"H-Hallie, buhay ka nga! Masaya ako dahil buhay ka. Pag-uwi mo dito marami akong sasabihin sa 'yo." Umiiyak pa rin si Mr. Huang sa kabilang linya. "Sige po, makikinig ako. Miss ko na po kayo huwag na kayong mag-alala sa akin, ha, uuwi ako agad." "Sige, sige. Maghihintay kami sabihan ko rin sila Tatay at Nanay mo na buhay ka." Walang mapaglagyan sa kaligayahan na naramdaman ni Mr. Huang, nang malaman niyang buhay ang kaniyang kaisa-isang apo. Nang matapos mag-usap ang dalawa ay sinabihan ni prince Yao-Yee ang dalaga na magpahinga muna. Dahil mamasyal sila mamayang gabi. Sumunod naman si Hallie at masayang pumasok sa kaniyang kuwarto. "Girl," pahabol na tawag nito. "Lumingon naman ang dalaga bago sumagot. "Yes?" "See you tonight," sabay ngiti niya. "See you tonight master." Hindi