Doon Ka Dapat Humupa lamang ang tilian noong bumalik na si Kaizen sa kanyang kinatatayuan. Ngayon nacoconscious na ako dahil nanonood siya. Hindi pa matigil tigil ang naghuhuramintado kong sistema at kinakabahan lamang ako dahil sa kanyang presensya. "Ang swerte mo naman talaga, girl!" si Miss Angelica. Tumawa lamang ako habang sinusuot na iyong apron. Mukhang nagsisimula narin namang kumalma si Miss Angelica dahil inaasikaso niya narin iyong mga ingredients. May sinenyas na ang staff at nagtaas ng manila paper, kung saan may mababasang tanong roon para sa akin. "Mahilig ka bang magluto, Keyla?" tanong rin naman ni Miss Angelica. "Noong buhay pa po si Daddy, madalas kaming dalawa sa kusina lalo na't iyon po ang hobby naming dalawa. Marami siyang naituro sa akin kaya medyo marunong ri