EXELLE 11

1617 Words
GUSTONG umatras ng paa ni Viena at balikan si Rexelle pero takot siya sa magiging resulta at sa reaksyon ni Rexelle. Alam niyang magagalit ito sa kanya at ang masama ay hindi na siya pagkatiwalaan pa. Naalala niyang minsan na siyang sinabihan ni Rexelle na ngayon na lang ito nagtiwala at dahil iyon sa kanya, tapos ngayon ay aalisin na naman niya ang dahilan kung bakit ito natutong magtiwala. Siya rin pala ang magiging dahilan kung bakit mawawalan na naman ito ng tiwala or worst hindi na magtiwala sa kahit sino lalo na sa kanya. Magulong-magulo ang isipan ni Viena nang mga sandaling iyon pero mas pinili na lang talaga niyang lumayo at pahupain ang lahat at sa paglayo niyang iyon, sana nga ay maintindihan ni Rexelle ang desisyon niya. Sapat na siguro ang naipon niyang pera sa Bangko para mamuhay, malayo sa lahat at sa magulong realidad. Ang desisyon niyang ito ang alam niyang pinakatama sa lahat, ang alam niyang nararapat. Sumakay siya ng Bus na patungo sa kabilang Nayon. Doon niya bubuuhin ang sarili niya. Sigurado naman si Viena na babalik ng Manila si Rexelle at iisipin nitong bumalik na siya ng Manila. Kaya ligtas siya sa Zambales at hindi na siya hahanapin pa roon ni Rexelle. Hindi niya alam kung ilang oras na ang nababiyahe niya nang mapagdilat siya ng mata, ginising siya ng konduktor na nag-anunsyong nakarating na sila sa kabilang Nayon. Nang kunin ni Viena ang cellphone ay nakita niya ang 64 misscalls at 25 messages na lahat ay galing kay Rexelle. Mas pinili niyang hindi na lang ito replayan at nang buksan niya ang messagaes ay wala siyang nabasang tungkol sa pagtatapat niya. Lahat iyon ay puro mga tanong kung nasaan siya, sinong kasama niya o saan siya nagpunta. Pinagde-delete na lang niya iyong lahat. Hanggang may muli yong nag-ring. Isang unknown number ang rumehistro sa phone na sigurado siyang hindi pamilyar sa kanya. "Kumusta ang bakasyon mo sa bago mong boyfriend, Vian?" "Sino ito? Ba't mo ako kilala?" "Ang bilis mo naman yata akong nakalimutan. Alvince Buencamino is the name." "Ano na namang kailangan mo? Matagal na tayong tapos 'di ba?" "Sinong may sabi? Sabihin na lang nating may alam ako na hindi alam ng bago mong boyfriend." "Hayop ka! Tantanan mo na nga ako." "Ganyan ba talaga ang iaasal mo sa akin. Well, pasensiyahan na lang tay--" "Just tell me, what do you need at lubayan mo si Rexelle!" tiim-bagang na sabi niya rito. "Ikaw. Bumalik ka sa akin at sisiguraduhin kong patatahimikin ko ang Rexelle Ravillo na iyon." "Siguraduhin mo lang na wala kang gagawing masama." "Don't threaten me, Vian. Dahil sa ating dalawa ikaw ang may atraso, Viena." Nanggigil na pinatay niya ang phone. Nang maka-received na naman siya ng text na nagsasabing magkita sila sa isang lugar. Hindi niya alam kung paano nito nalaman na nasa Zambales siya at kasama ang kanyang amo. Wala siyang balak na makipagkita rito lalo pa at alam na rin ni Rexelle ang lahat ngunit may pagka-psycho ang isang ito at natatakot siyang may gawing masama ito kay Rexelle. D-in-ial niyang muli ang numero, matagal bago ito nakasagot. "Na-miss mo agad ako." "Damn you! Asshole, you son of a bi--" "Dahan-dahan ka sa pananalita mo, Vian. Baka nalilimutan mo kung nasaan ako. Ano mang oras ay puwedeng-puwede kitang puntahan." "Huwag na huwag mo akong tinatakot dahil kahit kailan ay hindi pa nabahag ang buntot ko." Narinig niyang ngumisi ito sa kabilang linya. "You are still beautiful in your blue collar shirt and maong skirt. You are flowlessly beautiful." Napalingon siya sa paligid. Paanong nalaman nito ang suot niya? Nasaan eksakto kaya ang kinaroroonan nito? "At hanggang ngayon ay naglalaway pa rin ako sa iyo," patuloy nito. "Hayop ka! You're a f*cking asshole." "Oh, I like that word and I want to f*ck you until you can't even walk." "Don't you dare! Not even laying your dirty hands off me." "Talaga?" Hanggang may narinig siyang yabag mula sa likuran niya. Agad niya itong nilingon at nakita niyang nakatayo na nga si Alvince sa likuran niya habang hawak ang phone at nakatapat pa rin sa tainga at bibig nito. "My dear beautiful Vian." Naglandas ang kamay nito sa pisngi niya na agad niyang tinabig. "Get your filthy hands off me, Bastard!" Agad nitong hinaklit ang braso niya. "Bakit? May maipagmamalaki ka na ba ngayon?" Mabilis na binawi ni Vian ang sariling braso at sinipa ito sa binti. "May maipagmalaki man ako o wala. Wala ka na roon." Diretso siyang naglakad at iniwan itong humihiyaw sa sakit. That Filthy Rich Playboy was getting into her nerves. She even care that they almost draw attentions on the people passes by. Kung puwede nga lang niyang ipangalandakan kung gaano ito ka-playboy ginawa na siguro niya habang binubugbog siya nito. Nakita pa niya itong humabol. Agad siyang nagpara ng Tricyle para makalayo siya sa binata. KUNG kailan patong-patong na ang mga problema niya, saka pa dumagdag ang walang hiyang si Alvince na walang ginawa kundi ang maglaro lang sa mga puso ng babae. Well, never pa naman niyang narinig na may umiyak ng babae dahil sinaktan nito dahil noong naging mag-on sila ay never naman itong sinaktan siya. Iyon nga lang ay baka dahil pinagkatiwalaan niya ito at wala siyang alam na Playboy pala ito kung hindi pa dahil sa kaibigan niyang si Dea na nilaglag ito noong maghiwalay sila. Thankful talaga siya at naghiwalay na sila ng lalaking ito. Ngayon nga ay hindi niya alam na humahabol-habol na naman sa kanya na sigurado na siyang katawan lang niya ang nais nito at alam niyang gusto lang nitong makauna sa kanya. Well, sorry na lang ito dahil may nauna na siya na pinagkatiwala niya ang lahat-lahat. Pumatak ang luha sa kanyang mga mata nang hindi niya namamalayan. Naiisip na naman kasi niya si Rexelle at ang mga sandaling nagkasama sila. "Miss, saan ba ang punta mo? Ito na kasi ang dulo nitong lugar. Dead end na diyan." Itinabi ang tricyle saka huminto ang Tricyle driver. Masyado na palang madilim at wala pa siyang eksatong matutuluyan. Kinuha niya ang mga gamit at nagpasalamat na lang sa driver. Nakaalis na ang driver nang pumatak ang malakas na ulan na may kasunod ng kulog at kidlat. Agad siyang sumilong sa nakita niyang bahay. Mabuti na lang at malawak ang bubong at may masisilungan sa bandang gate. Lamig na lamig na siya at halos nakatakip na lang si Vian sa sariling tainga dahil sa ingay ng kulog. Pati yata kalangitan ay nagalit sa kanya at hindi pa rin iyon humuhupa. Sumagi na naman sa isipan ni Vian si Rexelle. Kung siguro ay hindi siya nagdrama at hinarap na lang at pinaliwanag ng maayos kay Rexelle ang lahat, baka ngayon ay nakasilong siya at nakayakap na sa mainit na katawan nito. Baka ngayon ay magkatabi na sila sa kama habang nakaunan siya sa braso nito. Baka ngayon ay magkasabay silang nagmo-movie marathon. Baka ngayon ay sabay na silang kumakain. Malutong na tunog ng kumakalam na sikmura ang narinig niyang sinabayan ng kidlat. Napahawak siya sa sariling tiyan. Oo nga pala, kaninang umaga pa ang huli niyang kain at ngayon ay wala pa siyang tanghalian o hapunan. Kasalanan kasi niya, masyado siyang ma-pride. Hindi naman sinabing maging ma-pride kapag nagmamahal 'di ba? Ngayon tuloy ay nagtitiis siyang masaktan. Kumuha na siya nang jacket sa maletang dala niya saka sinuot iyon at naupo habang yakap ang mga binti. Hinihintay na lang niyang tumila ang ulan pati ang luha niyang nagmistulang waterfalls. May kumalabit sa kanya. Napangiti siya nang maisip na naman ang gwapong mukha ni Rexelle. Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang may edad na babae. "Miss, okay ka lang ba? Kung gusto mo, pumasok ka muna sa loob," alok ng Ginang. Nagbigay siya ng daan nang mapansing nakahawak ito sa amba ng gate. Doon pala ito nakatira at hinaharangan nga niya ang dinadaanan nito. "So-Sorry po. Malakas po kasi ang ulan kaya hindi ako makahanap ng tutuluyan." "Ah ganoon ba. Kung nais mo ay maaari na mang manatili ka muna rito hanggang tumila ang ulan. Puwede mo ring ipagpabukas na." Napakalambing ng tinig nito at maganda ang mga mata nitong kulay hazel brown na parang may lahi itong foreigner. Naalala niya ang mga mata ni Rexelle na natural ang pagiging brown. "S-Salamat po. Hindi na ako tatanggi dahil nilalamig na rin po talaga ako." Pinagbuksan siya ng Ginang ng gate at ng main door sa bahay nito. May kalawakan ang harapan ng bahay nito nang makapasok siya mula sa gate. Nakita niya ang two storey house nito na parang katulad sa mga bahay sa Vigan. Spanish style ang design, bagaman luma na ay nababakas pa rin ang kagandahan ng mga desenyo. Pinatuoy siya ng babae sa loob. Pagdating sa loob ay napakalawak at ang tahimik sa loob ng bahay nito na parang walang tao. "Okay lang na dumito ka. Ako na lang kasi ang nakatira dito." Napaangat ang tingin niya sa naka-display na painting na tila buhay ang mga ito. "Nasaan po ang pamilya n'yo?" "Nasa ibang bansa ang tatlong mga babaeng anak ko. Ang kanilang ama ay isang militar at namatay sa giyera." Napadako ang tingin niya sa picture ng batang lalaki na nakahilera sa mga kapatid nito. Itinuro niya iyon. "Iyan ho, nasaan na?" "Mahabang kwento," biglang iwas nito. Saka ito dumiretso sa isang kwarto at nang bumalik ay may dala ng tuwalya. "Gamitin mo muna." Naging palaisipan tuloy sa kanya kung bakit naiiba ang batang lalaki sa picture. It triggers her curiosity.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD