Chapter 4- Dreams*

1646 Words
Third Person's POV "Hey, Bro! May cute na girl do'n, ni-request niya na ikaw raw ang mag-abot sa kaniya ng groceries. If I were you, dadagdagan ko ang ibibigay ko sa kaniya, she looks so in need," bulong ni Brix sa kaniyang kapatid na si Clark. Walang reaksiyong tiningnan lamang ito ng binata. Umiral na naman kasi ang kalokohan ng pilyo niyang kapatid. "Puntahan mo na!" pamimilit nito sa kaniya. Para hindi na mangulit pa ay tumango na lang siya at tinungo ang sinasabi nito. Okay! Nasaan ang cute? Inilinga niya ang mga mata sa paligid, wala naman siyang makitang cute. Halos lahat nang nakapila ay mga nanay, tatay at mga matatanda. "Hay, kahit asong cute ay wala naman akong makita.Ginu-good time na naman ata ako nitong si Brix. Tsh! Ang sarap niyang kutusan, naisahan na naman ako dun, ah!" dismayadong sabi ng utak niya Siya naman itong umasa na may cute ngang makikita. Nang lingunin niya ang kapatid ay nakita niya itong masayang nakikipag kulitan sa mga matatandang babae. Pinagpipisil pa ng mga ito ang pisngi ni Brix, kaya imbes na mainis ay natawa na lamang siya. Maraming beses na ang Little Angels Home Foundation ay namimigay ng mga groceries, bigas at mumunting regalo sa mga lugar na napipili nilang puntahan at sa pagkakataong ito ay napili nila ang Brgy.Champaca. Hindi nga niya inaasahan na marami pala ang populasyon sa lugar na ito. Hiniling niya na sana ay kumasya ang isang truck ng mga goods na dala nila. Tinungo niya ang pila kung saan namimigay si Brix kanina. Isang dalagita ang nakita niyang nag-aabang sa unahan ng pila, sa tantiya niya ay nasa fifteen o sixteen years old pa lamang ito. Nang malapit na siya rito ay muntik na siyang mapaatras. Oh, shocks! What a smell?! Hindi niya maipaliwanag ang masangsang na amoy na iyon at para bang gustong bumaliktad ng sikmura niya. Agad niyang tinanong kung ano ang nangyari rito, sobrang weird kasi ng itsura nito. Ang itsura nito ay 'yong itsurang parang nagsisimula palang maging taong grasa, papunta na do'n pero hindi pa nakakarating. Parang ganuon, ang hirap ipaliwanag. "Sir, pakiusap ibigay n'yo na lang ang groceries ko, baka magalit na 'yung mga nasa likuran ko sa akin," sabi nito. Okay, hindi naman siya nagmamadali ng lagay na 'yan. Gusto pa sana niyang magtanong dito ang kaso ay mukhang naiinip na talaga ang mainiping dalagita, kaya naman dinagdagan na lamang niya ng isang plastic bag ng grocery ang ibinigay niya rito at hinayaan na niya itong makaalis. __ "Nay... Nay!" excited na tawag ni Ponyang sa kaniyang ina. "Ano ba, Ponyang? Ang layo-layo mo pa pero kung makatawag ka parang may emergency!" singhal ni Aling Gina sa anak, nagmamadali itong lumabas, ang basang kamay ay ipinunas nito sa suot na duster. "Tingnan n'yo po ang mga dala ko," excited na sabi ni Ponyang itinaas nito ang dalawang malalaking plastic bag na naglalaman ng mga groceries at ang isang plastic bag ng bigas para ipakita sa ina. Nanlaki ang dati ng malaking mga mata ni Aling Gina sa nakita. "Oo nga, ang dami n'yan anak. Puwede na 'yan hanggang pang isang linggo na natin, kahit na papaano ay makakatipid na tayo," galak na galak na sabi ni Aling Gina. "Eeew...! Bakit amoy imburnal dito? Yuck!"maduwal-duwal na sabi ni Sandara. Sabay na napatingin ang mag-ina sa pinanggalingan ng napakaarteng boses. Nangunot ang noo ni Ponyang. "Bakit sino ba'ng mabaho?" maang na tanong niya. "Gosh! Sino pa, eh di ikaw! Saang basurahan ka na naman nag-dive ha, ate?" Hindi na sila nasanay kay Ponyang, madalas naman nangyayari sa kaniya ang gano'n. Minsan umuwi siyang mukhang taong grasa dahil nahulog siya sa imburnal. Minsan naman ay umuuwi siyang puno ng putik dahil habang naglalakad siya ay may rumaragasang sasakyan na walang pakundangang dumaan sa lubak at sumaboy lahat sa mukha at katawan niya ang putik na naipon sa lubak. Ang pinaka-malala ay 'yong nalaglag siya sa bukas na poso n***o. Hindi niya alam na may gumagawa pala at nag-break time lang sandali, tinakpan ng manipis na tabla ang butas at sa katangahan niya ay doon mismo siya sa tabla tumapak. Lahat ng taong madaanan niya ay nilalayuan siya. Nakaubos na nga siya ng dalawang sabong mabango ngunit hindi pa rin nawawala ang mabahong amoy na kumapit na sa katawan niya. Ilang araw pa bago naalis ang mabahong amoy na iyon. "Oo na maliligo na ako!" singhal niya sa kapatid. Inilagay niya muna sa kusina ang mga plastic na bitbit at dumiretso na sa kanilang palikuran. _ "Talaga, Ate, 'yong mga anak ng presidente natin ang nagbibigay ng mga groceries sa plaza, 'yung tinatawag nilang T-Dragons?" manghang tanong ni Sandara sa kaniyang kapatid. "Oo yata. Sabi nila 'yon daw ang mga anak ng presidente, eh," hindi siguradong sagot ni Ponyang. "Waaah! Ate, ang daya mo naman. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" maktol nito na nagpapadyak pa. "Tsk! Kung sasabihin ko ba sa'yo na pipila ako para sa mga libreng groceries sasama ka ba, siyempre hindi 'diba? At saka malay ko bang mga anak ng presidente pala ang nasa plaza." Sa kaartehan ba naman nitong kapatid niyang ito ay hindi niya ito mapipilit na pumila sa gitna ng initan. "Pero, Ate, totoo bang sobrang gwapo ng triplets na 'yon?" kinikilig na tanong pa nito. "Gwapo? Oo sobra! Parang hindi na nga makatarungan ang kagwapuhan nila tapos ang mga kutis, namumula at napakakinis." Habang sinasabi iyon ni Ponyang ay ibinabalik niya sa isipan ang eksena kanina nang makita niya ang mga ito ng malapitan sa plaza. "Ate, kainis ka talaga!" maktol na naman nito. Hay! Para siyang timang, ang sarap lang talagang kutusan. "Ah, ewan ko sayo!" Tumayo na si Ponyang para pumunta sa maliit nilang kwarto. "Hoy, Ate, sa'n ka pupunta? Magkuwento ka pa. Sino ba ang pinaka-gwapo sa tatlo si Iñigo, si Clark o si Brix ba?" sigaw pa nito habang papalayo ang kapatid. "Tsh! Hindi ko alam!" asar na sagot nito. Nakukulitan na talaga siya rito. Nang makapasok siya ng silid ay agad niyang isinara ang pinto para kung sakaling sumunod ito sa kaniya ay hindi ito makakapasok. Ayaw niya ng istorbo, gusto niyang matulog. Laking pasalamat niya at hindi na nangulit pa ang kapatid. Habang nakahiga siya sa papag ay naalala niya ang kuwintas na napulot sa truck ng basura.Kanina nang naligo siya ay nilinis niya ito ng toothpaste, lalo itong kumintab at gumanda. Nagtataka siya dahil walang kasira-sira ang kuwintas at talaga namang napakaganda pa nito. Naitanong tuloy niya sa sarili kung sino kaya ang nagmamay niyon at nagawang itapon ng gano'n na lang? Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya habang hawak-hawak ang kwintas. _ "Mahal na Prinsesa Isabela ang Mahal na Prinsipe Clark ay paparating na!" sabi ng ginoong taga ulat. Huh! Ang aking Prinsipe! Hindi ko inaasahan ito. Ngunit, sila ay nasa gitna ng digmaan. Paanong...? "Mahal na Prinsesa!" tawag sa kaniya ni Prinsipe Clark. Mula sa kaniyang trono ay napatingin siya sa pinakaguwapong nilalang na nabubuhay sa mundo. Napakakisig nito sa suot na baluting pandigma. Lumapit ito sa kinaroroonan niya at agad na lumuhod sa kaniyang harapan. "Tapos na ang digmaan Mahal na Prinsesa at napagtagumpayan namin ng aking mga kapatid na prinsipe sampu ng aming mga kawal na ipagtanggol ang Kahariang Hwera laban sa mga mananakop," pagbabalita nito. Nagningning ang mga mata niya sa labis na kagalakan. "Ipinagpapasalamat ko ang iyong ligtas na pagdating, Mahal na Prinsipe," tuwang sabi niya. Tumayo siya sa kaniyang trono at bumaba sa hagdanan na nababalutan ng pulang karpet. Tinungo niya ang kaniyang prinsipe na nanatiling nakaluhod sa kaniyang harapan bilang pagbibigay galang. Buong suyo niyang hinawakan ang mukha nito na bahagyang nagalusan dahil sa pakikipaglaban. "Salamat at nakabalik ka ng ligtas," sabi niya, humahangang tingin ang ipinukol niya rito dahil sa katapangan nito. Tumayo ito at hinawakan ang kaniyang mga kamay mayamaya'y niyakap siya nito. "Higit sa ano paman ninais kong makabalik ng buhay upang makita kang muli, aking Prinsesa." Hindi niya namalayan na naisuot na pala nito ang napakagandang kuwintas sa kaniyang leeg. Namangha siya sa kaniyang nakita. "Para saan ito?" nagtatakang tanong niya rito. "Nagmula pa 'yan sa kauna-unahang angkan ng mga Vander na ipinamana sa akin ng unang reyna upang ibigay sa babaeng aking napupusuan na nais ko nang makasama sa habang buhay," tugon nito. Parang gusto na niyang maiyak. Ang napakakisig at napaka guwapong prinsipe ng Kora ay nasa kaniyang harapan ngayon at nagpapahayag ng pag ibig sa isang hamak na prinsesa ng mga basura na kagaya niya. "Ponyaaang!" Napabalikwas nang bangon sa kaniyang kinahihigaan si Ponyang nang marinig ang mala sirenang boses ng kaniyang ina. Kakamot-kamot ulong tumayo siya. Nasa kasarapan siya ng panaginip ay inistorbo siya ni Aling Gina. Lagi na lang itong wrong timing. Nando'n na, eh. Malapit na! Magtatapat na nang pag-ibig ang Prinsipe sa kaniya ang kaso bigla na lang may sumingit na kontrabida. Kapag minamalas nga naman! Bigla niyang naalala ang panaginip. Tsk! Ang ganda na sana, eh. Ako raw ay prinsesa. Prinsesa nga, pero bakit naman prinsesa pa ng mga basura? Huh, asar! Pati ba naman sa panaginip basura pa rin. Matulog kaya uli ako at baka sakaling magbago. Oo, tama. Aakmang babalik siya sa papag para ipagpatuloy ang naudlot na panaginip ng marinig na naman niya ang boses ng kaniyang ina. "Ponyang! Hindi ka ba talaga babangon d'yan?Bubuhusan kita ng tubig, huwag mong hintayin na mainis ako," pagbabanta nito sa anak Padabog na lumakad siya palabas. Si Nanay talaga lagi na lang panakot na bubuhusan ako ng isang timbang tubig. Bakit hindi kaya niya baguhin ang dialogue niya para maiba naman. "Oho, andiyan na po," walang ganang sabi niya. Ang weird ng panaginip niya. 'Yong anak ng presidente, iyong nagbigay ng mga groceries sa kaniya ay isa raw prinsipe sa kaniyang panaginip at may gusto ito sa kaniya. Alam niyang walang maniniwala. Kaya nga naging panaginip lang dahil malayong mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD