ICE 14

1645 Words
PINAGPAPAWISAN ang kamay na sinagot ni Chilien ang ring mula sa phone. "H-Hello, Ice." "'Nasan ka? Sabi ng guard may naghatid daw sa 'yo. Let's have a lunch." "Sige. Sanju Restaurant, six pm," mabilis na sabi niya saka ibinaba ang phone. Nakasakay pa rin siya sa Revo ni Alejandro habang nasa kandungan niya ang mga pictures na pinakita ni Alejandro sa kanya. "I'll talk to him and end things." Napangisi si Alejandro na may binabalak na naman. Wala pang alasdose ng tanghali ay nakarating na siya sa pagkikitaan nila ng binata. Nakakuyom pa rin ang mga palad niya dahil totoong minahal niya ito. Lahat ng mga sinabi niya ng gabing iyon ay katotohanan at hindi pala iyon panaginip. Sa huling alaala niya ay sinabi nga ni Icequiel na may kasalanan ito sa kanya. "Damn!" gigil na sabi niya na pilit pinakakalma ang sarili. Dumating din si Icequiel at humalik sa pisngi niya. Lalo niyang pinakalma ang sarili, gusto niyang magtapat muna para makatikim muna ito ng kaligayahan bago ang hirap. "Umorder na tayo," sabi niya na pilit pa rin ang ngiti. "Are you sure okay ka lang?" biglang tanong ni Ice. "Bakit naman? May dahilan ba para mag-worry ako at hindi maging okay?" "Wala naman. Kaya lang nakakapanibago ka. Parang nakakatakot kapag ganitong tahimik at mabait ka. Nasanay kasi akong para tayong aso't pusa kung magrambulan." Ginagap ni Chilien ang kamay niya. "Hindi na kasi mangyayari iyon." Pekeng ngiti ang tumakip sa labi ni Icequiel na hindi kumbinsido sa mga sinabi niya. Nailapag na ang order nila at nagsimulang kumain. She cleared her throat at dumampot ng table napkin saka pinunasan ang labi. "Totoong lahat ng sinabi ko sa 'yo kagabi Ice. Mahal kita, mahal na mahal." Huminto sa pagsubo si Icequiel. "Nagdedeliryo ka ba?" At hindi sineryoso ang sinasabi niya. "Kapag sinabi ko bang handa akong makinig sa lahat ng sasabihin mo dahil mahal kita, maniniwala ka na?" "Chili.." "Hindi ko alam na anak ka pala ni Miguel Tamayo." Nasamid si Icequiel at agad huminto sa pagkain. Agad naman niyang inabutan ito ng tubig. "Okay ka lang. Huwag ka munang atakihin sa puso, hindi pa nga ako tapos magtapat sa 'yo eh," saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. Kinilabutan yata ito sa kabaitang ginagawa niya. "Anyway, gusto ko lang namang aminin na mahal kita. Na-realized ko ito nang bumalik si Alejandro. Akala ko, may natitira pa akong pagtingin sa lalaking iyon. Pero wala na pala. Hanggang alaala na lang ang lahat. Ang hirap aminin, pero lalo ko lang pa lang niloloko ang sarili ko kapag hindi pa ako nagtapat sa iyo. Wala ka bang sasabihin?" Hinila nito ang kamay niya saka kinulong sa palad nito. "Gusto kong tugunin ang sinasabi mong 'yan kaya lang--" naputol ang sasabihin ni Icequiel nang may dumating na asungot. "Ow! Look who's here. Ang anak ng kriminal." Napatingin si Icequiel sa nagsalita, walang iba kundi si Alejandro Dominguez. Nilapitan pa nito si Chilien at hinila patayo. "Hindi mo ba siya naaalala Chil? He was that person asking you." Napatayo na rin si Icequiel. “'Nong araw na maaksidente ang parents mo, ama ng lalaking 'yan ang may kagagawan sa Construction site kung bakit namatay ang Dad mo?” pagpapaliwanag ni Alejandro. “Anak siya ng kriminal!” “T-Totoo ba?” paglilinaw ni Chilien at tumingin sa kanya. Nakayuko na si Icequiel, nagniningning naman ang mga mata ni Alejandro. Lumapit siya kay Icequiel dahil gusto niyang malinawan at gusto niyang itanggi nito ang paratang ni Alejandro dahil tiyak na hindi nito magagawang maglihim sa kanya. “Answer me, Ice. Answer me. Hindi ba sabi ko naman sa 'yo makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo dahil mahal kita.” Saka pa niya hinaplos ang pisngi ni Icequiel na ramdam niya ang panginginig nito. "Oo. Ama ko nga si Miguel Tamayo," malumanay na sambit niya saka nag-angat ng mukha. "Alam mo bang hindi kita puwedeng mahalin? Ito ang dahilan kung bakit pilit kong pinaglalabanan ang damdamin ko sa iyo Chilien. Para akong gago, dahil hindi kita puwedeng mahalin kasi anak ako ng taong aksidenteng pumatay sa mga magulang." Pinilit niyang labanan ang sariling mga luhang gustong umalpas sa pisngi niya. "Tsk! Ba't hindi mo na rin aminin na narito ka para gantihan siya? Paiibigin mo lang naman siya tapos ay iiwanan. Sulit nga namang ganti. Nakuha mo na si Chilien nakabawi ka pa--" Hindi na nakapagpigil si Icequiel. Pinaliparan ito ng binata ng upper cut na matagal na nitong balak gawin. Hinawakan niya sa braso ang binata para pigilan sa pagsuntok sa mukha ni Alejandro. "Bakit ka naglihim?" "I-I'm sorry, Chilien. Balak ko rin namang sabihin sa iyo kaya lang.." "Balak mo pa pala akong lokohin, ano. Tama nga si Alejandro, ginagamit mo lang ako para gantihan." Tumikwas na ang kamay ni Chilien sa makinis na mukha ng binata. Isang malutong na sampal ang pinadapo niya. "Manloloko ka! Hindi dapat ako nagtiwala sa 'yo!” Mabilis siyang lumabas ng Restaurant na walang ibang tao kundi sila lang. Agad siyang sumakay ng sariling kotse at nagdiretso sa bahay. MATAPOS ang dalawang linggong na pag-iwas ni Chilien sa binata at hindi pagpasok sa Restaurant muli itong tumawag, aksidente pa niyang napindot ang answer botton. “Chili, please let us talk.” Mukhang nakainom ito base sa boses nito. “We’re done, Mr.Tamayo.” “Let me explain, let me clear things out. Sasabihin ko rin nam—“ “Liar! Go to hell, damn you!” “I love you, hindi ko kayang mawala ka sak—“ “Damn it! Another lie! Hindi na ako naniniwala sa’yo. Oo nga pala, from now on, tigilan mo na ako, nagkabalikan na kami ni Alejandro and please 'wag ka ng manggulo.” Saka niya pinatay ang phone at hinagis, mabuti na nga lang at nasalo ng kama. Hindi totoong nagkabalikan sila dahil wala pa rin siyang tiwala sa lalaking nagsimula sa sugat ng puso niya, akala niya ay maiibsan na iyon. Akala niya si Icequiel na ang maghihilom sa sugat na 'yon ngunit lalo lang palang lumala. Lalong nagkaroon ng malaking puwang ang galit sa dibdib niya para maghiganti at uunahin niya si Alejandro. Kinabukasan, minabuti niyang mag ayos na sa sarili, pinaghandaan niyang maging maayos, more fabulous, gorgeous and new Chilien Fabregas. Nagpakulay siya ng buhok at ang laging nakapusod niyang buhok ay pinalugay na rin, pina-straight at pinakulayan, ibang-iba sa dating strikta at manang na Chilien. Ito nga rin ang dahilan kung bakit siya naghigpit, kung bakit siya naging mataray. Kung bakit nawala ang dating mabait at masunurin na si Chilien Fabregas. Pero nawalang lahat dahil nagtiwala na naman siya. Ngunit ngayon, magbabago na muli ang lahat, magsisimula siya sa bagong yugto ng buhay niya. Ang isang Chilien Fabregas ay hindi marunong magpatalo, makikita ng mga ito. More confident, brave, strong to be unfeeling and less damsel in distress. Ngayon ang araw na makikipagkita siya kay Alejandro para pumayag na magkabalikan na sila. Bigla siya nitong niyakap at hinagkan sa pisngi. “Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya dahil mahal na mahal pa rin kitang talaga Chili.” “Masaya rin ako.” Saka ngumiti ng mapakla. “Kung papayag ka, gusto kong sumama ka sakin sa Europe," hindi naiaalis ang ngiting sabi niya. “Europe? Oo sana.” Nawala ang ngiti nito sa mata. “Why not?” “I have my business here. Hindi puwedeng iwan ko na lang ito.” “Bhea will take good care of your business.” “She doesn’t know how to operate this.” “I’m sure she’s willing to learn.” “It’s mine at pinaghirapan ko ito. Sorry hindi ako makasasama sa 'yo.” “Kung wala ka bang business dito, sasama ka sa akin?” “Oo naman.” Isa pa gusto rin niyang makalimot pero kalokohan ang pagsama niya kay Alejandro. Hinatid pa siya ni Alejandro sa Restaurant nang maghiwalay sila. Samantalang hindi naman sumusuko si Icequiel sa pagpapadala ng favorite niyang coffee at muffin kahit pa alam niyang basurahan o lababo lang ang nakikinabang. Patuloy rin ang padala nito ng stuff toys, chocolates at flowers. Hirap na hirap na ang kalooban ni Icequiel sa nangyayari, maging mga staffs nito ay ngayon lang nakitang nagkaganoon ito, hindi ito pumapasok ng nakainom, ngunit ngayon ay wala ito sa wisyo, bangenge at mistulang hindi ito nakaligo. Nakanganga ang mga empleyado ni Chilien nang makarating siya sa Restaurant lahat ay hindi makapaniwala sa transformationa niya, gandang-ganda at manghang-mangha. Maging si Janus ay tila hindi na rin siya nilubayan ng tingin. Nang dumako ang tingin niya sa Bar and Shop ng kupal, nakita niya itong sa direksyon niya nakatingin, she was surely knew he saw her at siguradong nagandahan din ito sa kanya. Ilang araw mula nang tanggihan niya ang alok ni Alejandro ay tila nagpursigi itong magpa impress sa kanya, ito na nga ang taga hatid-sundo niya at tumutulong para sa mga meetings niya. Ngunit kailan man, sinabi niya sa sarili na hinding-hindi na siya magpapadala rito. As usual, si Chilien na naman ang naiwang mag-isa na lang sa Restaurant, tanging opisina na lang niya ang nakabukas ang ilaw, sasabay na sana siya kay Bhea sa pag-uwi nang maalala niyang sa makalawa na ang Investor's night ng isang Governement agency at sila ang nakatoka sa set up ng handaan at pagkain. Inabot na siya ng alas diyes, nang maramdaman niya ang pagbagsak ng talukap ng kanyang mata, kaya nga maaga pa lang ay nagtext na siya kay Alejandro na 'wag ng magpasundo dahil sasabay siya kay Bhea pauwi. Papatayin na sana niya ang ilaw nang may narinig siyang kaluskos sa kusina. Sino kaya y'on? Agad niyang hinanda ang sarili at ang kanyang baseball bat habang naglalakad palapit sa kusina. Napa-sign of the cross pa siya. Nagulat na laman siya nang makitang bukas ang kalan at patuloy na umaapoy, lalapit na sana siya para patayin nang bigla niyang maamoy ang sumingaw na gasul, dahil sa lakas ng amoy nakaramdam siya ng pagkahilo. “T-tulungan niyo ako!” Nawalan na siya ng malay tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD