Twelve NAKATULALA nalang siya habang papalayo ang sinasakyan niyang sasakyan na minamaneho ng kanyang ama. Katabi niya ang kanyang ina na siyang nag-aalo sa kanya pero wala naman itong magagawa. Hangga't nasa loob siya ng sasakyang ito at hindi niya kasama si Leigh hindi siya titigil sa pag-iyak niya. "Anak tumigil ka na sa pag-iyak. Smith is gone"saway na naman sa kanya ng ama niya. "Pinatay niyo siya"paulit-ulit niyang sinasabi ito sa mga magulang niya. "Listen Trinity"sigaw ng kanyang ina. Umiling lang siya ng umiling tinakpan din niya ang kanyang mga tenga para hindi niya marinig ang anumang sasabihin ng kanyang mga magulang. Malinaw sa alaala niya ang itsura ni Leigh kanina bago nila ito iwanan. Nagsisisi siyang iniwanan niya ito habang naghihingalo ito. "Leigh" Napatingin pa s