, we can do it here maaga pa naman wala pang masyadong makakakita satin"pang-aasar pa din niya dito. "Ulol!"mura nito sabay head bat sa kanya nito. Tumama sa ilong niya ang noo nito kaya naman napaalis siyang bigla sa pagkakadagan dito at sunapo ang napuruhan niyang ilong. "Fvck"mura niya ng makitang may dugo ang ilong niya. "Bagay sayo iyan"inis na sigaw sa kanya ni Tres. Napailing nalang siya ng makita niyang nakatalon na nga sa kabilang bahay si Tres. "May sa palos ka talagang tomboy ka"sigaw naman niya dito na sinagot lang nito ng dirty finger. "GAGO talaga ang gurang na iyon"naiinis niyang turan. Nagderetso siya sa banyo ng kwarto niya. kakalipat lang niya kagabi sa bahay na binigay sa kanya ng general nila. Ito nalang kasi ang naisip nilang paraan para makalapit na din siya ng tuluyan sa binata. Buti nalang may bakanteng bahay sa tabi pa mismo ng bahay ng binata. Mabilis lang siyang nakapagbihis, wala naman siyang kailangan na asikasuhin sa katawan niya. humugot lang siya ng sports bra, sando at isang tshirt. Brief at isang ripped jeans ang gamit niya, sa paa naman rubber shoes lang. Paglabas niya ng bahay niya siya ding paglabas ni Liegh sa bahay nito. "Saan punta mo gurang?"tanong niya dito. Nakaformal wear kasi ito, mukhang pupunta ito sa opisina ngayon. Sa loob ng isang linggo niyang pagsunod sunod sa binata, napansin niyang hindi ito masyadong pumapasok sa opisina nito. Sabi nga niya 'tamad' itong kumag na ito. "Gusto mo talagang mahalikan ano TRINITY"nakangisi nitong sagot sa kanya. Inambaan naman niya ito ng suntok, na ikinailing lang nito. Hindi na siya nito pinansin at nagtuloy-tuloy na itong lumapit sa sasakyan nito. Siya naman malalaki ang bawat hakbang na lumipat siya sa kabilang bakod at dumeretso sa sasakyan ng binat. "What are you doing here?"gulat na tanong nito ng halos sabay silang nakapasok sa sasakyan nito. "Di ba nga magta-trabaho na ako sa iyo simula pa noong nagpunta ako sa opisina mo"sagot niya dito na parang wala lang. "What!" "Halla, larga na at baka malate tayo. Hinihintay pa naman ako ngayon ni babes ko"nakangisi niyang utos dito. "Damn, you mean my secretary?"nakangisi namang sagot nito sa kanya. Nginisihan lang din niya ito at hindi na pinansin pa. nagdrive din naman ito na hindi na siya pinapababa pa sa sasakyan. Mukhang mauuto na niya itong bigyan siya ng trabaho mula ngayon. "Good morning sir"bati ng guard kay Leigh ng makarating sila sa building nito. Dere-deretso lang naman ito pumasok sa loob ng building at hindi man lang pinansin ang bumabati dito. "Psst! Hoy! Gurang binabati ka ng mga tao mo, bastos ka"sita niya sa binata. Gulat naman ang lahat na napatingin sa kanila, medyo napalakas din kasi ang pagsasalita niya. nanlalaki naman ang mata na napatingin sa kanya si Leigh. "Ano?"tanong pa niya dito ng hindi naman ito sumagot sa kanya. "Pasalamat ka maraming tao TRINITY!"nagngingitngit na sagot nito sa kanya bago siya nito iniwanan. Naiinis naman na sinundan niya ito, inambaan pa nga niya ito ng suntok kahit na nakatalikod na ito sa kanya. Hindi na niya ito naabutan sa may elevator naghintay pa siya ng ilang minuto bago siya nakasunod sa opisina nito. malalaki ang bawat hakbang niya maging ang ngiti niya makikita na kasi niya ulit si Miss beautiful, na hindi niya maalala ang pangalan na secretary ni Leigh. Pero bagsak ang balikat na napatitig siya sa lalaking nakaupo sa table kung nasaan dati ang sexy'ng secretary ni Leigh. "Hoy, asan na si miss beautiful?"tanong niya ng makalapit na siya sa table. Napakunot ang noon a pinagmasdan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa. "You mean Miss Dizon?"tanong nito sa kanya na tinanguan lang niya. "She's not in here anymore"simple sagot nito sa kanya at muling tinignan siya mula ulo hanggang paa. "And may I ask you, what do you need?"seryosong tanong nito. "Ung boss mong gurang...pasok na ako sa loob"maangas na sagot niya. Pero hindi pa man siya nakakahakbang naharang na siya ng lalaki. "Mr. Smith don't want any disturbance while he's at work. If you do not have any appointment to him you can now go"pagtataboy nito sa kanya. "Hoy, hindi ko kailangan ng appointment. Kilala ako ni Leigh, kasama niya ako kanina naiwanan lang niya ako kanina sa baba kaya hindi kami sabay na nakarating dito"angal naman niya na hindi nito pinansin. "Leave"utos na naman nito sa kanya. Naiinis na napaatras siya ng marahang itulak siya nito. like amo like secretary ba ang drama ng lalaking kaharap niya. "Aba't loko ka ah!"reklamo niya. Aamba na siya ng suntukan dito ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Leigh at lumabas doon ang isang napakagandang babae na ngayon lang niya nakita sa tanang buhay niya. kasunod si Leigh na sobrang lawak ng pagkakangiti sa babae habang nag-uusap ang dalawa. "Hoy gurang"pagpapapansin niya dito. Nawala naman ang ngiti nito at napalitan ng pagsimangot at pagkunot ng noo ng marinig ang tawag niya dito. "Ano pa bang kailangan mo Trinity?"naiinip na sagot nito sa kanya. "This guy is a girl?"hindi naman makapaniwalang tanong ng kaharap niyang lalaki. "Oh!"napahawak pa sa bibig naman ang magandang babae sa tabi ni Leigh. "Yes, can't you see her big t**s men?"exaggerated pang itinuro ni Leigh ang dibdib niya. Napahawak naman siya bigla sa dibdib niya, sa susunod na bonus niya ito ang uunahin niyang ipaalis sa katawan niya promise. Masyadong pansinin kasi sa laki nito, matagal na niyang pinagpaplanuhan na ipatanggal ito. hindi lang matuloy-tuloy dahil sa nanay niya. "s**t! I didn't saw that"manghang sagot pa ng kausap nito. Sinamaan naman niya ng tingin ang dalawang lalaking nakangisi na ngayon habang nakatingin sa kanya. "You two stop looking at her like you were a pervert maniac"galit naman na sita ng magandang babae sa dalawa. "Oh c'mon Pen, ako pa ang maniac ngayon you know me Irog ko"sagot ng lalaki. Nilapitan ito ng babae at piningot ang tenga. "Kaya nga, alam kong pilyo ka."sermon pa ng babae sa lalaki. "Brod mauna na kami ng misis ko."paalam naman ng lalaki kay Leigh. Laglag ang panga na napatingin siya sa dalawang paalis na, kita pa niyang nagharutan ang dalawa habang naglalakad papalayo sa kanya. broken hearted na agad siya ngayong araw, ngayon na nga lang siya nakakita ng soul mate niya naagaw pa ng iba. "Wag mong pagpantasyahan ang asawa ng kaibigan ko Trinity"bulong sa kanya ni Leigh. Sinamaan lang niya ito ng tingin, nakasimangot na sinundan niya ito hanggang sa loob ng opisina nito. hindi naman na siya nito pinansin ng pumasok na sila sa loob ng opisina nito, dahil tambak ang trabaho nito ngayon. "Asan nga pala ang sekretarya mo?"tanong niya dito. "Ayan nakaupo lang"sagot nito. Nagtataka naman tinignan niya ang labas, dahil salamin ang bintana nito kita ang labas pero hindi kita ang loob kaya pwede pa din gumawa ng kalokohan sa loob ng opisina nito. wala naman doon ang sinasabi nitong secretary. "Niloloko mo ba ako"naiinis niyang baling sa lalaki. Ibinaba naman nito ang hawak na papel at ballpen at tumingin sa kanya na may seryosong mukha. "I'm not joking, sabi mo gusto mo ng trabaho di ba, I'm giving you the favor. Your now my assistant. And as for miss Dizon, I assigned her in another office para magawa niya ang trabaho niya while your here"sagot nito bago muling binalingan ang binabasang papel. Napapantastikuhan naman siya napatingin sa binata. Hindi siya makapaniwala na natanggap talaga siya sa trabaho. "Assistant mo na ako ibig bang sabihin, palagi mo akong makakasama?"mangha na naman nyang tanong dito. Hindi talaga siya makapaniwala sa ngayon na mababantayan na niya ito ng malaya. "Yes"sagot lang nito na hindi siya tinitignan. Gusto niyang mapasuntok sa ere pero pinigilan niya, success ang first step niya. susunod na niya ang maging malapit dito. Konti nalang, matatapos na niya ang mission niya. Pero napaisip siya, ano nga ba ang totoo niyang mission. Kasi ang sabi lang sa folder na hawak niya, bantayan niya ito at alamin lahat ng transaction nito sa buong maghapon. Bigla siyang napaisip tuloy, kailangan na niyang makausap ang totoong nagbigay sa kanya ng mission niya sa lalong madaling panahon. Baka kasi magkamali pa siya ng gagawin sa mga susunod na mga araw. Pero masaya talaga siya ngayon dahil nakapasok na siya sa buhay nito ngayon. "Matanong ko lang, magkano sweldo ko?"pang-iistorbo niya dito. "One hundred thousand"simple namang sagot nito na para lang nagbigay ng 'oo' na sagot. Nanlaki naman ang mata niya sa nalaman niyang magiging sweldo niya. di hamak na may malaki pa iyon sa sweldo talaga niya bilang sundalo. "Tangina"napamura siya sa sobrang gulat niya. Hindi naman siya pinansin ni Leigh at nagtuloy lang ito sa pagta-trabaho nito. ....................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD