Lumakad si Hallie at tinatandaan ang sinabi ng kaniyang, Nanay Adelyn. Nagpalinga-linga siya sa buong paligid at napangiti ito sa kagandahan ng lugar. "Ang ganda naman," pabulong niyang paghanga. Hanggang sa nakita na niya ang pinto at marahan siyang kumatok. "H-hi," nahihiya niyang bati sa lalaking nagbukas sa kaniya. Titig na titig naman sa kaniya ang binata at hindi sumagot. Kaya nakaramdam siya ng pagkayamot. "Excuse me, here is the tea." "Come inside," Cheng said. "Okay, thank you." Nang makita siya ni prince Yao-Yee ay bigla itong napahinto sa pagsasalita at sa kaniya nabaling ang atensyon nito. Napatingin naman si Hallie sa kaniya at muling nagsalubong ang malamlam nilang mga bata. "EHEM!" Tumikhim si prince Mingyie, sapagkat napansin niya ang dalawa. "S-sorry," nah