TRESH 14

2424 Words
NAGKUKULONG lang sa kuwarto si Joshana, wala pa rin siyang balak magtrabaho magpahanggang ngayon. Wala na siyang gana sa buhay niya. Nagkaroon ng tingkad ang buhay niya nang makita at makausap ng personal ang asawa niya sa papel ngunit nawalan rin iyon ng buhay nang mawala ito. She did not find interesting her life now. Isang linggo na rin simula nang bumagsak ang eroplanong kinalululanan ni Tresher Lance. “Shana, lumabas ka naman ng kwarto, nag-aalala na ako sa ‘yo, si Karline pati ang mga magulang mo,” mahinang sambit ni Aling Magda. Nakaupo lang siya sa kama at nakatingin sa labas ng bintana nang pumasok si Aling Magda para kumustahin siya. Namamaga pa rin ang mga mata niya dahil sa pag-iyak. “Manang, siguro kung sinabi ko kaagad sa kanya ang nararamdaman ko, siguro hindi siya mawawala sa tabi ko,” napapiyok na siya sa pagsasalita. Hindi pa rin niya maitago ang luhang nagbabadya na namang tumulo mula sa kanyang mga mata. Lumapit sa kanya si Aling Magda at umupo sa kama—sa tabi niya. “Minsan may mga bagay tayong hindi natin masabi ng harapan. Ngunit ang mga ginawa natin ang nagpapatibay sa nararamdaman natin. Kung hindi mo man masabi sa kanya ang nararamdaman mo, hindi mo naman kasalanan. Ngunit, minsan dapat din ay sundin natin kung ano ang sinasabi ng puso natin.” “Pero huli na Manang. Wala na siya. Hindi ko na masasabi ang lahat. Ang tanga-tanga ko.” Hindi na nakapagpigil ang ginang, niyakap na siya nito. “Hanggat naniniwala kang buhay siya at nananalig ka. Magtiwala ka lang, babalik siya at sa pagbabalik niya, huwag ka nang makipagtigasan. Sabihin mo na ang nararamdaman mo. Mukhang hindi naman nalalayo ang nararamdaman ninyo sa isat-isa. Natitiyak kong mahal ka rin niya, Shana.” Humiwalay siya ng yakap sa ginang. “Salamat Manang.” “Magpakatatag ka lang. ‘Tena at bumaba ka na para kumain. Kagabi nagpalipas ka na naman ng gutom. Paano kung bumalik siya at makita niyang pinabayaan mo ang sarili mo? Tiyak magagalit iyon sa ‘kin. Sinabihan pa naman niya akong huwag kang pabayaan.” Nang mga sandaling nanatili si Tresher sa bahay niya, hindi niya alam na marami palang napagkwentuhan ang dalawa. Upang mawala ang pangungulila niya rito, inusisa na lamang niya kung ano ang mga bagay-bagay na napagkwentuhan nila. Bukambibig pa nga raw siya palagi ng binata at mukhang attracted talaga ito sa kanya. Sa kahilingan ng Ginang, kumain na rin siya. Sinabi niya sa sariling hinding-hindi niya pababayaan ang sarili at ayaw niyang mag-alala sa kanya si Tresher sa muling pagbabalik nito. Bumalik siya sa kwarto para maligo sa sariling banyo sa loob ng kwarto, nagbihis siya matapos. Wala siyang balak mag-unwind, ang nais lang niya ay pumasok sa trabaho at tapusin ang naiwang mga gawain. Ayaw rin naman niya talagang ubusin ang oras sa loob ng bahay. Sa tuwing mag-isa, lagi lang sumasagi sa isip niya si Tresher. “Shana, may iniwan akong basket sa side table. Galing sa delivery!” sigaw ni Aling Magda mula sa labas ng kwarto niya. “Sige po. Salamat!” Hindi naman niya agad napansin ang tinutukoy ng Ginang. Sinulyapan lang niya ang basket ng mga kulay dilaw na rosas. Wala sana siyang balak pagkaabalahan pa iyon ng pansin, kung hindi lang siya na-curious kung sino ang nagbigay. Bubuksan na sana niya ang nakalagay na maliit na envelope nang mag-ring ang phone niya. She immediately press the accept button without knowing who’s calling. “Hello.” “Have you received the flowers?” Para siyang natulos sa kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Imposibleng nananaginip siya o ilusyon niya lang ang boses na iyon. Bahagya niyang inilayo ang phone at sinilip ang pangalan sa nakarehistrong phone call. Kupal. Iyon pa rin ang pangalang nakalagay at hindi niya iyon binabago. “Hello Shana, are you still there?” “Bwiset ka!” Hindi na niya napigilang mapaluha. “I’m sorry for thinking that I’m dead. Wait, pupuntahan kita.” Nawala na ito sa linya. Napaupo siya sa kama, napaiyak, iyak ng kaligayahan. Ang malamang ligtas at buhay ito ay wala na siyang mahihiling. Ilang minuto rin ay nasa kwarto na ito. Hindi na siya nagsayang ng sandali. Si Joshana na ang unang lumapit at niyapos siya ng mahigpit. This man, he will never afford to lose him again. And that feeling, sigurado na siyang magtatapat na siya rito. “Damn you!” Hinampas niya ang dibdib nito nang humiwalay siya ng yakap. “I’m sorry for not saying it too early; kung pinalipas ko pa ng isang linggo. It was your parent’s idea,” sambit nito na nawala ang lungkot sa mukha. Bahagya siyang nagitla. “I felt tricked.” “I know. I will explain just don’t talk and don’t move, understand?” Nagliwanag ang mukha niya at tumango siya bilang pagsang-ayon dito. “I was going to ride on that Airplane, kung hindi ko naiwan sa departure area ‘yong phone ko, hindi ako bababa.” “Pero bakit—“ pinigilan siya nito. Itatanong sana niya ang tungkol sa wallet at relo pero tila nabasa na nito ang laman ng isip niya. “Sshh. I told you to keep quiet. Iniwan ko na sa bag ko ang wallet at relo ko. Maybe hindi lahat nasunog kaya natira yung wallet, besides makapal naman iyon dahil nandun ang cash ko,” dismayadong sabi nito. “Sayang ‘yung cash. But anyway, I was glad na hindi ako nakasakay. Sobrang nanghinayang pa ako. Naghintay ako ng limang araw para makasakay muli ng eroplano papunta ng Pilipinas. Sa lola ko sa Manila ako naglagi. Thankful din daw si Lola na safe akong nakauwi.” Bumuntong-hininga ito saka muling nagpatuloy. “About your parents, tinawagan ko sila to say that I’m safe and I explain everything, sabi nila ‘wag ko raw muna ipaalam para malaman ko raw kung ano ba ang tunay kong halaga sa ‘yo. Alam na rin ni Manang nang makita niya ako kahapon.” “Nandito ka?” nagtatakang tanong niya. Hindi niya alam na naroon ito, bakit hindi niya naramdaman ang pagpunta nito? “Yes. Kukumustahin sana kita, kaya lang mabigat pa rin daw ang lagay mo. So, I guess I need to give you a time para makapag-usap tayo. Sobra akong nag-aalala sa ‘yo, halos pabayaan mo na ang sarili mo. Kaya heto hindi na ako nakatiis, bukas pa sana kita pu—“ pinigil ng paghikbi niya ang sinasabi ni Tresher. “I’m sorry. ‘Wag ka ng umiyak. I promise, hindi na ako mawawala pa sa tabi mo.” Pinalis ni Joshana ang luha sa sariling mata. “How about your business in Canada?” “Because you are busy calculating your feelings. Hindi mo alam na pinirmahan ko na ang kontratang s-in-erve mo.” Muli na naman siyang nagitla. “Pumirma ka na?” “Yup. Yesterday. And I’m going to do the merger as soon as possible and maybe..” matagal bago ito muling umimik. “Kung papayag ka, I want you to live with me in Canada.” “Ngayon pa ba ako magpapakipot?” “But I don’t want you to get rush. Let’s stay here for a start.” Nagtama ang mga mata nila at kagaya niya sabik na rin itong makasama siya nang mas matagal. Hindi na siya nag-react sa mga sumunod na ginawa nito. His lips move to meet hers. That kiss became deep, enough to show that he was alive and he can do even more. She never became this so sure, not until Tresher Lance gone and now alive. He stops kissing her. “I love you Joshana Gail Valdez-Anderson, from the first day I saw you. And I can’t take my eyes off of you. You are the good thing who came into my life.” “Totoo na ba’yan?” pang-aasar niya rito. “Yes I made jokes at dinadaan sa biro ang lahat. But you don’t have any idea kung ano ang pinagdadaanan ko para lang subukang kalimutan ang lahat ng ito. Dahil hindi ko rin alam, I don’t even understand my self. I can’t sleep without thinking your face, your body near to me, and even your smile bothers. Everything about you, haunts me, you are my addiction. And I don’t even know what I am going to do. Pinapasakit mo ang ulo ko, it’s all because of you.” “Nagtatapat ka na ba sa ‘kin niyan?” “Hindi pa ba halata? Nahirapan ako, this is not me. And you should be good baka malimutan kong hindi pa tayo kasal at mapaaga ang honeymoon.” Namula siya sa sinabi nito. The thought that they will get married again in the Church were such a dream. Gusto sana niyang dugtungan ng ‘I don’t mind at all’ kaya lang ay baka isipin nitong ang cheap niya at easy-to-get. Nakadagan pa rin ito sa kanya, wala na siyang pakialam kung nagusot na ang damit niyang susuotin sana sa opisina. Umalis ito sa ibabaw niya at tumayo. “You should keep going kung gusto mong pumasok sa opisina.” “May sasabihin pa ako.” Humarap ito sa kanya at umupo sa tabi niya para makinig sa kanya. “Ikaw lang ba ang may karapatang mag-confess ng feelings mo. Hmm.. actually, hindi kita na-miss.” At nginitiin ito. Kinurot nito ang tungki ng ilong niya. “Hindi naman talaga kita namiss, dahil miss na miss. At siguro kaya din nawala ka sa ‘kin para malaman ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa ‘yo” Bumuntong-hininga muna siya saka nagpatuloy. “I was eager to break the marriage kasi hindi pa talaga ako handa sa buhay may asawa. Hindi ko nakikita ang future ko sa buhay may asawa but because you interfere, nawala na ang kaisipan kong iyon. Na-inlove ako sa boses mo kahit ‘nong hindi ko pa alam na ikaw pala iyong kumakanta. And the day na bumalik ka ng Canada, I was going to explode sa labis na kalungkutan. Dahil nagsisisi ako na pilit ko pang itinago ang feelings ko. Nang sumama ka sa ‘kin sa Isabella I realized that I need to spend more time and to know you more. At nang makita ko kayo ni ate Juana, hindi ko alam na kinakain na pala ako ng selos. That time I realize, I’m weak and I already fallen deeply in love.” “I know. Alam kong mahal mo ako. Hindi ko rin sinasabi iyon sa ‘yo gusto ko lang iparamdam. Ayaw kong mauna, gusto kong ikaw ang maunang magsabi. Kaya lang, natalo ako. Hindi ko pala kayang hindi sabihin sa ‘yo. Because I'm the first who was hardly loving you from the very first time I saw you.” “And I love you too, Tresh. Thank you for coming into my life.” Words aren’t enough expressing the feelings. Pareho lang silang nagtatago ng mga nararamdaman but on Joshana’s part, nahihirapan siyang aminin dito ang nararamdaman niya. Dahil hindi pa siya sigurado ngunit nang mapagtanto niya at mawala ito sa kanya hindi na niya hahayaang mawala na naman ito sa kanya para lang mapaamin siya nito. HINDI na itinuloy ni Joshana ang pagpasok sa opisina. Inaya naman siya ni Tresher na samahan siya pabalik sa Manila. Pupuntahan daw nito ang kanyang Lola—sa ina at gusto na rin daw nitong makilala siya. Nang dumating ang sasakyan nila sa harapan ng bahay ng lola nito sa Manila, bigla siyang nakaramdam ng kaba. Paano kung tutulan siya ng matanda at hindi siya magustuhan? Paano kung paghiwalayin sila? Nanginginig ang mga kamay ni Joshana nang hawakan siya ni Tresh. “You’re trembling,” usal nito nang mapansin ang kamay niya. Hinigpitan pa nito ang paghawak sa kamay niya. “Don’t be scared, I’m not going to let you go. Hindi kita pababayaan.” Sapat na iyon at ang magkahugpos nilang palad para mawala ang nerbiyos na nararamdaman niya. Gusto sana niyang ipahiwatig kay Tresher kung paano na hindi siya magustuhan ng Lola nito, ngunit tila malaki ang kumpiyansa nito na magugustuhan siya ng matanda. Malaki ang bahay na tinitirhan ng lola niya. Nang dumating sila naalinagan niya ang dalawang silbidorang naghahanda sa hapag kaunting dipa ang layo mula sa salas. “Si Lola at ang apo niyang si Juaquin at Amanda ang narito. Wala pa silang mga asawa kaya hindi pa rin humihawalay sa saya ni Lola.” Ngumiti pa ito na umabot naman sa mata nito. “Just stay calm, ‘wag kang mag-alala ako lang ang may karapatang kumagat sa ‘yo.” Ngumiti pa ito ng nakakaloko. Gusto na niya itong batukan, nagagawa pa nitong magbiro kahit labis na ang kabang nararamdaman niya. Nakasakay sa wheelchair ang matanda habang hila-hila ng tinawag ni Tresher na Amanda. Unang nagmano si Tresh saka siya sumunod. “I’m glad to meet you, hija. Totoo ngang napakaganda mo at mukhang mabait,” ngumiti pa ang matanda. “Alam mo bang palagi kang kinukwento ng apo ko tuwing maggagawi siya rito? Ikaw raw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay niya.” Napangiti na lang din si Joshana. Agad pinigil ni Tresh ang iba pang sinasabi ng Lola niya. “La, ‘wag mo naman ako ibuking.” Mahinang tumawa ang lola nito. Halata sa pagsasalita nito ang labis na katandaan. Otsentay-tres na ang edad ng lola niya at bakas sa mukha ng matanda ang masaya siyang nakita. Napanatag ang loob niya nang mukhang naaaliw ang matanda sa kanya. “Dude, wala ba ‘yang kapatid?” narinig pa ni Joshana na tanong ni Juaquin kay Tresh. “Sorry, only daughter iyan. Maghanap ka na lang sa ibang lugar baka sakaling may makapana ng puso mo.” Napansin niyang mukhang mailap sa babae si Juaquin kaya wala pa ring nobya hanggang ngayon. Hindi nalalayo sa edad ni Tresher ang lalaki, samantalang mapili naman sa paghanap ng nobyo si Amanda kaya hanggang ngayon ay wala pa ring napupusuan. Si Joshana na ang pumalit kay Amanda na magtulak ng wheelchair ng matanda. “Alam mo naman sigurong matanda na ako at ang katulad sa hinihiling ng ama ni Tresher, ga’non rin ako. Gusto ko ng magkaapo sa tuhod.” “Lola! ‘Wag niyo namang madaliin ang asawa ko,” pahabol pang sambit ni Tresher nang marinig ang pag-uusap nila. “Aba, eh ano ang gusto mo, magbuhay binata? Kailangan kong masilayan ang anak ninyo nitong si Joshana. Gusto kong magkaapo sa tuhod kung ayaw mong dis-inherit kita," pagbabanta ng matanda. Binalaan ni Joshana ng matalim na tingin si Tresh para manahimik. Baka atakihin pa ang matanda sa pagkontra nito. Doon na sila naghapunan, dahil nais ng Lola ni Tresh na doon na sila mag-umaga. Hindi na sila nakaalis pa. Nakatayo sa may balkonahe si Joshana at pinagmamasdan ang bilog na bilog na buwan. Manaka-naka rin ang mga bituin ng gabing iyon. Bahagya pa siyang nagulat nang maramdaman ang presensiya ni Tresher at niyakap siya mula sa likuran. “Let’s go make a family” ngumisi pa ito saka siya kinindatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD