ICE 15

3038 Words
The Finale of TEBS Book 3: Icequiel Tamayo “OH MY GOD!” Boses iyon ni Bhea nang abutan niyang naroon si Icequiel, wala sa sarili at hindi mapakali na nakatayo at padungaw-dungaw sa maliit na bintana ng kwarto ng Hospital na pinaglalagyan ni Chilien. “Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagkakamalay. This is s**t!” bulalas nito na nakasabunot pa sa sariling buhok. Labis labis itong nag-alala sa dalaga. Kahit pa sabihing nailigtas niya si Chilien, hindi pa rin siya mapakali. “Anong nangyari?” pag-aalalang tanong ni Bhea habang sinasalubong siya. “Nakabantay ako sa labas, humahanap ng tiyempo na makausap sana siya nang marinig kong may sumigaw. Hanggang sa biglang may sumabog at unang pumasok sa isip ko si Chilien. She was there, lying. I tried saving her other documents and including her volts and the rest, wala na akong naisalba,” pagkukwento niya na hindi rin mapakali at mukhang sinisisi pa ang sarili. Naupong nanlulumo si Bhea dahil tiyak ikapanlulumo din iyon ng Bestfriend nito once na magising ito at malamang nasunog ang Restaurant na pinundar ni Chilien. Nagring ang cellphone ni Bhea at si Alejandro ang tumatawag. Malutong na napamura sa kabilang liniya si Alejandro nang malamang nasa Hospital si Chilien. Nagkamalay rin si Chilien at naroon na sa loob sina Bhea at Icequiel. “Na'san ako?” Habang inaaninag nito ang apat na sulok ng puting kwartong kinalalagakan. “Chili, nasa Hospital ka, mabuti na lang at naagapang dalhin ka rito ni Mr. Tamayo,” paliwanag ni Bhea. “Si Ice, nandito siya?” Hindi na nito gaanong matandaan ang nangyari kaya nagtaka ito kung bakit si Icequiel ang kasama nito. “Kumusta na pakiramdam mo?” Napatingin ito sa kanya, magulo ang buhok niya dahil sa ilang araw na walang tulog, nangingitim pa ang polo na suot niya. Hindi na niya nagawa pang makapag-ayos. “Bakit ka pa nandito?” Nanlalabo ang paningin nito at halos ay hindi siya maaninag. “God! Why it was so dim and blur? I can’t see clearly.” Pakiramdam ni Icequiel gusto niyang pumatay ng tao. Gusto niyang patayin ang kung sino mang gumawa niyon sa dalaga. Sa tagal na binantayan niya ito simula nang magkatagpo sila ay hindi na niya ito tinigilan. Baliw na nga siya, baliw na para isiping siya ang nahulog sa sarili niyang patibong pero ang saktan ito ay hindi na yata niya kakayanin pang gawin. “Chili.” Biglang umupo sa tabi nito si Bhea. “Anong nangyayari?” Naiyak na si Chilien. “Wala akong maaninag, Malabo.” Nagbalik sa alaala nito ang Restaurant. “How’s my Restaurant?” Parehong hindi nakaimik ang dalawa at tila naghihintay pa kung sino ang unang sasagot sa tanong nito, hanggang sa nauna na siyang nagsalita. “I’m sorry, I try to save some of your documents and your vault, nasunog na ang Restaurant. But I promise, magpapaimbestiga ako kung sino mang..” Her jaw dropped from his words. Pakiramdam nito ay isa iyong malagim na bangungot. Tuloy-tuloy nang rumagasa ang luha nito at inaalo na rin io ni Bhea nang dumating naman si Alejandro. “Chil, are you okay? May masakit ba sayo?” Bigla itong lumapit sa dalaga at halos lumuhod sa tabi nito. “Ikaw! Anong ginagawa mo dito? Ang kapal ng mukha mong hayop ka!” sigaw ni Alejandro sa nakatayong si Icequiel nang makabwelo ito at makatayo. She cried outloud, she was so weak, saka lang tuluyan nang luminaw ang paningin ng dalaga at nanlalabo uli dahil sa luhang umaagos sa mga mata nito. Halos mapaos na ito nang sumigaw ito. “Iwan nyo ako. Iwan nyo ko!” Naglabasan isa-isa ang lahat ng naroon. To think, all the things she manage to have had turned away with one blink of an eye. Lahat ng naipundar ng dalaga ay biglang naglaho na parang bula, parang abong nawalang bigla. Alam ni Icequiel ang lahat dahil wala siyang ginawa kundi ang bantayan lang ito. Aksidente lang naman talaga ang lahat, dahil nagkamali sa napindot ang ama niyang Engineer at sinubukan pa nga nitong mailigtas ang parents ng dalaga pero huli na ang lahat. Ama niya ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang nito. Mabilis ang usad ng kaso dahil sa impluwensiya ng mga Fabregas ngunit nahirapan na siya dahil ama mismo niya ang nagsabing hayaan na lang dahil ito ang may kasalanan, kahit pa mayaman siya, walang nagawa ang pera niya sa kagustuhan ng ama. Nang magkasakit nga ang kanyang ama ay nakiusap pa siya kay Ms. Fabregas na bigyan muna ng medical assistance ang ama pero hindi ito pumayag. Iyon ang kinasama ng loob niya, nagpasya siyang bumalik para gantihan sana ito pero naglaho ang lahat nang makita niya itong muli at mag-cross ang landas nila. He denies everything he feels towards her, dahil alam niyang hindi puwede. Wala ng nagawa pa si Ice, kundi ang panoorin na lang kung paanong nakikipagmalapitan ang gago-ng si Alejandro sa dalaga. Hindi rin siya titigil hanggat hindi malaman ang dahilan kung sino ang gumawa niyon kay Miss Fabregas. Palihim niyang binayaran ang Hospital bills nito at lahat ng utang nito ay maayos niyang binayaran. Patago na rin niyang ibinigay ang mga separation payment ng mga tauhan nito kapalit na muling itatayo ang negosyo nito at ito pa rin ang makikitang tauhan ng dalaga. Hindi naman lumabas ng Bar si Ice, naroon lang ito at tila inaanalisa ang mga naganap, may mga tao ring palihim niyang pinagmamasid sa nasunog na Restaurant. NAKALABAS na ng Ospital ang dalaga, saka naman itinipon niya ang lahat ng tauhan, pinaayos niya ng lahat ng dokumento at pinaayos ang separation payment ng mga tauhan sa Restaurant, tinulungan siya ni Alejandro. Himala nga lang na walang narinig si Chilien sa mga tauhan na labis rin ang panghihinayang. Nagdesisyon na rin kasi si Chilien na sasama kay Alejandro sa Europe at doon mag-uumpisa. Naka-istambay na nga silang dalawa ni Alejandro ngayon sa Airport, pero hindi man lang niya magawang maiusad ang mga paa na tila naghihintay sa taong nais niyang makita. Kung totoo ang sinasabi ni Alejandro na ito pala ang nagpasunog ng Restaurant niya ay dapat guilty ito pero bakit nagawa pa nitong palihim na tulungan siya. Nalaman kasi niyang ito ang nagbayad ng lahat ng mga gastusin niya kasama ang hospital bills at ang naiwang utang sa bangko na ginamit niyang pang-capital. Alam ni Chilien na mali na magtiwala siya kay Alejandro lalo pa at minsan na siya nitong niloko. Nang mag-ring ang phone ay napilitang sagutin niya ang tawag na iyon. "Hello." "Chilien, na'san ka?" "Nakauwi na ako," pagsisinungaling niya. “Mabuti naman at nakauwi ka na, Chili.” Bakas na bakas sa boses nito ang labis na lungkot at pag-aalala sa kanya. Ni hindi nito magawang puntahan siya dahil sa pagbabakod ni Alejandro. “Panalo ka na Mr.Tamayo. Bar Shop mo na ang naghahari-harian,” sabi ni Chili sa paos na tinig. “Hanggang ngayon ba, iniisip mong kompetisyon ito? Iniisip mo bang ako ang may kasalanan at nagpasunog sa Restaurant? For Pete’s sake, I can’t do tha—“ Ngunit bago pa matapos ang sasabihin nito naagaw na ni Alejandro ang phone sa kamay ni Chilien. “Oo! Gago ka! 'Wag mo ng tatawagan pa si Chilien we’re moving in Europe.” “I’m not talking to you, give back the phone to Chilien,” utos ni Icequiel habang pahigpit ng pahigpit ang paghawak sa phone. “Tigilan mo na ang girlfriend ko.” Agad nang nawala sa linya ang kausap niya. Gusto pa sanang sabihin ni Icequiel at ipagtapat ang totoo sa dalaga, na maling tao ang dapat nitong pagkatiwalaan ngunit dahil lang sa gago-ng si Alejandro ay nawalan na siya ng sasabihin. Mabuti nga at narinig ni Icequiel ang ingay sa Airport at nalaman niyang naroon ang dalawa, hindi na siya nagsayang ng oras, isa pa ay kailangang managot ni Alejandro sa kasalanan nito na ibinibintang sa kanya. ‘Calling all the passengers for Europe flight Air360 ‘ “Let’s go, Chili.” alo ni Alejandro sa dalaga habang hila-hila ang isang bagahe nito. Ngunit tila hindi niya magalaw ang mga paa, umaasa siyang pipigilan iyon ni Icequiel ngunit paano pa mangyayari iyon, pinagtabuyan na niya ito at wala na itong pakialam sa kanya. Kasalanan din niya, utang na loob niya rito kung kaya siya naligtas ngunit pinagtabuyan pa niya ito imbis na pasalamatan. Samantala, wala na mang traffic kaya mabilis na nakarating si Icequiel sa Airport. Lakad-takbo na ang ginawa niya para lang mahanap si Chili hanggang sa hindi siya nabigo. “Sir, I found her,” sabi ng isang matangkad na lalaki na ang tinutukoy ay si Alejandro. “Gentlemen, position. Paligiran ang subject.” They came just in time. “Mr. Alejandro Dominguez, you are under arrest.” “T-teka, ano to? Bakit niyo ako hinuhuli?” nagtatakang tanong ni Alejandro habang pinuposasan siya ng mga pulis. “Poor guy! 'Di mo yata matandaan ang ginawa mong kalokohan. Ang pagsunog sa Restaurant ni Ms. Fabregas.” Nanlaki ang mga mata ni Chili at hindi makapaniwala sa narinig mula kay Icequiel. “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan tanong ni Chili saka nagsalin ng tingin kay Alejandro na nakayuko na at halatang guilty sa nangyari. “Wala ka ng kawala, Alejandro, umamin na ang taong inutusan mo para ipasunog ang Restaurant,” sabi ni Icequiel bilang pagpapatibay na ito ang pasimuno sa panununog sa Restaurant. Hindi na nakatiis pa si Chili, nilapitan nito ang nakaposas na si Alejandro. Sinuntok ito ng dalaga. Dumugo ang sulok ng labi ni Alejandro, deserves the best. “Bagay lang sa iyo 'yan! Hindi ka pa rin nagbabago, manloloko ka pa rin!" Napayuko si Alejandro habang hindi na makatingin ng diretso sa nagbabagang tingin ng dalaga. “I’m sorry, nagawa ko lang naman ito dahil labis kitang mahal, Chili.” “Ang pagmamahal, hindi dapat nakakasakit, patas at walang nasasaktan o nasasagasaan,” sambit ni Ice kay Alejandro saka humalukipkip at lumingon kay Chilien. “Dahil ganyan ang pagmamahal ko kay Chilien.” Namilog ang mga mata ni Chilien sa narinig mula kay Icequiel, hanggang ngayon pala hindi naman kinamuhian siya ng binata sa kabila ng ginawa ng niya. “T-Totoo ba 'yong sinabi mo?” paglilinaw ni Chili. Hindi siya makapaniwalang mahal siya ni Icequiel matapos ang lahat. “Oo, I want you to be my partner for the rest of my life. 'Nong binanggit ko na gusto ko ng taong makakasama ko at nagpasalamat ako sa’yo, ikaw 'yon. Ikaw 'yong soulmate na tinutukoy ko.” Nagyakap sila at hindi na niya napigilan ang sarili na yakapin ito. Dinampot na ng mga pulis palabas sa Airport si Alejandro. “Hayop ka Tamayo, pagsisisihan mo ang ginawa mo! Babalik ako! Tandaan mo yan!” sigaw pa nito habang palayo na sa kanila. “Just do it! Magpasabi ka kung malaya ka na!” may kayabangang sigaw nito kay Alejandro. “'Wag nyo akong hawakan, I will call my attorney. Damn it!” Parehong natawa na lang ang dalawa. Humarap si Icequiel kay Chili habang magkahugpong pa rin ang mga kamay nila. “I’m sorry kung pinaglihiman kita, kung iniisip mong gumaganti ako. No, that’s out of it. Dahil tanggap ko na naparusahan na ang Tatay ko, siguro hanggang sa kabilang buhay. Pero gusto ko sanang iabot ang sulat na ito na pinabibigay niya sa ’yo.” Dinukot nito sa bulsa ang kapirasong papel. “I don’t look alright. Dahil sa totoo lang, I don’t know who’s honest and should give my trust. Pero sa nakikita ko, sa tingin ko, sobra na ang nagawa mo para patawarin kita.” “Well, ang lagay ba eh, gan'on na lang..” Bahagya pa itong nagtaas ng balikat na tila may pinaparating. “Tuso ka pa rin Mr.Tamay—“ But this man claim her lips without permission at ginantihan niya ito ng parehong intense. “I miss that kisses! I miss you so much.” Niyakap pa nitong muli si Chilien saka pinakawalan muli. “'Wag ka ng tumuloy ng Europe hah. Wala ng magma-manage sa business mo.” Natameme naman siya sa sinabi nito. “Wala na rin akong dahilan para magpatuloy pa.” “Meron pa. I am here and your Restaurant is under construction.” Her eyes widened in surprise. Ano pa ba ang mga bagay na hindi nito kayang gawin para sa kanya? Wala na yata. “So, welcome again to the competition.” And give her a sarcastic smile. Buwan lang ang binilang at muling nabuo ang Chilien Restaurant, salamat sa tulong ng ka-frat nitong si Engineer Terrence Armadillo. At bilang pambawi ay sumama siya sa sinasabi nitong Hide-out ng mga ka-frat nito. Ang Club House na pag-aari ni Aldrich Carvajal. Naiinis pa siya kay Iceqiel dahil iniwanan siya nito nang nakita ang dati yata nitong bestfriend na akala mo ay ngayon lang nagkita. Mag-isa tuloy siya pumasok sa lobby at ramdam niya ang mga pares ng matang nakatingin sa kanya. Tinikwasan lang niya ng kilay ang mga ito. Mataray. Maldita. Check, all package. Nang maabutan si Ice ay agad niya itong binatukan. "Bwiset ka! Hindi ba dapat sabay tayong papasok dito? Ba't mo ako iniwan?" reklamo niya at nagsimula na naman silang magkamutan este magbangayan. Nilapitan na sila iba pang mga kasama. "Oy, ang aso't-pusang love team!'' pang-aasar pa ng mga ito. Ipinakilala silang couple sa mga naroroon. Doon din niya nakilala si Edina at si Josh. Kahit naiinis siya sa pangalan nito, maganda naman ang may-ari kaya pwede na. Nang makalabas sa Club ay hinila siya ni Ice pasakay sa kotse. Hininto nito ang kotse sa tapat ng isang sementeryo. Bumaba silang dalawa ng kotse at naglakad patungo sa nais nitong puntahan. She has no idea what his boyfriend plan to do, all she knows is that she likes every idea of him. “Dahil hindi pa po ako pinapakilala ng anak nyo, ako na po ang magpapakilala sa sarili ko. Ako po si Icequiel Lawan Tamayo, matikas, gwapo at mas lalong gumagwapo dahil kapiling ko ang anak ninyo at gusto ko pong masaksihan ninyo ang pagpaghingi ko sa kamay niya.” Nabigla si Chilien nang bigla itong lumuhod sa harapan niya. Hinintay lang niya ang mga sumunod na sasabihin nito. “Ma'am, Sir, Can I have your daughter for the rest of my life?” Bahagya siyang nalito dahil mukhang hindi sa kanya ito nagpo-propose kundi sa puntod ng mga magulang niya. Ito lamang yata ang tanging lalaking nakagawa niyon and that makes him more appealing and romantic. Iisipin pa lang niya, gusto na niyang matunaw sa kinatatayuan dahil sa labis na kilig na nararamdaman. They were’nt any young pero pakiramdam niya isa siyang teenager na kinikilig sa ginagawa nito para sa kanya—and he was really serious. Napalitan rin iyon ng isang ngiti. “Alam ko pong galit kayo sa tatay ko dahil siya ang dahilan kung bakit maagang nawalan ng magulang ang anak nyo. Sa harapan ng puntod niyo at sa harapan mismo ni Chilien, ipinapangako ko pong aalagaan ko siya ng mabuti gaya ng pag-aalaga niyo sa kanya.” “Tumayo ka na nga riyan. Narinig na nila Mommy at Daddy, kung kasing yabang mo ba naman ewan ko na lang kung hindi pa sila napa-oo.” Pero ang totoo abot hanggang tainga na ang ngiting tinatago niya dahil sa ginawa ng binata para sa kanya at kung buhay lamang ang mga magulang niya, ay paniguradong may approval na ito kaagad. Tumayo na rin si Icequiel, kinuha ang kamay ng dalaga saka pinaghugpong. Kinurot pa nitong bahagya ang pisngi niya. “Naniniwala ka ba sa love at first fight? Kasi kung oo, napuruhan mo nga yata ako. I love you, Chilien Fabregas.” “I love you too, Icequiel Tamayo. I'm complete because I’m specially meant for you.” Ginantihan niya ang yakap nito. Pagkatapos ay binasa ni Chili sa harapan ng puntod ng mga magulang ang sulat na ibinigay ng ama ni Icequiel. Hindi niya iyon itinapon, isa pa, hindi rin naman pala siya dapat magdamdam sa ama ng kanyang nobyo dahil aksidente naman ang nangyari. Ang sulat ay naglalaman ng paghingi ng kapatawaran at nagsasabing hindi intensyon o sinadya ang mga nangyari. Pinatawad na ni Chili ang ama nito. Pakiramdam ni Chili siya na ang pinakamaligayang babaeng nabubuhay sa mundo. “Let’s go.” maya-maya ay sabi ni Icequiel nang alalayan nito palabas ng Sementeryo ang dalaga. Nagtaka na naman si Chilien, hindi niya alam na baka mayroon na naman itong sorpresa sa kanya. Pinisil niya ang kamay nito bago nagtanong. “Saan na naman?” “Let’s go to the church, magpakasal na tayo. Hindi na ako makapaghintay na dugtungan ng apelyido ko ang apelyedo mo para magka-apelyedo na tayo.” For the nth time, kinilig na naman siya ng husto. Wala na ata siyang ibang mahihiling pa kundi ang makasama ito, for better or for worst. Nagulat pa ito nang bigla itong kumanta at nasa tono naman. “Hundred and five is number that comes to my head. When I think of all the years I wanna be with you. Wake up every morning with you in my bed, that precisely what I plan to do. And you know one of this days when I get my money right buy you everything is show you all the finer things in life. We’ll forever be in-love so there ain’t no need to rush, but one day I won't be able to ask you loud enough..” Napahawak siya sa sariling dibdib at napatutop nang bigla itong lumuhod sa kalsada. Akala niya ay tapos na ang sorpresa nito at totoo ngang balak na nitong yayain siya sa simbahan. Because he was seriously proposing NOW. Hindi pa sila nakakalayo ng tuluyan sa sementeryo nang may mga taong nagdaraan doon at napapatingin sa kanila. Namasa ang mga mata niya nang maglabas ito ng maliit na kahon na kulay velvet at kunin roon ang isang singsing. Iniangat nito ang kamay niya at saka isinuot sa palasingsingan niya. “..I say will you marry me?” Until his last line he still sang it kahit pa medyo sintunado na sa huli ang boses nito. “Tumayo ka na diyan. Mamaya mo malalaman." Napakamot-ulo na lang ang pobreng si Ice at sinundan na ang papalayong dalaga. Nahiya siguro sa mga nakamasid. Hindi na tuloy maalis ang ngiting iyon sa labi niya, kahit pa hindi siya sumagot. Alam na nito ang sagot niya. At doon na nagtatapos ang kwento ng aso't-pusang bangayan, the love at first fight na si Iceqiel Tamayo at Chilien Fabregas. Abangan kung paano susuyuin naman ng isang sikat na singer ang isang simpleng guro ng paaralan, the music to his ears is her. ************* WAKAS**********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD