Sa bilis ng mga pangyayari ay halos hindi niya alam kung ano ang iisipin. Sisisihin ba ang sarili o ano? Paanong hindi niya nalaman na buntis ito. 'It's your fault Dani, you killed our child.' Aniya sa sarili at tuluyang nagalit sa babae. Dahil sa sobrang umahong galit ay hindi niya namalayang umalis na sa ospital na iyon. "Ito ba ang gusto mong igante sa akin Dani?" Usal niya habang hilam ang mukha. Dahil pagiwang-giwang na siya ay tinabi niya muna ang sasakyan niya at saka lumabas. Doon ay malayang nagsisisigaw. "Bakit?" Malakas na sigaw niya saka naihilamos ang dalawang palad sa mukha. Napaluhod siya at umiyak ng umiyak dahil sa pagkamatay ng anak sana nila ni Dani. Nanlulumong napaupo sa lupa at sumandal sa may gulong ng sasakyan niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa