Chapter 1

1444 Words
Forever. Sabi nila wala daw forever, but how come I still believe that there is? He's still in my sight. Mayroong forever. Siya ang forever. Siya ang start and finish line ko, ang zero to infinity. Genesis, exodus at revelation. Ang dahilan, bunga at katapusan. Ang tirahan ng aking puso at ang nagmamay ari nito--ang bukod tangi. In short, siya ang aking lifetime commitment. Ang calling ko. Ang baduy. Pero, sige jologs na kung jologs. Mahal ko siya. Dapat walang arte arte. Period. "hoy! Bruha!" Napapitlag ako ng may humampas sa likod ko. Napalingon ako at nakita kong namumulirat ang mga mata sa akin ni Petunia. She's wearing her thick eyelashes that she batted twice. Umasim ang mukha ko. "ano nanaman?!" "Nagde-daydream ka! Ke tanghaling tapat! Maanong kumilos ka na muna ateng at linisan iyong Banyo natin! Puro ka Andoy! Andoy! Andoy! Hindi ka naman pinapansin! Naku ewan ko ba sa iyo! Ang sungit at ang kapal naman ng mukha pinag aaksayahan mo ng panahon. Ni dulo ng daliri nga niya high maintenance. Kaya ang sinasabi ko sa iyo, hindi mo iyon kaya. Hindi mo kayang abutin, masyado siyang mataas para sa mga kagaya nating hampaslupa!" Pagtatalak niya habang nakapamaywang pa. Tumayo na ako saka siya inirapan "Andami mo nang sinabi" tinalikuran ko siya saka nagpapadyak ba nagtungong banyo. Kung anu-ano pa ang lumabas sa kanyang bibig na hindi ko na maintindihan habang nakasunod siya sa akin. "I'm just letting you face the reality" sabi pa niya. Hindi ko nalang pinansin. Sumama ang pakiramdam ko, pero iyon naman talaga ang totoo. Langit siya lupa ako. Sensodyne ang toothpaste na ginagamit niya, ako iyong buy one take one na colgate, LV ang bag niya iyong akin Kipling--sa bangketa. Greenbelt ang mall na sinasayaran ng mga talampakan niya iyong akin sa divisoria lamang. Konyo ang pananalita niya --ako salitang kanto. Starbucks ang kinakape niya, ako iyong three in one ni Ditseng Ede. I sighed. Andami naming pagkakaiba. Pero hindi iyon sapat para sumuko sa aking pangarap. Gaano man siya katayog, pasasaan ba't yuyukod siya upang abutin ang aking mga kamay. Ang mga greek gods nga bumaba sa lupa, siya pa kaya? Kamusta naman si Eros na napamahal kay Psyche? Siya ang pangarap ko. Siya ang dahilan kung bakit ako naririto sa kinaroroonan ko ngayon. He's my motivational driver. Kung saan siya doon ako. "Bakit naman kasi iyong mayaman pa ang nagustuhan mo? Pwede namang si Nikolas nalang. Mabait, masipag, gwapo, may permanenteng trabaho at higit sa lahat---" "Kayang abutin" pinutol ko na siya sa pagsasalita dahil iyon lang din naman ang sasabihin niya. "Petunia, alam ko naman. Kaya nga nagsisikap ako diba? Aabutin ko siya. Maghintay ka lang" ngumiti ako sa kapatid ko saka inabot ang tuff at eskoba sa loob ng banyo. Pumaywang ulit siya saka nagtaas ng kilay "concern lang ako sa iyo. Hindi na siya iyong kababata mo. Kita mong yumaman lang akala mo na kung sinong umasta" "Hindi lang niya ako naaalala" malungkot kong saad, ngunit napawi rin naman ito ng ngiti ko sa labi "ipapaalala ko sakanya isa isa. Wag ka lang maiinip" "Siya, bahala ka. Basta ha, araw araw kitang pinapaalalahanan. Sana ay hindi lumala ang kahibangan mo. Alam mo ang limitasyon. Ayaw lang naman kitang masaktan dahil mahal kita. Ate mo ako at responsibilidad kong protektahan ka" Tumayo ako saka ngumiti ng matamis sa ate ko "alam ko naman ang bagay na iyon. Lahat nang paalala mo nakatatak sa isip ko" yinakap ko siya ng mahigpit. Dalawa nalang kasi kami sa buhay. Maaga kaming naulila sa ama't ina. Pitong taon na ang nakakaraan mula ng pumanaw si inay sa sakit na Cancer, si itay naman ay limang taon palang ako ng siya ay maaksidente sa konstraksiyon kung saan siya naghahanap buhay. Simula noon ay si Petunia na ang kumayod para makatapos ako ng pag aaral. Sa isang call center siya nagtratrabaho at ako naman ay nakapagtapos sa kursong Business administration noong nakaraan taon. Humiwalay siya sa akin saka pinahid ang isang butil ng luha sa ilalim ng mata "lagi mo nalang pinapaiyak si ate" tinapik niya ang balikat ko saka ngumiti "basta, andito lang ako ha" Gumanti ako ng ngiti "yamo ate, itataas ko ang bandera ng mga Dimaano!" Napahagikgik siya saka ginulo ang buhok ko "puro ka kalokohan, kailan ka nga pala mag aapply ng bagong trabaho?" Pagpapalit niya ng usapan Sumibangot ako "Ate naman, napag usapan naman na natin ito, saka malaki naman ang kinikita ko" Napaismid siya "sayang naman iyong tinapos mo. Kung sa pabanda banda ka lang aasa, paano ka uunlad niyan? Saka iyang kulay ng buhok mo nga, Gabo! Palitan mo iyan. Mukhang palong ng manok" "Ate naman!" "Ah! Basta! Maghanap ka ng matinong trabaho! Para din naman sa iyo iyan. Para kung sakaling mag asawa na ako, may matino ka nang trabaho" napangiti nalamang ako. May punto siya ngunit hilig ko na talaga ang pagkanta. At masaya ako sa ginagawa ko. ---- "Gabby, ikaw na. Galingan mo nang di ka napag iinitan ni bossing" paalala sa kin ni Jay. Inirapan ko lang siya. Palagi nalang ata ako ang sentro ng init ng ulo ni Panda---iyong manager namin sa banda. Hindi ko alam pero laging sa akin ang sisi. Maganda ang boses ko, magaling din akong tumugtog ng gitara at piano, pero hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing tutugtog kami na may palya ako ang pinag iinitan. "Ikaw ang umayos. Lagi kang palya"iniwan ko siya sa likod ng stage saka tumuloy sa bar counter. "pengeng isang tequila sunrise" "coming right up! pretty lady" ngiting ngiti sa akin si Marcus. Siya ang may ari ng bar na pinagdadausan ng gabi gabi naming gig. Umupo ako sa tabi ng lalaking pamilyar sa akin. Mukhang malalim ang iniisip niya kung kayat kinalabit ko siya. Hindi niya ako pinansin. Inubos niya ang isang baso ng mamahaling alak saka ulit um-order. Mukhang problemado nanaman siya. Noong nakaraang araw ay ganito rin ang estado niya. Kawawa naman ang pinakamamahal ko. Matagal ko na siyang minamatyagan mula sa malayo, siya rin ang dahilan kung bakit ako napadpad sa bar na ito. Hindi niya ako nakikilala, pero ayos lang. Siguro nga hindi lang talaga pulido ang memorya niya. Matagal mo na siyang binubuntutan ngunit hindi niya ito napapansin, "Miss, can you stop staring at me. You are already annoying" napapitlag ako ng bigla siyang magsalita. Napaawang ang labi ko. Hindi ako makapaniwala. Kinausap niya ako. Sa nakalipas na labin dalawang taon ay ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya ng malapitan. GAHD! Ang husky. Ang sexy. Nakakaakit. "Miss? Ano ka ba? Stalker ba kita? Pwede ba lumayas ka sa harapan ko. Naaalibadbaran ako" he snorted. Nanlaki ang mata ko, at para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa mga sinabi niya. Napkurap kurap ako. Konting pasensiya lang, Gabby. Si Andoy iyan. Wag mong pairalin ang init ng bungo. "Hindi ako stalker" mahina kong usal. Mukha pa siyang nagulat. Tumawa siya ng pagak "Then why are you eyeing me like you wanna eat me alive" sarkastiko niyang sabi. Napabuntng hininga ako "hi- hindi mo ba ako nakikilala?" Lakas loob kong sabi, Kumunot ang noo niya "have we met before? Hindi ka pamilyar. Im sorry" tatayo na sana siya ng hawakan ko ang braso niya "Sandali lang." Tinitigan niya ang kamay ko "Remove that" "Bakit ang suplado mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. Tinaasan niya rin ako ng kilay "I dont entertain strangers" Napatawa ako ng pagak "so your mom had taught you not to talk to starngers? Such a good boy" hindi ko na napigilan ang pang uuyam sa boses ko. Medyo nakakapikon na rin kasi. Nagsalubong ang kilay niya saka nandidiring tinanggal ang kamay ko sa braso niya. "I will always obey my mom. And no one dares to test my obedience to her because i will do everything for her" madilim na ang mukha niya. Nakakatakot na rin ang boses niya. Nagbaba ako ng tingin. "Im sorry. Pero pwede bang wag ka na munang umalis. Let's have a small chit chat. Mahaba pa ang gabi" Napahawak siya sa kanyang balingusan saka ako tinitigan ng masama "look, if you are trying to hook me up in bed tonight, im sorry. But im not up to that. May girlfriend ako. At hindi ako basta bastang nakikipaglandian sa mga babaeng wala sa tamang wisyo. Now, if you'll excuse me" hindi na niya ako muling pinagsalita pa dahil linagpasan na niya ako. Lumapit siya sa isang table ng mga nagkukumpulang mga babae at balewalang sumalampak sa couch. Huminga ako ng malalim saka nagpaypay ng kamay "kaya mo pa Gabby. Konti nalang. Aamo ka rin sa akin Andoy ko" bulong ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD