RACHEL Masakit ang katawan ko na halos hindi ko na maigalaw. Sobrang sama ng pakiramdam ko at nang tumingin ako sa orasan ay alas onse na ng umaga. May sinat yata ako dahil ang init ng pakiramdam ko. ‘Yong pakiramdam na parang lalagnatin. “Hi, baby.” Nakangiti na bati sa akin ni ninong. Kumunot naman ang noo ko. Dahil bakit siya nandito? Wala ba siyang trabaho? “Why are you here? Hindi ka ba pumasok sa Capitol?” Tanong ko sa kanya. “Kakauwi ko lang. To check on you,” nakangiti na sagot niya sa akin. “Masakit ang katawan ko,” sabi ko sa kanya. “I’m sorry, baby.” malambing na sabi niya. “I want to pee.” “Okay,” aniya at binuhat na ako papunta sa banyo. “Go kana, tatawagin kita kapag tapos na ako.” “I’ll just wait here,” sabi niya sa akin. “Ikaw ang bahala.” sabi ko sa kanya. Nap