PROLOGUE

1127 Words
WARNING: This is a student x teacher trope. Ito po ay kathang isip lamang ng author at huwag po sana nating i-romanticize ang ganitong scenario sa totoong buhay. Sa mga teacher po natin, always be reminded that a relationship with a student is unacceptable! This will fall under Forbidden romance. Sa mga ayaw po ng ganitong genre, hindi ko po kayo pinipilit na basahin. Sa mga open minded lang po ito. Read at your own risk __________ "I'm getting married Sienna!" I immediately lost my appetite when I heard that from Glenda. Pangatlo na siya sa kaibigan ko ang nag-aannounce niyan. Nagiging gasgas na sa tainga ko ang salitang iyon. Ngumiti ako ng sobrang galak. Masaya ako para sa kaniya. "Congratulations Glenda. I'm so happy for you" "Thank you Sienna! I already informed Peach and Dada earlier and they are also happy with me. Pumunta ka." "Ofcourse. Kaagad kong aasikasuhin ang schedule ko Glen. Alam mo namang busy sa school" Inabot ni Glenda ang wedding invitation sa akin. Isinilid ko na lang iyon sa bag at hindi ko na tiningnan pa. "Hoy Sienna, huwag kang masiyadong magpakabusy. Alam kong normal sa teacher ang tumandang dalaga pero habol-habol din" Inirapan ko siya. Talaga ba namang iparinig pa iyon sa akin? Alam ko naman e. Saglit lang na dinner iyon at nagpaalam na rin siya dahil mag-aasikaso pa sa kasal. Nagpaiwan na ako dahil hindi pa tapos ang aking kinakain. Masaya naman ako sa kaibigan ko pero 'yong fact na 'yong mga edad namin ay for settling age, hindi ko maiwasang ma-pressure at malungkot. Napag-iiwanan na ako. Among our group, ako na lang ang hindi pa kinakasal at wala pang boyfriend. Hindi na ako bata. 35 years old na ako pero ni kailanman hindi ako nagkaroon ng boyfriend. Sobra akong studious at hindi nag-eentertain ng suitors back then, aba tila nawalan na ng lalaking lumalapit sa akin. Totoo pala 'yong sinabi ng Senior Prof ko dati na dapat bago ako magteacher, kailangan mag-boyfriend na ako kasi mahihirapan na daw maghanap. Aba nangyari nga sa akin. Nalagpasan na tuloy ako sa kalendaryo at wala pa ring boyfriend. Ngayong mag-isa ako sa coffee shop, mas lalo akong na-lo-lonely. Masaya naman ako dati pero ngayon, hindi na. Gusto ko naman na magkaroon ng boyfriend bago ako mamamatay. "Ma'am Cuanco?" Umangat ang tingin ko sa tumawag sa akin. Nakita ko ang aking isa sa mga estudyante. Hindi lang basta estudyante ko a, isa siya sa mga paborito kong estudyante sa bago kong school na nilipatan ko. Siya si Raevan Santiago. Ang gwapo kong estudyante na sobrang kilala sa bawat department dahil sa kisig at angking kagwapuhan. Bukod do'n, hinahangaan din siya ng kababaihan dahil sa katalinuhan. Siya ang rank 1 sa aking klase. Napakaaktibo at napakagaling na bata kaya naman paborito ko siya. Nararamdaman ko na nga na mag-ma-magna c*m laude siya. Ganoon ako kabilib sa kakayahan niya. "Oh Mr. Santiago, my top student" matipid akong ngumiti. Lumapit sa akin si Raevan at tinuro ang upuan na nilisan ni Glenda kanina. "Good evening po ma'am. Can I sit here? I'll just have a few question" "Ofcourse" willing na willing ako. Hindi ko teaching hours pero mas better na ito kaysa mag-isa ako hindi ba? Tsaka naman normal na ito sa amin ni Raevan. Masiyado siyang maraming tanong at nagkakaroon pa nga kaming one on one session paminsan minsan dahil eager talaga siyang matuto. Iginilid ko ang paubos kong kape at kaunting short cake para bigyan siya ng espasyo. "Thank you ma'am" ngumiti rin siya ng tipid. May nilapag siyang libro sa mesa. Tumingin ako doon at tungkol iyon sa aking subject na itinuturo. Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko. Kahit kailan ay napaka-studious ni Raevan. Kahit sa pormahan. He's not the typical nerd you usually see in the television. If I will describe it, parang sa k-drama na hearthrob na mga nakasalamin ang pormahan niya. He's more likely a role student. 'Yong makita mo lang, alam mo ng matalino. 'Yong mga president ng SSG gano'n. No wonder, some of her girl students had a crush on him. "Anyway, anong itatanong mo sa akin?" "It was your discussion yesterday. I just want to clear something. Pwede po ba?" Binuklat ni Raevan ang libro sa page kung saan siya naguguluhan at galak ko iyong sinasagot. Hindi ako napapagod magturo sa kaniya. Actually, I'm entertained whenever we have one on one discussion. I like how fast Raevan picked up everything I explained. Umabot pa nga iyon ng ilang oras bago natapos. "Thank you. Naintindihan ko din itong theorem na ito" he sighed like he's relieve. "Good thing I saw you here Ma'am. I'm scared I'm not be able to sleep by just figuring what does it mean." I chuckled. "Don't be hard on yourself. You can ask me tommorow." Raevan fixed his glasses before answering. "You just save me from having an insomia ma'am." "Studying is your hobby?" Tumango siya. "I'm craving for knowledge" Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili sa kaniya. Ganiyan na ganiyan din ako dati. Sobra akong babad na matuto kaya boplaks ngayon sa pagbuo ng relationships. And I could also observe it from Raevan. Hindi ko maiwasang mag-alala. "Keep up the good work Mr. Santiago but atleast try to enjoy your life until you are young. Hindi dapat puro aral. Enjoy and try to date someone. Have you been in a relationship before?" Umiling siya. I knew it. "You should try now 'toy before it's too late" Isa sa mga mali ko 'yan e. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa iyon sabihin. Ang ironic lang. Isa akong teacher na dapat ineencourage ang mga estudyante niya na mag-aral pero ngayon nagpapayo na magsaya at makipag-date? Natawa ako sa sarili. Maybe because I don't want him to experience what I had right now. "I can't" he sighed like he's troubled. "What do you mean you can't? Mr. Santiago, do you know how many girls simping on you?" Bumusangot ang mukha niya. "They are not my type" "Advice lang naman. Nakikita ko kasi sarili ko sa'yo toy. I'm that studious like you that I forgot to enjoy and date. Kung ayaw mo maging lonely, try atleast to date someone." Binasa ni Raevan ang mga labi at muling inayos ang glasses na suot nito. "Want to date me then?" "What?" Nabibingi lang ata ako sa narinig. Dahan-dahan niyang inabot ang aking kamay na nakapatong sa mesa. My brows furrowed. "Mr. Santiago? Why are you holding my hand—" "You are my type Ma'am Cuanco, the only woman who reach my standards. Want to be my girlfriend?" Putol niya sa akin. Kumabog ng malakas ang puso ko at nanlalaki ang matang napatingin sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Gusto niya ako jowain?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD