Chapter 20

2519 Words

"Hindi na muna ako papasok, Gabo" Napatingin ako sa kapatid kong si Petunia habang sinusuklay ang basa kong buhok. Alas otso ng gabi at may gig kami ngayon sa The bay. Inaya kasi ako nila Kola at Jay doon upang tumugtog kasama ng isa pang banda. Sabi nila ay sayang naman pandagdag kita at exposure na rin kaya hindi na ako tumanggi. Linggo naman kinabukasan at walang pasok. "Masama ang pakiramdam ko" dagdag ni Petunia nang tinitigan ko siya. Bumuntong hininga ako at nilapitan siya bago sinalat ang kanyang noo. "Hindi ka naman mainit ah!" Hindi sa ayaw ko siyang hindi pumasok. Nagtataka lang ako dahil ibang iba ngayon ang karakas niya. Parang may hindi siya sinasabi sa akin. "Masama nga ang pakiramdam ko! Masakit ang ulo ko-- mamaya lalagnatin ako!" Singhal niya at pinanlakihan pa ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD