Papatapos na ang interrogation ng witness nang biglang nagkagulo sa malaking pintuan. At ang lahat ay napalingon dahil may dinampot ang mga awtoridad sa labas ng gusali. Iyon ang mga killer na kanilang binabayaran sobrang kinabahan si Mingzhu nang makita niya ang mga lalaki. "Hon, ano ang gagawin namin?" nanginginig niyang tanong sa asawang nakaposas. "Tumakas na kayo habang nagkagulo pa," bulong ni Darwin. "Paano ka dito?" "Huwag mo akong alalahanin dahil nandito si attorney. Sige na umalis na kayo!" Mabilis na lumabas ang dalawang babae na hindi man lang nila napansin agad. "Lolo, sina Mingzhu ay nawala!" "Hayaan mo apo, pagkatapos ng hearing na ito ay sila naman ang ipapakulong natin." Walang lingon-lingon ang dalawang babae na lumabas. Lakad-takbo ang kanilang ginagawa u