I couldn't believe what I heard from Raevan. Kaagad kong winaksi ang kamay niyang nakahawak sa aking kamay. Tuluyan na akong tumayo at inayos ang aking bag.
"Ma'a-"
Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero naiiwas ko iyon kaagad at inangat para sampalin siya.
It was a natural reaction.
Sa lakas ng sampal na iyon ay lumikha iyon ng tunog at tumabingi ang mukha ng binata. Nahulog pa ang suot-suot niyang salamin.
I feel disgusted on what I heard a while ago.
Ang isang estudyante, inaaya maging girlfriend ang guro niya?
That's so rude.
Ngayon lang ako nawalan ng amor sa kaniya!
"I'm your teacher Mr. Santiago. Don't disrespect me like that" ani ko bago ako dumiretsyo ng alis.
Pinili kong kalimutan ang nangyari kagabi. Ayoko iyong i-big deal. Iniisip ko nga kung nasobrahan ba ako sa pagsampal? Baka naman kasi crush niya lang ako.
Normal lang naman iyon hindi ba? Maybe nakuha niya iyon kasi nag-one on one discussion namin minsan.
Hindi rin naman kasi ganoong katanda ang itsura ko. May mga nagsasabi nga na baby face daw ang mukha ko.
Kaya nga nagsusuot ako ng pang-manang at medyo old style.
Katulad na lang ngayon. Nakasuot ako ng asul na blusa na pinartneran ko ng isang itim na slacks. Ang sapatos ko ay flat shoes na kulay itim.
Sobrang manang talaga.
Ang aking namang mga buhok ay naka-clean bun at light make up lang aking nilagay para hindi ako maputla.
Napagmasdan ko saglit ang aking postura. Masasabi ko na maganda ako pero mukha akong snob dahil sa aking hooded eyes tapos slim pa ang katawan ko kaya naman hindi halatang 35 na.
Tinigilan ko na ang malalim na pag-iisip. Inuna ko muna ayusin ang sarili late na ako.
"Kamusta ang pag-aadjust dito Ms. Cuanco?" Sir Lucio asked.
Sir Lucio is one of the oldest professor in this University. Naging prof ko siya dati. Nagkasalubong lang kami kaya eto napakwento pa ako.
2 years lang ako dito sa university. Kakalipat ko lang matapos magtrabaho ng ilang years sa private. Hirap din kasi talagang mag-apply at buti nakakuha ako ng slot.
Ngumiti ako. "Okay lang naman sir. Magagaling ang mga estudyante kaya hindi ako nahihirapan magturo. The co-teachers are welcoming. I'm not having any bad experience so far..." I paused.
'Yong kahapon lang ata 'yong experience ko na hindi maganda.
"Good to know that Ms. Cuanco. Oh siya, hindi na kita iistorbohin. Alam kong may klase ka pa"
"Okay po sir"
Minabuti ko na maglakad na ulit papunta sa unang kong klase ngayong araw at kamalas-malasan talaga, isa sa mga unang klase ko ay klase ni Raevan.
Pagdating ko pa lang sa room, nakita ko na kaagad si Raevan Santiago. He's in the corner with his earphones. Nagpapaikot siya nang lapis habang nangunguyakoy.
Hindi na iyon bago sa akin na makita siya na nasa gilid at parang may sariling mundo. He's an introvert.
Pero napakawalanghiya sa ginawa niya kahapon.
I scoffed. Nagtataasan na naman ang balahibo ko kapag naiisip ko iyon.
"Mr. Santiago" malamig kong tawag sa kaniya.
Para siyang nagising mula sa sarili niyang mundo. Lumingon siya sa akin at dali-daling umayos ng upo at hindi mapakali.
"Ma'am" sambit niya sa malalim na boses at inayos ang salamin nitong suot. Mukhang hindi naman iyon nabasag no'ng sinampal ko siya.
"Give me your headphones" masungit kong sambit bago ko nilahad ang kamay sa harapan ng buong klase.
Narinig ko ang ilang bulungan ng mga estudyante sa aking ginawa. Alam kong nagulat sila sa pag-confiscare sa headphone niya.
Alam nila na hinahayaan ko si Raevan sa headphone niya dahil alam ko naman na nakikinig siya sa klase at nakaka-score pa rin siya ng mataas.
Wala naman itong kapalag-palag na tumayo at ibinigay sa akin ang kaniyang headphones.
"Here" inilagay niya ang headphones sa aking palad.
I jolted when I feel his hands pressing on my fingers like he did it on purpose. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
Aba! Hindi pa nadala sa sampal ko.
I pushed his hand away. Hinablot ko ang headphones mula sa kaniya.
"If you want me to get this back, pumunta ka sa akin sa office after school hours. Malinaw ba Mr. Santiago?"
We shared a look. Matalino si Raevan kaya alam ko naiintindihan niya ang pakay ko.
Kinuha ko ang headphones niya para makausap siya mamaya. Kailangan ko siya makausap dahil hindi ko nalinaw iyon kagabi sa gulat.
"Clear ma'am. See you later" Hindi nakatakas sa akin ang pag-angat ng sulok ng labi niya.
Tama ba ang nakikita ko?
Ngumisi siya? Aba. Mukhang hindi niya ako sineseryoso ah.
Sa araw na iyon ay tahimik ang klase ko dahil wala rin ako sa mood. Mas strict ako ngayon at marami talaga ako napatayo sa recitation. Kamalasan lang dahil hindi ko napatayo si Raevan. He's that good. After recitation, nagpa-quiz pa ako.
Pagkatapos ng school hours ay nagtungo na ako sa faculty kung saan naaninag ko agad ang matangkad na estudyante na nasa cellphone. Naghihintay siya sa visitor chair sa aking table.
"Ma'am Cuanco, may naghihintay sa'yo" saad ng ni Isabel sa akin.
Mukhang narinig iyon ni Raevan. Kaagad itong tumigil sa pagtutok sa pagce-cellphone at tumayo mula sa kinauupuan.
Bumuntong hininga ako para i-ready ang sarili. Kinuha ko din ang headphone na nasa bag ko kanina pang umaga bago tuluyang pumasok sa faculty room. Once I get in my respective table, inilagay ko ang bag at ang gamit sa ibabaw ng mesa.
"Ma'am-"
"Sinabi ko bang magsalita ka?" Masungit kong saad. Kaagad naman siyang tumahimik ngunit umangat ang sulok ng labi.
"Anong nakakatawa?" Muli kong pagsusungit.
Kaagad nawala ang ngisi niya sa labi.
"Follow me Mr. Santiago" giit ko bago ko hinablot ang headphone niya.
"Okay Ma'am Cuanco"
Sumunod sa akin si Raevan palabas ng faculty.
Nararamdaman ko ang mga mapanusok niyang tingin habang naglalakad. Hindi ko maiwasang ma-ilang doon.
Sinadya kong pumunta sa pinakalikod ng university kung saan may lumang room na abandonado na at for renovation. Doon siya mismo sa likod at puro pa iyon matatayog na damo.
Nang pakiramdam ko wala ng makakakita sa amin at makakarinig, tsaka lang ako tumigil. Naramdaman ko rin ang pagtigil ni Raevan.
Dapat ipagsasawalang bahala ko na lang ang nangyari kahapon ngunit kailangan ko linawin kay Raevan ang kaniyang mga ginawang kilos.
Humarap ako sa kaniya. I met his gaze immediately. Bahagya pa akong natigilan sa tindi ng titig na iyon. There is no hidden emotion. She could see his desire and admiration.
Lumunok ako.
May kung anong kakaiba sa tahip ng aking puso dahil do'n.
"Alam mo ba kung bakit tayo naandito?" Panimula ko.
"Yes" tipid niya sagot. Hindi niya ako nilulubayan ng tingin at nilabanan ko iyon. I want him to get intimidated. Hindi pwede maisip niya na naaapektuhan ako.
"What is it then?"
"Papayag ka ng...." namula ang natural niyang mapekas na mukha. "...maging girlfriend ko?"
"Mr. Santiago!" Gulat na gulat kong sambit.
Walanghiya talagang bata!
"Hindi ba iyon ang rason? In some scenarios, they'll drag their crush into hidden place to confess." Inosente siyang bumaling sa akin. "Hindi ba?"
"Hindi mo pa rin naintindihan ang pinagsasabi mo?!"
Kumunot ang noo ni Raevan bago mabagal na umiling. "What do you mean Ma'am Cuanco?"
Sinapo ko ang noo. Bigla akong na-stress. Bobong bobo ako sa sagot niya.
Why would he think that I'll confess or something?
"Stop acting like a fool Mr. Santiago."
"Fool? I'm not fooling you. I really like you Ma'am"
Umawang ang aking bibig sa. The way he was sure to say that. Walang pag-aalinlangan. Walang kurap. Walang pag-nginig. He was confident to say that.
"I'm your teacher"
"So?" Kumurap si Raevan.
I parted my lips again.
"You are really...." huminga ako ng malalim. I'm totally lost of words. Hindi ko alam kung nakailang buka at sarado ako ng bibig.
I just...can't process this easily
Minasahe ko ang sentido. Bigla akong na-stress.
"Hindi ka talaga nagising sa sampal ko kahapon. Hindi mo inisip...ang ginawa mo right? Alam mo bang mali ang ginawa mo?"
Umiling si Raevan. "Kailan pa mali ang magkagusto?"
Natawa ako. Alam kong alam niya. Bakit siya nagsasalita na para siyang istupido?
"Mali ang magkagusto sa guro mo Raevan." Aking diin.
Napatahimik siya. I caught him guard by that statement. It is true.
"Anyway, I want you to think it through. To contemplate what did you do and say sorry to me. Say sorry for doing that. It's inappropriate"
"You told me to have fun and date—"
"And I'm not into the option"
Binasa niya ang labi at tumahimik ulit.
Huminga ako ng malalim. So this is not just an attraction huh? This is beyond that.
"I'm sorry Mr. Santiago. I think you should find someone who's young and definitely not your teacher. It is just an attraction. Hindi ko alam kung anong nagustuhan mo sa akin pero tigilan mo na. Walang pag-asa iyan"
Raevan just stood there, not saying a thing. Nakatingin lang si Raevan sa akin at kanina pa iyon. Ni hindi man lang bumaling sa ibang direksyon.
It really fet uncomfortable so I decided to end this.
Nalinaw ko na at pinaalalahanan ko na siya. That's enough.
"I'll let you hook off right now. Realize what you did and apologize to me afterwards. Kakalimutan ko lahat ng sinabi mo. Let's forget everything okay?"
Naghintay ako saglit kung mayroon pa siyang sasabihin pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng uneasiness.
Blanko ang kaniyang mga mata. Hindi ko rin iyon mabasa. Anong binabalak niya ha?
I cleared my throat. "Sorry rin pala sa pagsampal ko sa'yo. Hindi ko iyon sinasadya. Ginawa ko iyon dahil sa gulat" inabot ko sa kaniya ang headphone. "Here's your headphone"
Nakatitig lang sa akin si Raevan nang abutin niya iyon pero hindi siya sa headphone humawak. Sa pulsuhan ko siya humawak.
I become alert about that move.
"Let go of my hand" giit ko. Hinihila ko iyon paalis sa hawak niya ngunit hinigpitan pa niya ang hawak sa akin.
"I'm sorry ma'am for doing this"
After that, nagulat na lang ako. My reflexes failed to avoid the chaos.
Hinila ako ni Raevan palapit. He held my waist, gripped my both wrist before slamming his lips against mine.
Nanlaki ang mga mata ko.
MY FIRST KISS!