3

1954 Words
Amanda         HINDI ko maipaliwanag ang takot at kabang nararamdaman ko ng sabay silang tumalikod sa akin saka tangkang iiwan ako ditong mag isa.         "W-What's wrong?" naalarma kong tanong pero kung hindi ako nag kakamali, si Jake ang nagbigay sa akin ng isang matamis na ngiti na nakapag paluwag kahit konti sa dibdib ko. The door opens again as I saw a petite woman wearing a lab coat over a red blouse and slacks, may stethoscope din siya na nakasukbit sa kanyang leeg. She walked over to the side of my bed and smile as she held out her hand.           "I'm Dr. Lacsamana. It's nice to see you awake Mrs. dela Vega. Your husband has been worried about you." nakatingin lang ako sa kanya habang nag sasalita siya.         Tinawag niya akong Mrs. dela Vega. How could they think he was my husband and not knowing my name?         Tumingin lang ako sa bintana. Hindi pa siguro alam ni Bill kung nasaan ako kasi kahit ang mga doktor hindi ako nakilala eh. Hinarap ko ang doktor ngayon. "Doc, I have to get out of here." diretso kong sabi sa kanya na hindi ko na nagawang maitama ang itinawag niya sa akin kanina.         "In time Mrs. dela Vega. But first, let me check up on you." Ngumiti ito at may kinuha siyang parang ballpen na may ilaw at itinapat iyon sa mga mata ko. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya sakin.           Pagkatapos ng lahat ng test at physical examination ay tumayo na ito hawak ang chart ko. "I think you're going to be just fine. But you do show signs of a slight concussion. I will suggest to Dr. dela Vega to keep you overnight para mas ma-obserbahan ka pa."         Heto na naman ang kaba sa dibdib ko. Hindi na ako puwedeng mag tagal dito. Paano na lang kung alam na pala si Bill kung nasaan ako? Mababalewala lang ang lahat ng pinag hirapan ko—namin ni daddy.           I need to keep moving! Umahon ako sa pagkaka higa ng pigilan niya ako.           "I can't stay!" kasabay ng pag iling ko. Wala na akong ibang nasa isip kundi ang makaalis na dito. Kesehodang harangan pa ako ng lahat. "I appreciate all of these, pero hindi na ako puwedeng mag tagal pa dito kahit isang minuto." sabi ko pa baka sakaling maawa na siya sa akin at i-discharged na niya ako.           "You were a very lucky woman Mrs. dela Vega, you and your baby are just fine. Pero hindi pu-puwedeng ipag-sawalang bahala ang mga posibleng kumplikasyon sayo sa mga susunod na oras. Mas safe ka dito sa hospital." napaka malumanay ng mga salitang narinig ko sa kanya, para tuloy gusto ko ng maniwala na ligtas nga ako dito – but knowing Bill, he will not stop until he sees me dead!         "Now I need to ask you some questions."         "Q-Questions?" kinagat ko ang ibabang labi ko sa narinig.          "Don't look so worried, parte pa din ito ng examination ko sa'yo." ngiti nitong sabi sa akin.         "O-okay." huminga ako ng malalim saka nag hintay sa una niyang tanong.         "First, tell me what is the date and year today?"         "May 07, 1983." Hindi nako nag paligoy-ligoy pa. Sus, sisiw naman ng tanong.         "Ilang taon ka na?"         "Twenty-four?" nakita kong natigilan ang doktora saka nag sulat sa kanyang chart.           "Tell me the name of your parents?" sunod pa nitong tanong na sinagot ko naman kaagad. Patuloy lang ito sa pag sulat ng kung anuman ang binigay kong impormasyon sa chart ko. Nakita ko ang kunot sa noon ng doktora at matapos noon ay tumikhim ng malalim.         "Tell me what your full name is." Utos niya sa akin.         Natigilan ako. Kalma lang Amanda, kahit na doktor yan hindi ka pa din puwedeng maniwala na kaya ka niyang tulungan. Worst, baka kasabuwat pa niya si Billy. Pero kung alam na ni Bill kung nasan ako, pretty sure alam na din nitong doktora na to kung nag sisinungaling ako sa kanya o hindi.         But still, why that Jake keeps on calling me Jen. The doctors keep calling me Mrs. dela Vega.         Maybe—         Sakto naman ng mag ring ang cellphone nito. Nag bubunyi ang aking kalooban dahil mag kakaroon ako ng oras na makaapag isip.         "I'm sorry, but I have to take this." Paghingi nito ng paumanhin sa akin. Ngumiti lang ako at tumango sa kanya. Hindi ko ipinahalata na Masaya ako dahil sa nangyari.         "I'll send your husband to keep you company until I get back." Damn! Hindi pa nga ako nakakapag isip ng maayos may asungot na namang dadating at tatanungin ako ng tatanungin!         "No! I-it's okay. Hihintayin ko na lang po kayo dok. S-saka masakit din po kasi ang ulo ko, I-i'd like to rest a little." I smile at her. s**t, Amanda you're stammering! Sana hindi niya ako nahalata.         "Of course, you can rest, yun ang kailangan ng katawan mo sa ngayon," tinapik-tapik pa niya ang balikat ko saka ako iniwang mag isa sa silid. Saka ako tumanaw sa labas ng bintana.         "You can't do this to me, dad!"         Hindi ako suwail na anak at lalo ng hindi ko sinasagot ang daddy ko. Mahal ko siya eh, siya na lang din ang pamilya na meron ako. Pero itong sitwasyon na'to, hindi ko maialis sa sarili kong magalit ng sobra-sobra sa kanya.         "I'm sorry Madi, ngayon lang ako hihingi sa'yo ng pabor." sabi ng daddy ko. "Billy is a good man, he wants what is best for our company. Matututunan mo din siyang mahalin. I know that if you two get married. You'll be happy."         "You're asking me to marry a man that I barely even know Dad!" sigaw ko. Paano siyang nakakasigurong mamahalin ko siya? Paano siyang nakakasigurong mamahalin ako ng Billy na iyon? Hindi na uso ang fixed marriage. Sa libro at pelikula na lang nag e-exist ang mga ganong kuwento.         "Anak naman, everything was settled. The wedding will be 2 months from now. And he promised me a merger, alam mo naman na hirap na din ako sa negosyo natin dahil madami na din tayong naging utang para maipag patuloy lang ang operation ng shipping line!"         Hindi ko sinagot ang ama ko, patuloy lang ako sa pag hikbi habang hindi kayang tanggapin ng puso ko kung ano ang magiging kahihinatnan ko ngayon. How could he sold me to that Billy Contreras?         "Buong buhay ko ibinuhos ko na sa pag ta-trabaho sa pantalan para maibigay lang sa'yo lahat ng pangangailangan mo, anak. Nang mamatay ang mommy mo, alam kong napakalaking responsibilidad ang kaakibat non. I send you to the best school. I doubled my efforts to give you the kind of life your mom wants for you to have. Pinag sikapan ko lahat ng kung ano ang meron tayo ngayon." nangingilid na ang luha ni daddy habang ng sasalita siya.          "Our shipping line was on the verge of falling at sinagip yun ni Billy, nag invest siya ng malaki para hindi ito mag sara ng tuluyan. Ang kapalit non ay ang pakasalan mo siya. Tutol ako noon, oo. Pero nakikita kong mabuti siyang tao. All I want in life is for you to be happy. At alam kong si Billy ang makakapag bigay non sa'yo."         Wala akong nagawa. Kahit naman anong gawin ko hindi matitigil ang kasalanang naitakda na. Matapos ang dalawang buwan kasal na ako kay Billy. Hindi ko alam kung bakit kahit sa anong ganda ng ugaling ipinapakita niya sa akin hindi ko magawang mag tiwala. Hilatsa pa lang ng mukha niya ayaw ko na. Hindi sa pangit siya, actually he's handsome, pero alam kong may itinatago siyang baho at kailangan ko yon malaman.         Later that night of our wedding ay nakita ko siyang may kausap sa telepono sa library.         "After na maayos ni Atty. Dizon ang paglipat ng shipping line sa pangalan ko, alam niyo na ang gagawin sa mag ama. Malinis dapat ang pag ligpit, Brando. Ayoko ng palpak! Alam  mo yan."         Halos tumalon ang puso ko sa takot. Nararamdaman kong hindi na talaga mapag kakatiwalaan ang Billy na yan noon pa man. Gumawa ako ng paraan. Isang plano na di ko ipinaalam sa papa ko. Ayoko siyang mapahamak kaya ginawa ko ito ng mag isa. I tapped the phone Billy was using. Nalaman niya yon at hinabol niya ako. Sumakay ako sa isa sa mga barkong pag aari ng pamilya. Nakarating ako ng Maynila pero hindi doon natatapos ang pag habol sa akin ni Billy. Alam kong papatayin niya ako kapag nahuli niya ako at makuha ang bagay na makakapag patunay ng kahayupan niya. Mabilis ang pag papatakbo ko ng kotse para hindi niya ako mahabol, nasa kahabaan kami ng isang exit at nawalan ako ng preno ng may um-over take sa akin na isa pang sasakyan. Bumangga ako sa isa pang kotse.         That is all I remember. Wala akong idea kung paano akong nakarating sa ospital ng hindi nakikita ni Billy. I am sure of it. He will kill me. Inut-inot akong tumayo saka sinanay ang sarili ko upang hindi ako bumagsak. Beinte-kuwatro ka na Amanda. Hindi mo iniwan ang mga pangarap mo para lang ipain ang sarli mo at maunahan kang patayin ng demonyong lalaking 'yon.         Wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko. Since I was 8 I grew up strong and independent, lalo na ng ma–diagnosed sa sakit na colon cancer si mama. Hindi ako nakihati sa oras ng papa ko, o hindi ko sinasabing kailangan ko ding mag laro kasama ang mga kaibigan ko. We're facing such difficult times in our lives and at such a young age I felt that nobody's going to help me.         Ako lang.         Namatay si mama, ibinuhos naman ni papa ang lungkot sa pamamagitan ng pag papalago sa shipping line. Nahirapan siyang itaguyod iyon lalo na at malaki ang naging gastos naming sa pag papa-chemotherapy kay mama.         He sends me to Austria. Doon ko inumpisahang sundin ang hilig ko, Interion Design, mahilig kasi kami ni mama mag drawing noong malakas at nabubuhay pa siya. Sa pamamagitan nito, nararamdaman kong buhay pa rin si mama kasi binubuhay ng mga pangarap ko ang pangarap ni mama para sa akin.         I need to get away from here. Habang iniisip ng lahat na ako yung sinasabi nila na Jen. Napapikit ako ng mariin ng sumumpong ang hilo sa akin kasabay ng partikular na tagpo ng masabi ko kay Jake ang pangalan ko. Puno na ng kasinungalinagn ang buhay ko at ayoko ng bumuo pa ng karagdagang kasinungalingan. Puwede kong sabihin sa kanila na hindi pa bumabalik ang mga alaala ko pero hindi iyon tama. Maaari silang mapahamak ng dahil sa akin.           I had to leave.         I stood again, holding onto the bed until I regain my balance, pumunta ako sa banyo pero bigla na lang akong napasigaw ng makita ko ang sarili ko sa salamin.         Oh, my God!         "Sino ako? W-why? Why face has changed?" Basa ng luha ang pisngi ko, pero hindi maitatago ng katotohanang may nagbago sa akin. Mula sa kulay at iksi ng buhok ko at sa pag iiba ng mukha ko.         What did they have done to me?!         Why do I have a different face?           Why are they keeping on saying a different name?         Takot ang namayani sa buo kong pagkatao. Alam kong ako pa rin ito, si Amanda – pero hindi iyon ang sinasabi ng mukhang ito! I changed my clothes. I moved step by step across the room. My head hurts it is like a time bomb ready to explode. It is so hard for me to take it all in.         Minadali ko ang pag kilos kahit halos hindi na matapos-tapos ang pag landas ng luha ko. I opened the door wider and stepped out of the room. I saw the red stair sign. Alam kong mas safe para sakin ang mag hagdan. Bago ko pa binuksan ang pinto tinignan ko pa ang paligid making sure that no one saw me. Lahat sila busy sa parte ng hallway na iyon. I grabbed that chance and I went through, making sure the door made no noise when it closed behind me.                        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD