RACHEL “Shen, uwi na ako.” Paalam ko sa kaibigan ko. “Hindi ka ba muna magla-lunch?” Tanong niya sa akin. “Hindi na, sa apartment na lang. Call you later.” “Okay, ingat ka.” “Okay!” Walking distance lang naman mula dito ang apartment ko kaya naman tumakbo na ako pauwi. Kaagad kong natanaw ang dalawa na nakatayo sa labas ng pintuan ko. “Baby!” Tawag ko kay Reighn. “Ate!” Nakita ko ang saya sa mga mata niya at nakangiti pa siya sa akin. “Saan ka galing?” Nakakunot ang noo na tanong sa akin ng ninong ko. “Sa kaibigan ko po.” “Kaibigan? O baka sa boyfriend mo.” “Pasok po muna tayo. Malamig dito sa labas.”mahinahon na sabi ko. Mabait ako lalo na nasa harapan namin si Reighn. Pero kung wala siguro ang anak niya ay pinalayas ko na siya. Pagpasok namin ay umupo na muna sila sa couch.