Ponyang's POV Bukas ay ang aking 18th birthday, kung sa ibang kababaihan ito ang simbolo na ganap na silang dalaga, binibigyan na sila ng kalayaang magpasya para sa kanilang mga sarili, pwede na rin silang tumanggap ng mga manliligaw at magpaligaw, pero ang sa akin ay kakaiba dahil sa akin ay diretso kasal agad. Sakay ng private plane ng pamilya ay tumulak kami papuntang London kung saan nagmula ang buong angkan ng mga Vander, pinili ng first gentleman na dito ganapin ang aming kasal ni Brix, pribado at malayo sa publiko. Ang araw ng aking kapanganakan ay siya ring araw ng aking kasal. Isang garden wedding ang magaganap sa napakarangyang mansion ng mga Vander dito sa City Of Westminister na parang luxury hotel sa laki at ganda, napakaraming kwarto at hindi mo malilibot ang kabuan ng b