Chapter 9

1444 Words
Nasa isang convention Hall ako ng Shierra Pacific Hotel dito sa Cebu. Kasama ko sa table ang dalawang kasamahan ko sa trabaho. Ngayong araw gaganapin ang business conference namin. Iwan ko ba, bakit medyo kinakabahan ako na dati ay wala lang. Siguro dahil first time kong mawalay sa anak kong ganito katagal. Imagine, one week kong di makakasama ang anak ko. Di pa naman yon sanay na wala ako sa tabi niya. Napabuntong hininga na lamang ako. "Ang lalim non ah?'' Puna sa akin ni Liza. "Iniisip ko lang anak ko." Sagot ko sa kanya. "Nandoon naman ate mo. Wag kang masyadong mag-isip mas lalo mong ma miss yon eh." Advise niya sa akin. "Di ko lang maiwasan eh." sabi ko. "Okay lang yan dzai, mabilis lang naman ang mga araw. Di natin namalayan uwian na pala." Ani naman ni Kaye na nakinig lang sa usapan namin. " Oo nga naman girl, chill ka lang." Pampalubag-loob nito sa akin. "Maiba ako guys, gala tayo later after nito?" Tanong ni Kaye sa amin. "Bukas na, sarap matulog muna. Kapagod kaya ang byahe natin.'' Sagot naman ni Liza. "Sige, bukas nalang total isang linggo naman tayo dito." Pagpayag ni kaye. "Basta sama ka girl ah? Bawal magmukmok sa silid. Sayang ang pagkakataong makagala. Wag puro trabaho lang." Ani ulit ni Liza. "Oo na, sama na ako." Sang-ayon ko nalang kasi di rin ako titigilan ng dalawa hanggat di ako papayag.Naputol ang lang usapan namin nang magsalita ang emcee sa establado. "Ladies and Gentlemen, Good morning. Welcome to our 7th Business Conference of Traders' Group of Companies. To begin with, may I call on miss Zahara Traders to give her welcome address in behalf of his father Mr. Traders. Lets give her a round of applause." Panimula ng emcee. Umakyat sa stage ang isang magandang babae. Kutis porcelana at may pagkamahinhin. Halata na. May dugong banyaga ang babae. Sobrang Ganda niya na maging ako ay nabato balani sa kaniya. "Grabi ang ganda niya. Para siyang living barbie." Amaze na sabi ni Liza na kulang nalang mag heart shape ang mata niya. "May kapatid lalaki kaya siya? kasi kung meron aakitin ko kahit may asawa na. magpapalahi lang ako." Sabi naman ni Kaye. "Di ka mapansin non, status palang langit sila, tayo nasa kailalaiman pa ang lupa." Biro ni Liza sa kanya. "Maka nasa kailalaiman ng lupa ka naman, patay na ang peg yarn?"Ganting biro naman ni Kaye na ikatawa namaning tatlo. "Iwan ko sa inyo, makinig nalang kasi tayo. Ang dami nong fantasya." Natatawa ko pang saway sa kanila. Nagpatuloy ang conference hanggang sa sumapit ang ang lunch time. Sabay-sabay kaming pumunta sa restaurant ng mismong hotel kung saan naka ready na ang pagkain naming mga delegates. Buffet style ang catering kaya makakapili kami kong anong gusto naming kainin. Habang nakapila kami ay di ko maiwasan na marinig ang usapan ng dalawang babae na nasa unahan namin. Mukhan galing sila sa main office kasi base sa pinag-usapan nila ay mga big boss ng kompanya yon. "Ang ganda talaga ni miss Zahara no?" Tanong nang isa babae "Sinabi mo pa. Kaya di na nakapagtakang maraming may gusto ky miss Zahara.'' Sagot naman ng isa. "Oo, ikaw ba naman nag-iisang anak, maliban sa mayaman na at maganda na, napaka down to earth pa. Kaya maraming gustong masilo siya." Dagdag pa nong isa. "True, kaya maswerte ang fiance niya at siya ang pinili ni miss Zahara." "Will, gwapo din naman si Mr. Zueraldez at magkasing yaman sila ni miss Zahara kaya di siya lugi doon." Kinilig na sabi noong isa. "Ikaw ha, may pagnanasa ka din kay sir." "Ang gwapo kasi nakakalaglag panty." Napahagikhik pa ito. "Totoong gwapo si sir kaso may miss Zahara na yon kaya sa gilid nalang tayo." Sabi nito na sinigundahan ng isa. Para akong napako sa kinatatayuan ko pagkarinig ko sa apilido na yon. 'Mr. Zueraldez? Baka kaapilido lang. Marami naman ganong apilido sa mundo kaya wag mag-isip ng kung ano-ano Jo-ann.' Kung di lang ako siniko ni Liza ay di ako makabalik sa realidad. Naiiling ko na pinag pagpatuloy ang pagkuha ng pagkain at pumunta sa mesa kong saan nakapwesto na si Kaye. "Anong nangyari sayo kanina at bigla kang natulala?" Tanong ni Liza nang makarating siya sa mesa naman. Nilapag niya ang pagkain at umupo katapat ko. "Wala, may bigla lang akong naisip." Palusot ko sa kanya. "Wag kasing kung ano-anong inisip mo girl baka mamaya madisgrasya kapa dahil sa kalutangan mo, iwan ko nalang sayo. " Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Ayaw ko din namang guluhin ang isip ko sa mga bagay na di ako sigurado. Pero kung kailan gusto kong manahimik ay bigla nang nagbukas ng topic si Liza. "Speaking of miss Zahara, May fiance na pala yon." sabi ni Liza kay Kaye. "Talaga? Well, di naman nakapagtataka. Uso sa mga mayayaman ang ganon kaya di na makapagtatakang may fiance yon." Baliwalang sabi ni Kaye. "At ito pa, nag-iisang anak pala yong si miss Zahara kaya wala tayong maakit na kapatid non." Sabi pa ni Liza. "Ikaw lang naman ang may gustong akitin ang kapatid kung sakaling meron." Pasuplang sabi ni Kaye sa kanya naikatawa nila pareho. "Baka lang kasi meron eh. Handa akong pagpa-alila." Natatawanh sabi pa ni Liza "Baka yong fiance may kapatid. Yon nalang akitin mo." segunda naman ni kaye na tumatawa pa. Pero di ko magawang tumawa sa mga sinabi nila dahil lumipad na naman ang isip ko sa Mr. Zueraldez na tinutukoy ng dalawang babae kanina. Di na ako mapakali kong sino yon. What if ang ang Mr. Zueraldez na tinutukoy nila at ang iniisip ko ay iisa? Isa lang ang ibig sabihin nito, nanganganip na mawalan ako ang trabaho? "Hoy tulala ka na naman, chill ka nga. Makakauwi din tayo." Tumango nalang ako sa kanila kasi anak ko. Totoo naman na na miss konang anak ko. Pero mas matimbang parin sa akin kong si Mr. Zueraldez na fiance ng anak ng pinagtrabahoan ko. Matapos kumain ay bumalik kami sa Convention Hall. Marami pa kasing speaker ang magsasalita kabilang daw doon ang mga big boss namin. "Saan tayo gagala kapag tapos na tong conference na to?" Tanong ni Kaye "Oo nga, saan tayo gagala, Jo?" Baling ni Liza sa akin. "Bakit ako ang tinanong nyo, mukha ba akong may alam sa pasyalan dito?" sagot ko naman. "Ang sungit. May regla lang teh?'' Pambubuska ni Liza sa akin. "Grabe, regla agad? Di ba pwding paparating palang?" Sakay ko sa pambubuska niya. "Tigil na mga yan at makinig na tayo sa speaker oh." Sabi ni Kaye. Lumipas ang maghapon na puro salita lang ng mga speaker ang narinig namin. Nakakabore din palang wala kang gagawin kundi ang makinig ng makinig lang sa nagsasalita mas bet ko pang makaharap sa computer at calculator ko na kadalasang dinudotdot ko kapag oras ng trabaho. Kung alam ko lang na ganito kabore ang mag attend ng conference na to nag absent nalang sana ako. Di baling wlanh sweldo ng isang linggo basta makasama ang anak. Ngunit nandito na ako kaya tapusin ko nalang ang isang linggo. "That's all for today Ladies and Gentlemen. Please be here tomorrow before nine o'clock in the morning. Have a nice day.'' Sabay-sabay kaming tumayong tatlo matapos sabihin yon ng emcee. "Girls, Comport room muna ako." Paalam sa amin ni Kaye. "Sama ako, ikaw, di ka sasama?" Baling ni Liza. "Hindi na, sa lobby nalang ako." Sabi ko sa kanila." Pagdating ko sa lobby ay umupo muna ako sa sofa na nandoon habang hinintay sina Kaye at Liza para sabay-sabay sabay kaming aakyat sa hotel room namin. Yes, magkakasama parin kami sa iisang kwarto courtesy narin sa company namin. Habang nakaupo katext ko ate claire ko. Kinukumosta ko anak ko. 'Okay naman siya Jo, wag masyadong mag-alala. Di ko siya hahayaang mawala sa paningin ko.' reply ni ate. 'Salamat te.' reply ko sa kanya. Matapos replyan si ate, isinilid ko sa bag ko ang cellphone ko at iginala ko ang paningin ko. Saktong napatingin akonsa reception area, namataan ko ang isang familiar na babae, si miss Zahara. Hindi siya nag iisa, may kasama siyang lalaki. Naglamig nang makilala ko kung sino yon. Sakto namang tumingin siya sa gawi ko. Nakita ko ang pagkagulat niya ang makita ako, kalaunan ay napalitan ng talim ang mga titig niya. Wala sa sariling napa atras ako patungo sa elevator, pinindot ko ito at nang bumukas ay dali-dali akong pumasok at pinindot ko ang floor number namin. Nanginginig parin ang katawan ko nang makapasok ako sa loob ng silid namin. "Siya pala ang fiance ni miss Zahara." Wala sa sarili kong bigkas. Kalaunan bigla nalang namimilisbis ang mga luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD