TAGAKTAK na ang pawis niya pero wala pa din siyang reklamo sa ginagawa niya. Gustuhin man niyang magreklamo hindi niya naman magawa dahil na din ginusto naman niya ito. isa pa para ito sa kaligayahan niya, iyon ngayon pambubugbog sa kanya nakaya niya ito pa kaya. "Papa, mabigat?"inosenteng tanong naman sa kanya ng anak niya. Napangiti naman siya sa anak niya, pakonswelo nalang na kasama niya palagi ang anak niya sa buong maghapon. Gusto kasi nitong palaging nakikita siya kaya kahit saan siya naroroon kasa-kasama niya ito. "Not really, boss"sagot niya sa anak. Pero parang gusto niyang bawiin ng utusan siya nito pasanin din niya ito dahil masakit na daw ang paa niya kakalakad. Packing tape naman, may buhat siyang dalawang timbang malalaki na puno ng tubig tapos gustong magpabuhat sa kany