PARA SIYANG kakapusin ng hininga habang nakatitig kay Trinity na ngayon ay hawak-hawak ni Toby. Kanina ng makita niyang kasama na ng pinsan niyang si Hanna ang dalaga para na siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan niya habang nakatitig sa dalaga. Pero ngayon daig pa niya ang sumisisid sa dagat na walang oxygen tank sa likod habang nakatitig sa dalaga habang may nakatutok na baril sa sintido nito. "Toby, let her go"muli niyang pakiusap sa binata. Pilit siyang nagtapang-tapangan sa harapan ng binata, hindi pwedeng makita nitong natatakot na siya. "I will not, you take my wife away from me. Then I will take youre woman aw---"naputol ang iba pa nitong sasabihin ng bigla nalang sumulpot si Hanna mula sa likod nito at batukan ang lalaki. Nanlaki ang mata niya, narinig niyang napasinghap pa