Chapter 14: Restart

1191 Words
Magnus' POV Sa wakas ay pauwi na din kami. Hindi kumikibo si Margaret kaya minabuti kong kausapin sya kung ano ba ang naging problema noong nagkaroon ako ng malalang tama. "Margaret, pwede ba akong mag tanong sa'yo? Sagutin mo ng totoo ah" " Hmm? Ano yun?" "May nangyari ba nung nag truth or dare tayo? Wala kasi akong matandaan and nag iba ka simula nun, may problema ba?" "Hmm wala naman, baka naman guni guni mo lang yan. At saka pauwi na tayo. Lahat ng ala ala natin don mananatili na lang yun doon." "Sure ka ah? Wala tayong problema?" "Oo naman" Nang makarating ulit kami ng Manila ay balik na ulit sa dati ang lahat. Araw araw pa din naman kaming nagdidate ni Margaret, mas gusto nya kasi ng spontaneous na dates. Minsan ay sa malalayong lugar kami pumupunta kapag gusto nya. "Lovie, kailan pala kayo magsisimulang mag tayo ng kumpanya?" "Hmm actually madam baby, nagpapatayo na kami ngayon, undergoing na yung construction ng building" "Wow talaga? How can you keep it from me naman lovie? Di tuloy kita masuportahan tapos panay labas pa tayo" "Okay lang naman sakin yun. Saka balak ko sanag i-surpresa ka. Pero ayan nasabi ko na din naman sayo kaya sa mismong istura na lang ako ng building babawi" "Hmm ikaw talaga! ang hilig mo sa mga pa surpresa na ganyan ah! Baka mamaya surprise mo na din ako ng kasal" "Wow salamat sa idea madam baby, baka mamaya magulat ka naka luhod na ko sa'yo. Di mo lang alam kung gaano ako kahanda na pakasalan ka, wag mo akong subukan madam baby" "Haha ikaw talaga! Ako din naman ready na ikasal sa'yo. We're not getting any younger lovie, saka Mom and Dad keep on asking pa nga kung kailan natin balak na mag pakasal eh" "Just wait okay madam baby? Pagpaplanuhan muna natin ang security ng future natin for now" "I will wait for you my love" Hinalikan ko sya sa noo bilang pag sang ayon. Nasa isip na din talaga namin yan ni Margaret, halos magtatatlong taon na din kaming magka relasyon, marami man kaming hindi napagkaka intindihan minsan pero bago matapos ang araw eh lagi din kaming nagkaka ayos at nagbabati. Kaya kahit anong pagsubok na ang dumating ay subok na naming dalawa ang isa't isa. "Lovie, uwi na tayo? Maggagabi na din eh" "Okay madam baby, tara na" "Nag enjoy ka ba ngayong araw?" "Hmm oo naman! Kasama kita eh at saka lagi naman maayos ang mga dates natin. Mag 3 years na nga din pala tayo no? Grabe all that years napaka strong pa din natin. I love you so much lovie, I always love you oki?" "I love you more madam baby ko, naku kahit minsan may tama yang utak mo mahal na mahal pa din kita no, tagal ko kayang naghintay mapa oo ka lang" "You better love me more kapag nag tagal pa tayo" "Gusto mo bigyan na kita ng napaka laking assurance eh" "Ano namang assurance yun?" "Andito na tayo madam baby, baba ka na" "Huh? Di naman ito yung bahay namin ah?" "Pero nandyan sila Mommy at Daddy mo eh. Pasok na tayo?" "Sure ka ah, sige" Malaki ang bahay na ito, may matibay na pundasyon kagaya na lang ng pagmamahalan namin ni Margaret, hindi nya alam kaya kong ibigay lahat ng assurance sa kanya. "Lovie, diretso ba? Saan ba tayo pupunta?" "Yes po madam baby diretso lang baka nasa may pool sila" Hinayaan ko na syang dumiretso sa may pool at inabot na din sa'kin ng mga kaibigan ko ang bulaklak at singsing. Bumukas ang ilaw at nandun ang mga magulang ni Margaret, at magulang ko, kapatid ko, at mga kaibigan naming dalawa. Tumugtog na ang kantang palagi naming pinapatugtog. Dahan dahan naman akong nag lakad papunta sa kanya. "Happy Anniversary to our lovely couple!" Margaret's POV They surprised us. Hindi pa ako makalingon kay Magnus dahil nararamdaman kong mas may makakapag trigger ng luha ko kung lilingon man ako sa kanya. My parents, his parents and siblings, at iilan sa mga kaibigan namin ay nandun. May decorations din at ramdam ko ang naging kontsabahan nilang lahat para sa araw na to. "Congratulations anak, we are very happy para sainyo ni Magnus, pinatunayan nyo na patagagalin nyo ang pagsasama nyo. Alam ko umpisa pa lang ito pero nakikita naman namin na patuloy pa ninyong patitibayin kung ano man ang nasimulan nyo" "Thank you po Mommy, thank you po sainyong lahat" "Pero Marga, I suggest talikod ka, baka mangawit na si Magnus eh" Dahan dahan na akong lumingon at huminga muna ng malalim. Pag harap ko sa kanya ay nakaluhod na sya sa harap ko hawak ang bulaklak at singsing. "Lovie! What are you doing!? WAAAAH I don't know this would happen today" "Happy Anniversary madam baby ko, kung di pa nahulog ang panyo mo noon edi hindi kita makikilala, pero alam mo ayos lang din kasi kaklase naman kita. Pero kung nagkataon na di pa din kita kaklase, sigurado akong gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para pag tagpuin pa din tayo. It's been 3 years at inlove na inlove pa din naman ako sa'yo. Wala namang nagbago kung anong tingin ko sa'yo, ikaw pa rin ang madam baby ko at ang babaeng gusto kong pakasalan" Umiiyak na ako nang sabihin nya ang mga yun. He really know what words to choose para lang mapa amo o kaya naman mapa iyak ako sa saya. "Kaya madam baby, gusto na kitang bigyan ng assurance. Yung assurance na pang habang buhay mong pang hahawakan, Margaret, will you marry me? Will you spend a lifetime with me?" "Of course silly! I love you so much" Hagulhol kong sagot. Isinuot na nya ang singsing sa finger ko and we kissed sa harap nilang lahat. Nagpalakpakan naman ang lahat ng nandun at binati kami ng congratulations. I can't believe na ma engage na ako ngayong gabi, pero hindi ko pagsisisihan na um-oo ako sa taong mahal ko. "Sorry madam baby ah, kailangan kasi surprise saka ang totoo nyan, gawa na talaga yung building. Bukas na bukas dadalhin na kita don, at itong bahay" "Wait don't tell me?" "Itong bahay, pinagawa ng Mommy at Daddy mo para satin. Pre wedding gift na daw nila satin yan madam baby, akalain mo yun house and lot" "Wow, they really are supportive huh? Lovie alam mo bang never nilang nag spend ng ganito kalaking amount para lang sa mga ganito?" "Kasi ikaw naman ang pagkaka gastusan nila kaya okay lang yun. May bahay na tayong titirahan kasama ng mga anak natin." "Oh, yes. Anak. I can't wait to have those" "You will have those. Gusto ko kambal, para never maging alone ang isa" "Kambal sounds good too" "Mga anak, mauuna na kami ah, Margaret Congratulations sainyo. Kapag pinaiyak ka ng anak ko wag mong hahayaan ah, naku babanatan namin yan kapag inaway ka." "Sige po Tita, I will tell you po agad haha. Ingat po kayo pauwi" Unti unti na ding nagsisi alisan ang mga bisita namin dahil alanganin ng oras ng gabi. Pagkatapos ay doon na din kami nagpalipas ng gabi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD