Pumasok na rin si Hallie sa kuwarto nang kaniyang mga magulang at agad naman itong nakatulog at ganoon rin ang bodyguard. Magdamag ngang hindi nakatulog si Yao, kahit anong pikit niya ay talagang hindi siya dalawin ng antok. Bumangon siya banda ala-sais ng umaga at maingat na lumabas. Sobrang himbing pa ang tulog ng bodyguard. At dahil sa kurtina lang ang nagsilbing takip sa pinto ni Hallie ay bahagya rin niya itong sinilip. "Poor girl," pipi niyang sabi. At hindi niya napansin na napangiti na pala siya habang pinagmamasdan ang dalagita na sobrang himbing ang tulog. "Uhmm..." ungol ni Hallie. Napabalikwas si Yao at mabilis gumapang pabalik ng kuwarto. Ang hindi alam ng lalaki ay gising na pala ang bodyguard at lihim itong napahagikgik sa pagtawa at tumalikod sa pagkahiga. S