Chapter 9- The First Family*

1230 Words
Ponyang's POV Huh! Bakit nakatingin silang lahat sa akin? Ano ba'ng meron? Ito ba ang sinasabi nilang first family? Dyoskoday! Para akong nasa ibang mundo. Bakit ang ganda at ang ga-gwapo naman ng mga taong ito parang hindi naman normal ang mga itsura nila. 'Yung poging halimaw. 'Yung cute na tisoy na nawawala ang mga mata kapag ngumingiti at ang aking prince charming, the man of my dreams. Tapos may cute na cute na batang babae pa na sa tingin ko ay nasa edad na ten years old pa lang. At ng mapagawi naman ang tingin ko do'n sa may edad ng lalaki pero mukhang mas bata naman sa edad niya at masasabi kong magandang lalake talaga at marami siguro itong napaiyak na babae no'ng kabataan niya. Siya siguro ang First Gentleman na sinasabi ni kuyang men in black. Lahat sila ay matamang nakatingin sa akin. "You may sit down now!" sabi nang First Gentleman na hindi man lang ngumingiti. Huh!Sit down?! Saan ako si-sit down?Tarantang inilinga ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid ngunit, wala akong nakitang upuan dahil lahat ay okupado na ng limang nagagandahang tao sa harapan ko. Kaya naman sumalampak na lang ako sa sahig at nag Indian sit. Halos malaglag ang mga mata nila ng makita ang ginawa ko. Tsh... Bakit gano'n ang naging reaksyon nila? Ngayon lang ba sila nakakita ng taong nakaupo sa sahig? Ang weird naman ng mga ito. "Hey! Pretty Ate, why are you sitting there? Look at your back there's a couch naman, oh!" Sabi sa akin nang cute na bata. "Couch! Ano 'yon?" inosenteng tanong ko. Malay ko ba sa couch! Tumayo ang aking prince charming. Sinundan ko ito nang tingin na hindi ko namalayan na papalapit na pala sa akin. Maya'y tumigil ito sa tapat ko at ikinagulat ko ng bigla na lang niyang ilahad ang kaniyang kanang kamay na para bang sinasabing kumapit ka sa akin. Nag-aatubiling iniangat ko ang kaliwang kamay ko para abutin ang kamay nito. Huh! Bakit gano'n napakalambot ng kamay niya? Inalalayan ako nito para makatayo at iginiya ako papunta sa mala tronong upuan na kulay itim. Pinaupo ako roon at pagkatapos ay bumalik na ito ng upo sa kaniyang iniwang puwesto. Napansin kong napangisi yung poging halimaw habang nakatingin sa prinsipe ko. "That's more I like it, Mr.Gentleman!" May diin sa salitang Mr. Gentleman na sabi nung cute na kapatid nito na nawawala ang mga mata kapag ngumingiti. Parang nang-aasar ang tono ng boses nito. "Tssh! Stupid!" inis na sabi ng Prince Charming ko na bahagyang dumilim ang mukha at kumunot ang noo pero guwapo parin tapos hinampas pa sa balikat si cute na singkit. "Stop it! This is not a joke. We're here to solve our problems, we need to take this seriously," may awtoridad na sabi nang striktong First Gentleman. "I don't think my presence needs here," sabi ni, poging halimaw. "Mee too! Can I go now?" sabi naman ni, cutie girl. "I have meeting to attend. I need to go also," paalam ni cute na singkit na akmang tatayo na sa kaniyang upuan. "Enough!" pagalit na sabi ng masungit na First Gentleman . Medyo napakislot pa ako sa kinauupuan ko sa takot. Pakiramdam ko tumalon ang puso ko at nahulog sa kung saan dahil sa nerbiyos. Kanina pa nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa mga ito at nahihilo na ako hindi ko nga alam kung bakit? Ah... Dahil siguro sa walang tigil na kaka-ingles nila habang nag-uusap. Nanghihina ako kapag nakakarinig ng ganuon. "Oh my gosh! As in OMG, what's wrong with you, pretty ate? Your nose is bleeding!" tarantang tanong sa akin ni cutie girl. Ano raw? Nose! Huh! Tumutulo na naman nga ang dugo sa ilong ko. "Hehehe! 'Wag mong intindihin 'yan okay lang ako." Sabay punas ko ng suot kong T-shirt sa ilong ko. "Eeew! So, gross!" sabi ni cutie girl, medyo kinilig pa ito na parang diring-diri sa ginawa ko. Tsk... Eh, sa wala akong panyo, eh. Hindi ko naman alam na mga english speaking pala ang mga tao rito, hindi ako handa. Dapat pala pinasakan ko muna ng bulak ang mga butas ng ilong ko bago ako pumasok sa silid na ito. Hindi bale, next time tatandaan ko na, na kailangan palang may pasak ang ilong ko bago makipag-usap sa kanila. _ "Okay, all of you... you may go now." Itsurang dismayadong pagtataboy nang First Gentleman sa kaniyang mga anak "Yes!" tuwang sabi ni cute na singkit. Inumpisahan na nitong tumayo at nagsipagsunuran naman ang lahat dito. Pero, teka lang, all daw 'diba? Ibig sabihin ng all ay lahat so, kasama ako do'n sa puwede ng lumabas, kaya dali-dali akong tumayo at naglakad para sumunod sa mga ito palabas. Nakakailang hakbang palang ako nang mapalundag ako sa gulat ng magsalita na naman ang striktong mama'. "Except you young lady! You stay here, go back to your seat, I'm not yet done with you," makapangyarihang utos nito sa akin. Bigla tuloy akong napatigil at kakamot-kamot ulong pumihit pabalik do'n sa dati kong puwesto. "Sir, ano po ba ang kasalanan ko?" tanong ko nang makaupo na ako. Hindi naman ako sinagot nito pero, napatutop ako ng bibig ng i-angat nito ang kanang kamay na may hawak na kuwintas. Huh! Kilala ko ang hawak nito. "Sir, kuwintas ko po 'yan, ah! Bakit nasa inyo? Itinago ko po 'yan sa tokador namin, eh." "Huwag n'yo pong sabihin na miyembro kayo ng akyat bahay gang at nandekwat kayo sa bahay namin. Naku naman, Sir! Masama po 'yon, grabe!" Ibubuka ko pa sana ang bibig ko para magsalita ng mapatingin ako rito ay mapagtanto ko na nakatingin siya sa akin ng masama kaya agad kong itinikom ang aking bibig, nahihiyang ngumiti ako rito sabay peace sign. "My staff saw this. Kapatid mo raw ang may suot nito kanina. I thought she's the owner but, thanks God, hindi pala. Masyado siyang bata para makasal sa anak ko. Tsk!Ano ba'ng pinagsasabi ng mamang to? Ang weird naman. Hay naku! Ayoko ng magtanong baka samain na naman ako. "Gusto kong makipagkasundo sa'yo!" "Ho! Bakit po nagkagalit po ba tayo? Promise po ngayon lang tayo nagkita pa'nong nagkaaway tayo at gusto n'yong makipagkasundo sa akin?" Sinamaan na naman ako ng tingin nito. Tsh! Ano ba'ng nasabi kong mali? "Ang hirap mong kausap na bata ka! Bakit ba napaka-pilosopo mo? Puwede bang makinig ka na lang muna at saka ka na mag-react d'yan!" singhal nito sa akin. Waaah! Parang gusto ko nang maiyak, bakit ba kasi ang sungit-sungit n'ya? Gusto ko nang umuwi! Bumuntong hininga ito at pagkatapos ang galit niyang mukha ay bigla na lang naging mahinahon. "Okay, just listen to me first. I'll give you the permission to speak later, just let me finished talking," mahinahon nang sabi nito. Sunod-sunod lang ang tangong ginawa ko. Bawal pa raw na magsalita, kaya isi-zipper ko na lang muna ang bibig ko para hindi na siya magalit sa'kin. "Ikaw lang ang makakatulong sa problema ng pamilya namin upang maisalba ang buong yaman ng mga Vander." Wew! Ang weird talaga niya, hindi ko ma gets. Gusto ko sanang magtanong pero bawal naman magsalita. "Pakasalan mo ang anak kong si Clark." Halos malaglag ako sa aking kinauupuan ng marinig ko ang sinabi nito. Anon raw? Pakasalan ko yung prinsipe?! Ah, panaginip lang 'to. Nanaginip lang ako promise! Pero magandang panaginip 'to, ah. Okay, mamaya na ako gigising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD