MADILIM pa sa labas ng maalimpungatan siya, para kasing may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya kaya siya nagising. Noong una nagtaka pa siya ng mamulatan ang maamong mukha ni Leigh na nakadikit na halos sa kanya. Pero agad din niyang naalala ang lahat ng nangyari bago siya makatulog. "Bakit ang gwapo mo pa din kahit natutulog ka nalang?"pabulong niyang tanong sa nahihimbing na binata. Nanlaki ang mata niya ng bigla ito ngumiti kahit na nakapikit ang mata nita. "Siguro para mainlove ka na sakin"tugon naman nito na nakapikit pa din. Aalis na sana siya sa pagkakahiga ng mas hapitin siya nito palapit dito. "Wag ka munang tumayo, maaga pa naman siguro o baka nga gabi palang"angal nito. Nakadilat na ito ngayon at nakatitig sa kanya habang nakanguso na naman. Muling nanlaki ang mata ni