Ponyang's POV Ang sarap ng tambay ko sa swing, nakatulog na nga yata ako ng ilang oras dito dahil sa sarap ng pakiramdam na para kang inuugoy sa duyan, kaya lang nang mag inat ako at mapabaling ang tingin ko sa may garden, natanawan ko si Clark na puspusan sa kaniyang pag aaral sa paborito niyang bench na naroon, abala siya sa kaniyang laptop. Huh!Napakasipag talaga ng lalaking ito kaya naman mas lalo ko siyang hinahangaan. "Hay naku! Bakit ba napakagwapo mong lalake ka, nangigigil din ako sa 'yo, eh!" Hindi ko mapigilang mapalatak habang nakapangalumbabang tinititigan ang man of my dreams. Ilang araw na lang at mag e-eighteen na ako at kasabay nuon ay ikakasal na kami. Magiging Mrs. Clark Vincent Vander na ako, ang sarap sanang pakinggan lalo na kung totoo, ang kaso isa lang contr