TRESH 15

2199 Words
The Finale of TEBS Book 2: Tresher Lance Anderson KASING LIWANAG ng buwan na iyon ang buhay ni Joshana, hindi iyon nakumpleto kung hindi niya nakilala si Tresher. Dumukwang ito at may kinuhang maliit na bagay sa bulsa. Isang pulang maliit na kahon ang inilabas nito. “Since you already got our wedding ring, I will give you a necklace. But this time, I will formally ask you. Will you marry me, again?” Hindi agad siya nakapagsalita nang humarap siya kay Tresher at iniluhod nito ang kaliwang tuhod. “Ano? Ayaw mo ba?” impatient na tanong nito. “Of course not. Hindi ba pwedeng mag-moment muna ako at namnamin ‘yang sinasabi mo?” “Hindi pwede. Baka magbago pa ang isip mo,” disappointed na sabi nito. “Okay, para po sa ikapapanatag ng loob mo. Of course, I do.” Agad itong tumayo at isinuot sa leeg niya ang infinity shape necklace. Hinalikan siya nito sa labi, tinugon rin niya ng kaparehong intense ang halik nito. Hindi katulad ng nagdaang mga halik nito, naiiba yata ang halik nito ngayon. Uminit ang pakiramdam niya sa halik na iyon na hindi niya alam kung gaano tumagal. “Matulog na tayo,” sabi pa nito na parang nanlumo. Pumasok muna siya ng banyo para mag-shower, hindi na siya nagulat nang sumunod rin ito sa loob ng shower. “Hindi na ako makatiis. Pwede bang gawin na natin ang pulot-gata?” hinging permiso nito na tinanguan lang niya. Sino ba naman siya para ipagkait pa iyon? Mag-asawa na sila at hindi na lang sa papel pati rin sa puso at isip nila. Bahagyang sumikdo ang puso niya nang makita siya nitong wala ng saplot, ganoon na rin kabilis itong nawalan ng kahit na anong suot. She was inexperience compares to him at nag-aalala siyang hindi niya ma-satisfy ang asawa. He kiss her passionately, more intense and with so much love. Ramdam na ramdam ni Joshana ang pag-iingat na iyon ni Tresher sa kanya. Hindi siya tumutol sa ginagawa nito. Nae-enjoy pa nga ng katawan niya ang gustong gawin ni Tresher. She lost track when finally his kisses goes down on her neck. Bumabang lalo ang halik na iyon ni Tresh. Pinagpala ng labi nito ang magkabilang dibdib niya, hanggang makarating ang halik nito sa plat na plat niyang tiyan. Nang ibinalik ni Tresh ang tingin kay Joshana, pulang-pula ito, marahil sa hiya. Totoo ngang inexperience siya kaya hindi na rin nito tinapos ang nais gawin sa kanya. Sabay na silang nagbanlaw sa ilalim ng shower. Nang matapos sila sa paliligo, binuhat siya ni Tresh papunta sa kama. “I can’t wait to have you now, my beautiful wife.” “I’m all yours, Tresh.” Sapat na iyong kasagutan para maangkin siya nito ng buo. Hindi na ito nagpaawat, hinayaan na lang niya ang mga nais nitong gawin. Inangkin siya nito ng may pag-iingat at sumusunod rin naman ang katawan niya at unti-unting nagugustuhan ang ginagawa nito. Magdamag nilang inulit ang pag-angkin sa bawat-isa. Mukhang hindi sasapat ang mga salita hanggat hindi kumikilos ang puso nila. This night is her memorable night were when she already give-up what she have and at the same time giving-up her heart to him, fulfilling his promise that he will take care of her. Nakatulog na si Tresh na nakadapa at nakadantay sa dibdib niya. Hinaplos-haplos lang niya ang buhok nito. Wala na siyang mahihiling pa. Unti-unti na rin siyang dinaluyan ng antok. Gising na ang lahat ng mga tao sa bahay na iyon, nang sumulyap si Joshana sa wall clock ng kwarto, pasado alas nuebe na. “Tresh.. Tresh..” Ngunit tila tulog na tulog ito. Bahagya niya itong niyugog. “Tresh, gumising ka na. Baka mapansin nilang wala tayo.” Humigpit ang yakap nito sa bewang niya bagamat nakapikit mahinang nagsalita ito. “Hayaan mo sila, alam naman nilang mag-asawa tayo.” “Nakakahiya. Tumayo ka na nga. Sige, kapag hindi ka tumayo ilalaglag kita,” may pagbabantang sabi niya rito kahit ang totoong nais niya ay asarin lamang ito. “Subukan mo Misis nang magkaroon tayo ng another round.” Siya yata ang mas natakot sa banta nito. Pinamulahan siya ng pisngi at agad itong itinulak para makalayo siya rito. Hindi naman sa ayaw niyang maulit iyon kaya lang ay hindi pa rin siya sanay. Narinig niya itong mahinang tumawa. “I know you’re tired. It was just a joke.” Bumangon ito at umupo matapos. Hinuli nito ang pisngi niya at magaang hinalikan. “Good morning.” Ngumiti siya rito. Agad niya na ring ibinalot ang kumot sa katawan at dumiretso sa banyo para maligo at mag-ayos. Naunang bumaba si Tresher, nang bumaba siya ay pinandilatan pa niya ng mata si Tresh nang hindi man lang nagawang mag-ayos. Nakasuot lang kasi ito ng Boxer short at mukhang hindi man lang nag-abalang maligo. “Hayaan mo na siya ‘te, sanay na kami riyan,” sabi ni Amanda na napansin ang ginawa niya. “Come over here, Misis. Since they finished eating, looks like tayo na lang ang kakain.” Bigla siyang nahiya sa mga ito. “Pasensiya na kung tinanghali kami ng gising,” paghingi niya ng paumanhin. “Okay lang iyon. Sinabi naman ni Tresh na gumagawa na raw kayo ng apo,” sabad ni Juaquin. Pakiramdam ni Joshana umakyat lahat ng dugo sa ulo niya dahil sa binanggit na iyon ni Juaquin. Naningkit ang mga mata niya at pinukol ng matalas ng tingin ang asawa. Humagalpak ng tawa ang walang hiya. Dahil sa tawang iyon sumunod na rin sa pagtawa sina Amanda, Juaquin at ang Lola nila. “Huwag ka ng mag-alala hija. Masanay ka na lang sa pagiging open-minded ng apo kong si Tresh,” pigil din ng matanda ang pagtawa. Napipilitang umupo si Joshana sa tapat ni Tresh. Pigil ang hiningang sinipa niya mula sa ilalim ng mesa ang binti nito. “Ouch! What’s that for?” Hindi niya pinansin ang tanong ni Tresher. Sumandok na lang siya at kumain. “Sabi ni Tresh, balak niyo raw magpakasal sa simbahan,” gagad ng matanda na humarap na rin sa lamesa. “O-opo.” Napipilitang pagsang-ayon niya. Nabilisan siya sa nangyayari. “Kung ganoon ay okay lang ba sa iyo na dito planuhin ang kasal ninyo?” Napatingin siya sa matanda nang makitang siya ang kausap nito. “Yes, lola. My parents wouldn’t mind. We can invite them.” “Oo naman.” BIHIRANG nagkaroon ng oras si Joshana para makakwentuhan ang matanda. Kaya sinamantala na niyang makipagkwentuhan rito. Doon na nga niya nalaman na tutol pala ang matanda at ang yumao nitong asawa sa pagpapakasal ng ama ni Tresh sa ina nito. Tresh never open a topic regarding his family. Now she fully understands why. Hindi kagaya ng istorya nila, mas masalimuot pala ang kwento ng pag-iibigan ng mga magulang ni Tresh. His mother died giving birth to him at dahil roon kinuha ng mga ito si Tresh at pinag-aral hanggang Highschool. She suddenly remembered na lumipat ito ng School noong elementarya sila, dahil pala iyon sa karapatan kay Tresh. Ginigiit kasi ng ama ni Tresh na ito ang may higit na karapatan na magpalaki rito. Napipilitang ibinigay ng mga magulang ng ina nito ang karapatang iyon sa ama ni Tresh kapalit na maging mabuti itong bata. Mukhang hindi naman nabigo sa mithiin ang mga ito. Tresh is now became a man that full of love and respect. Isama pa na minsan nabubwisit siya rito lalo na kung nang-aasar ito na may halong kalaswaan. But it was side of him that she starting to love and she love the way he is. Malihim at bihirang magsabi ng saloobin when it comes to family, pero para sa kanya isa iyong magandang katangian nito. Ga’non naman ‘pag nagmamahal ‘di ba, pati ang kahit anong katangian ng minahal ay mamahalin mo rin. Matuling lumipas ang dalawang buwang paghahanda. Nakaayos na ang lahat. Wala namang bahid ng pagtutol ang mga magulang ni Joshana na doon idaos ang kasal. Maliban na nga lang kay Karline na umiiyak sa inis dahil hindi pa rin ito inaalok ng kasal ni Jared. Pilit niyang pinapatahan ang kaibigan, nakasuot na siya ng trahe de boda. Gusto niyang pasakan ng bulaklak ang bibig ni Karline para lang matigil sa pagngawa. “Friend, hindi kasi makatarungan. ‘Nasan ang hustisya?” Iumpog ko kaya ‘to sa pader? Ang arte talaga kahit kailan. Napabuntong-hininga na lang siya. “Hintayin mo kasing alukin ka niya ng kasal. ‘Wag ikaw ang maunang mag-aya.” Tumahan din ito sa pag-iyak na tila akala mo ay naagawan ng kendi. Idinaan na lang niya sa pagngiti ang pag-arteng iyon ni Karline. Sanay na siya sa kaibigan niyang iyon. Sinabi niya sa sarili na hindi niya ipagkakaloob ang sarili hanggat hindi pa siya naikakasal sa simbahan. Sinuway man niya ang pangakong iyon, sinabi naman niyang maliban sa taong mamahalin niya ng panghabang-buhay. Paunti-unting naglabasan ang mga luha sa kanyang mata sa tuwing maiisip niya kung paano sila nag-umpisang magkakilala ni Tresh. Hindi niya lubos maisip na dito siya bibigay. “Umiiyak ka?” pabulong na tanong nito nang mapansin ang kinang ng luha sa mga mata niya. Magkatabi na sila ni Tresher sa harapan ng altar. Tumango siya. “Masaya lang ako. ‘Wag mo akong sasaktan hah. ‘Kundi sasaktan kita.” Mahinang tumawa si Tresh. “I will never do. Kahit mamatay pa ako sa kinaluluhuran ko.” Nang mag-announce ang pari na pwede ng halikan ng groom ang bride. Humarap si Tresh sa kanya at itinaas ang belo sa uluhan niya. Dahan-dahan siya nitong hinalikan. “I love you more, Misis Anderson.” Nang maghiwalay sila, ay may biglang sumigaw na ikinagulat nila parehong mag-asawa. "Itigil ang kasal!" malakas na sigaw ng isang lalaki. Napatingin sila sa sumigaw. "Anong karapatan mong ikasal na hindi man lang kami nasasabihan, ha, Anderson?" "Tamayo? Supremo?" "Oo nga!" sabad ng pito pa sa kasama nito. "Too late, kasal na kami," sabi ni Tresh. "Sino sila, Tresh?" "Mga pakialamerong Frat Members," sagot ni Tresh saka inalalayan ang asawa na makalapit sa walo. "By the way, Misis. This is Icequiel Tamayo, the Cofee-Bar owner," tukoy nito sa naunang sumigaw. "This is Hans Ronard Montano -the Media and entertainment owner, Jarvis Gallejo -the Business tycon, Rogin Aguirre -the successor of a Mall and our Supremo, Chrisjan Dallas -the director and film maker, Terrence Armadillo -the Engineer, Alfer Saravejo -the Airline owner and ex-attorney and legal consultant -Aldrich Carvajal," isa-isang pakilala nito sa kanya. "Hindi na nakahabol pa ang apat," saad ni Chrisjan. Kumunot ang noo ni Joshana, dahil hindi niya masyadong maintindihan ang mga sinasabi ng asawa. "I was a transfer student and UPLB graduate, and they are both my Schoolmates. We had a famous fraternity in UP, they are the members including me," paliwanag ng asawa." Sa Canada na lang ako nagpatuloy ng panibagong pag-aaral nang tuluyan na akong bawiin ni Dad." Napatango-tango si Joshana na tuluyan ng naintindihan ang lahat. "Looks like, this was the most effective scene we ever did," mapanuksong sabi ni Aldrich saka ngumiti. "Anyway, Misis Anderson. Kung may time ka, we would like you to invite you in our Club House para naman makilala mo pa ang iba pang mga members doon." Tumango si Joshana saka ngumiti at nginitian din ang mga ito. Hindi na rin naitago ni Joshana sa mga kasama sa opisina ang asawang si Tresher.Ipinakilala niya si Tresh sa lahat. Kahit pa nga ang totoo ay gusto na niyang ibulsa si Tresh dahil sa mga titig ng kababaihan sa kompaniya nila. Malaki ang tiwala niya kay Tresh at mahal niya ito. Mahal na mahal. Pinagplano na rin nila ang pagbisita nga sa sinasabi ng mga member at kaibigan ni Tresh, ang Club House. Pagdating doon ay pinagkaguluhan pa silang dalawa, mukhang against there rules ang lihim nilang pagpapakasal. Lalo na nang ina-announce ng mga ito ang pasaway na nagpakasal na hindi nakarating sa kanilang kaalaman. Hinayaan na lang muna ni Joshana na maka-bonding ng asawa niya ang mga ito. Nilapitan niya ang babaeng nanahimik na nakaupo sa sulok. "Hi," panimula niya. "H-Hello. Ikaw si Misis Anderson?" "Yup. Ikaw naman si Misis Dela Torre?" "Oo. Nice meeting you. Hindi ko nga alam na may frat pala ang asawa ko." "Yeah, same here. They are eligible member and I was glad to meet their wives or partners." "Tama ka. Sana makasundo rin natin ang lahat gaya nila." "Sabi nila marami raw event dito sa Club House at mukhang minsan ay mapapasama tayo." "Tama ka." Nakipagtawanan na lang si Joshana sa bagong kakilalang si Edina Ballejos-Dela Torre. Natigil ang tawanan nila nang may maaninag na papasok sa Club House na iyon. Napukaw ng atensyon nila sa babaeng halatang may pagkamataray at mukhang maldita pa yata. Hindi na lamang nila iyon pinansin. Natuon ng pansin niya ang asawang kanina pa nakapako ang tingin sa kanya. Masuwerte siya na si Tresh, ang preskong lalaking bigla na lang nanghalik sa kanya noon at mahal na mahal din siya at asawa na niya ngayon.. in real life. At doon na natatapos ang kwento ng secretly married na si Tresher Lance at Joshana Gail. Susunod na ang pagbubukas ng kwento ng buhay binata na nauwi sa aso't-pusang bangayan, the love at first fight na si Iceqiel Tamayo. ************* WAKAS**********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD