Goodluck Kiss I did some boxing after having a breakfast with Kaedy. Inilabas ko lahat ng aking frustrations sa punching bag suot ang isang boxing gloves sa mga kamay, tanging sports bra, leggings at nike shoes habang nakaponytail ang aking buhok. Tumutulo na ang aking pawis lalo na't kanina pa ako sumusuntok doon. "Easy... Sino bang kaaway mo?" tanong ni Cholo at hinawakan ang punching bag. Hinabol ko ang hininga at tiningnan ang tiyan kong namamasa narin dahil sa pawis. "Si Raiden..." Nagulat siya sa aking binigkas. "Nagkausap kayo? Himala at may time sa'yo." Tumaas ang kanyang kilay sa akin. Pinuntahan ko ang bottled water at pinulot iyon. Hinubad ko ang isang boxing gloves saka ko iyon ginamit para pambukas. "He called me kagabi," sabi ko. "At?" Uminom ako, sa gilid ng