Chapter 15: Engagement

1109 Words
Margaret's POV "What can you say anak sa surprise ni Magnus?" "Nagulat ako Mommy, lalo na nung nakita kong wala naman tayo sa bahay and he keeps on insisting na nandito daw kayo, knowing you di man kasi kayo pumapasok sa hindi nyo bahay eh kaya nagtaka na ko non" "Suportado namin sya dahil nagpakita naman sya ng totong sinseridad nya anak, kaya sana maging mas matibay pa lalo ang pagsasama nyo" "Yan din po ang hiling ko Mommy" "Naku malaki na ang anak ko, parang kelan lang ah highschool ka tapos ngayon ikakasal ka na" Mommy naman nagpapaiyak pa! I am their only daughter kaya kahit nahihirapan sila ay suportado pa din nila ako sa mga desisyon lalo na sa mga ganitong pagkakataon. "Mommy, Daddy, kahit po mag asawa na kami ni Magnus lagi ko pa din po kayong dadalawin okay? Hindi ko kayo kakalimutan, I am your one and only princess po" "Yes anak. Alam naman namin yun. You have been so sweet to us." Nang makapag good night na ako sa kanila ay naabutan ko si Magnus na may kausap sa phone. Problemado ang mukha nya at para bang nakikipag talo sa kausap. Pero hindi ko na lang sya tinawag dahil baka importante din yun at baka tungkol lang sa opisina nila. Pumasok na lang ako sa kwarto ko dahil pagod na din ako sa dami ng mga nangyari ngayong araw. Dahil sa kabilang kwarto lang naman ang kwarto ni Magnus ay nag text na lang ako sa kanya. Text Message: Hi lovie, matutulog na ako. Good night, thank you so much for today, I love you so much! Hindi din nag tagal ay nakatulog na ako. KINAUGAMAHAN Nagising ako na maliwanag na sa kwarto, agad kong tinignan ang kamay ko para ma kumpirmang hindi naman panaginip ang nangyari kahapon. I am finally engaged, sa taong mahal ko at mahal ako. Dati ang sinasabi lang nila sa'kin ay ipapag pakasal ako ng mga magulang ko sa mayaman na tagapagmana ng kumpanya at magiging arrange marriage lang daw dahil kailangan kong panatilihin ang yaman ng pamilya ko, pero mali sila. Hindi naman ganun ka ganid sila Mommy at Daddy sa pera para isa alang alang nila ang nararamdaman ko at unahin ang paglago ng pera. May mga bagay na di naman talaga kasi matutumbasan ng pera at yun ang kaligayahan na mapunta ka sa taong mahal mo, na walang iisipin na iba. Bumaba ako at wala akong nakitang tao sa baba kaya naman nag libot libot muna ako. Malawak ang space ng bahay. May apat na kwarto, may hiwalay na isang Cr sa baba liban sa mga Cr na nasa kanya kanyang kwarto na. Maganda din ang interior at theme ng bahay. Kung sakali man na dito agad kami titira ay hindi ko na papabaguhin pa ang theme nito dahil presko sa mata. May malawak na sala at garden kasama na ang pool at parang tambayan. Dito pwedeng mag laro ang mga anak namin at mag swimming kapag mainit. Ang kusina namin ay may kalakihan din. Kumpleto na din pala iyon sa gamit kaya hindi na kailangan pang bumili. Ang sala naman ay malawak din, ang pagitan at taas ng hagdan ay hindi naman nakakapagod akyatin. Sa taas ay sunod sunod na ang mga pintuan na syang apat na kwarto sa taas, meron ding terrace na tanaw na tanaw ang city lights kung gabi at ang buong kabahayan malapit kapag umaga. Hindi na ako makapag hintay na tumira dito at bumuo ng sarili kong pamilya. May narinig na akong mga tao sa baba kaya naman ay bumaba na ako. "Madam baby, good morning" Hinalikan naman ako sa noo ni Magnus at niyakap ko sya. "Ang aga nyo naman, nag walking na din ba kayo?" "Oo anak, sabi kasi ni Magnus mag pandesal na lang daw tayo, eh naisip ko minsan lang naman kaya sige kako sasama na din kami para makapag walking na" "Buti naman po Ma, sayang di nyo na ako ginising, nakita ko din sana yung neighborhood" "Eh madam baby, kapag dito na tayo nakatira araw araw mo na yan makikita. Pero bago ko pa makalimutan, pupunta tayo sa office ngayon, okay lang ba sa'yo? Soft opening na ng site at may iilan na din kaming clients kaya maigi na din na mag bukas" "Okay lovie, sige bibilisan ko na ang kilos para matapos na tayo" Nang matapos nga ay naligo na ako at nag prepare. Formal event iyon kaya nag suot na lang ako ng dress. Nang makarating kami sa office nya, na napapalapit lang din sa bahay namin, ay madami ng mga tao at doon ko din nakilala sa unang pagkakataon ang kaibigan nya na ka sosyo nya sa kumpanyang ito. Advertisement marketing strategy ang pino promote ng kumpanya nila. Maraming naka abang na clients kaya sinimulan na ang program ng ribbon cutting pati na din ang blessing nito. Nilibot na din kami ng isang empleyado. "Lovie, ito ba yung office mo? Shala ah, ang ganda" "Hmm talaga ba? Ako talaga nagpa sadya nyan eh.Ayoko kasing kita sa labas eh. Kaya pina blur ko okay lang ba?" "Oo naman para mayroon kang privacy, maganda din naman ang pagkaka ayos ng mga gamit at table mo dito kaya okay sya" "Buti naman approve sa'yo. Alam mo ba madam baby, excited na akong mag trabaho dito" "Eh kailan nga ba talaga ikaw magsisimula lovie?" "Next week pa naman baby, kasi may orientation pa ang mga empleyado, kailangan ko rin ng secretary eh" "Hmm ok I will tell you kapag may nahanap akong pwedeng maging secretary mo okay?" "Thank you baby ko" Pagkatapos ng soft opening ay bumalik kami sa magiging bahay namin para naman mag pahinga saglit bago nya ako ihatid sa bahay namin. Nauna na kasing umuwi sila Mommy at Daddy. Umupo lang kami sa sala na katapat ng pool sa labas. Magkahawak kamay at magka sandal. "Sa tingin mo lovie, mapupuno kaya natin ng magagandang memories ang bahay na to?" "Oo naman baby ko, tayo na to oh? Saka araw araw akong magpapasalamat na ikaw ang katabi ko sa pag tulog at sa paggising" "Well I can't wait to do that, mag plano na agad tayo ng kasal ah, gusto ko na maging misis mo eh" "Sabi ko na nga ba eh, patay na patay ka din sa'kin" Nag tawanan naman kami dahil sa mga biro nya. Niyakap nya lang ako at hinintay lang namin na bumagsak ang araw saka kami umalis sa bahay na pansamantala munang mababakante dahil hindi pa kami pwedeng lumipat nang tuluyan dahil hindi pa naman kami kasal. Sa ngayon ay bisitahin muna namin ito hanggang sa ikasal kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD