"Andoy ko.." bulong ko sa hangin habang unti unting nawala sa aking paningin ang pigura niya. Posible palang mangyari ang katulad ng sa amin ni Andoy. Matagal ko siyang hinanap at pinangarap. At ngayon na nagkadaumpalad na kami--at higit pa sa pag uusap ang ginagawa namin-- ay hindi ko parin siya kayang abutin. Ang layo ng Andoy na kababata ko sa Andoy ngayon. Ni hindi niya matandaan iyong unang pagkikita namin makalipas ang labindalawang taon. Naglalakad na ako pauwi ng apartnment na tinutuluyan namin nang mamataan ko ang isang nakahandusay na lalaki sa isang madilim na eskinita . Noong una ay nagdalawang isip pa akong lapitan ito sa takot na baka pain lang ito ng budol budol gang at naghahanap ng mabibiktima. Ngunit sa bandang huli ay niyakag ako ng sarili kong mga paa sa kinaoro