Magkasamang kumain sina Carrena at Rico sa cafeteria. Bumabawi sa kaniya si Rico. Sinantabi niya muna ang problema. Gusto niyang masaya kasama si Rico. Hindi pa rin sila nag-uusap ni Ate Olivia palagi kasi itong wala. Kung umuwi gabi na at tulog na siya. Madaling araw pa lang umalis na ito. Hindi niya alam kung ano ang trabaho ng kapatid. Bakit madalas ito umuuwi late.
"Kumain kana ang payat mo na." Nilagyan nito ang plato niya ng pagkain at sinubuan siya ng isang kutsara kanin na may ulam na.
"Ah." Pinabuka nito, ang kaniyang bibig.
"Ako na..." Inaagaw niya ang kutsara dito.
"Hindi. Sige na, mahal nangangalay na ako, eh?" Tumingin siya sa paligid. Abala naman ang lahat at mukhang walang pakialam sa kanila ni Rico.
"Sige na nga..." Sabi niya dito.
"Good. Kumain ka ng mabuti para hindi ka magsakit. Huwag mo pabayaan ang sarili mo."
"Opo... Papa? Hahaha?" Sabi niya dito. Pinisil nito ang ilong niya.
"Aray ko naman." Reklamo niya.
"I love you...." Kaagad siyang kinilig. Hinawakan nito ang kamay niya at dinala sa labi.
"Wow! Ang sweet naman..." Si Xanya.
"Hi! Polite niyang bati dito kay Xanya.
"Pwide ba akong makihati ng table." Sa kaniya ito tumingin. Marami pa bakanting mesa at upuan pero mas gusto ni Xanya sa table nila.
"Ang boring kasi kung mag-isa kumain. Mas masaya kung marami kayo kumakain you know." Tahimik lang si Rico. Ang kamay ni Xanya ay nasa lap ni Rico. Palihim naman inalis ito ni Rico.
"Sige. Walang problema."
"Okay lo-- este longing lang kapag mag- isa."
"Ah. Oo... Mas maganda may kasama para may kausap ka. Curious lang Xanya? Bakit wala akong nababalitang boyfriend mo?"
"Actually... Mayroon kaya lang ayaw niya public ang relation namin mas gusto niyang secret... Ang sweet ng boyfriend ko d'ba?"
"Ah. Ganoon ba? Baka may dahilan siya kaya ayaw niyang i public."
Napalunok ng laway si Rico at tahimik lang ito.
"Yeah, tama ka... Pero masaya naman kami kasi nagagawa namin lahat ng gusto namin." Magkahulugang sabi sa kaniya. Napansin niyang panay punas ng pawis sa noo si Rico.
"Mahal... Okay ka lang ba?"
"Of course! Mahal... Anong gusto mong food kuha na kita?" Tanong kay Xanya.
"Sandwich at juice lang please?" Sabi kay Rico.
"Ako na kukuha may bibilhin din ako sa canteen."
"Salamat, ha?" Nakangiting tumango siya dito. At tumalikod na.
Agad naman yumuko si Xanya para nakawan ng halik si Rico. Pero umiwas ito dahil sa takot na may makakita o makita sila ni Carrena.
"Anong ginagawa mo?" Mahinang tanong nito sa babae.
"To kissed you!" Prankang sagot ni Xanya. Gigil naman hinawakan ni Rico ang kamay ni Xanya at mariing hinawakan.
"Ah! Rico... Nasasaktan ako?"
"Talagang masasaktan ka sa akin kung hindi ka umayos."
"Ginawa ko lang ang tama. Mahal kita Rico? Hanggang kailan mo itatago ang relasyon natin, ha?"
"Relasyon? Wala tayo noon, Xanya?" Galit na sabi ni Rico.
"Anong wala? Rico? Ilang beses ka nagpakasarap sa kama. Ngayon mo sabihin, wala lang iyon! Sa akin hindi!" Biglang napatayo sa galit si Xanya.
"Xanya... Huwag kang mag scandalo dito, please?" Pakiusap ni Rico. Habang tiningnan si Carrena na abalang pumila sa canteen.
Pikitmata naman umupo muli si Xanya. Humugot ng malalim na hininga.
"Umaasa ako Rico... Na mahalin mo rin gaya ng pagmamahal mo kay Carrena. I gave you everything and I didn't keep anything from myself. I hope you will appreciate my feelings for you a little bit..." Nagsusumamong ng babae.
Nasalat ni Rico ang noo. Bigla kasing sumakit ang ulo niya. Ang nangyari sa kanila ni Xanya ay kagustuhan ng babae. Pero kasalanan din niya dahil pumatol siya.
"Xanya... Mahal ko si Carrena. Ayaw ko siyang saktan. Sana maitindihan mo iyon. Iyong sa atin wala lang iyon. Ikaw ang lumalapit at gusto ibigay sa akin, kahit alam mong may girlfriend ako." Ngumiti ng mapait si Xanya sa narinig. Parang piniga ang puso niya sa sakit. At ilang ulit siyang sinasaksak ng kutselyo.
"So wala lang sayo iyon... Okay... Okay! Tatanggapin ko ng buo na wala lang sayo iyong nangyari sa atin. At wala lang sayo na ilang beses kang umungol sa sarap! Kasama ako... I understand, Rico?" Lumunok ng laway si Xanya. Bago pinakalma ang sarili at kumilos ng wala lang. Pero ang totoo ilang ulit niyang pinapatay si Carrena sa isip.
"Pasinseya na, ha? Natagalan ako... Dami kasing pila. Ito na ang sandwich at juice mo, Xanya. At binilhan na kita ng milktea mahal... Alam ko paborito mo ito." Si Carrena. Isa-isa niyang inabot ang mga pagkain sa kanila.
"Salamat..." Matamis na ngiti ni Rico sa kaniya. Nakita niyang hindi pa ginalaw ni Xanya ang Sandwich nito.
"Kain kana Xanya. Ginawa ko ang sinabi mo. Ayaw mo ba?"
"Hindi naman. Kaya lang wala na akong gana, eh?"
"Ha?"
"Hayaan mo siya kung ayaw niyang kumain. Baka nga wala na siyang ganang kumain. Ikaw kain kana diyan. Baka mamaya bill na at hindi ka pa tapos." Malambing na sabi sa kaniya ni Rico. May mga hibla ng mga buhok naalis sa tali niya at dahil malakas ang hangin dahil sa electric fan. Si Rico na ang nag-ipit sa buhok niya.
Hindi maiwasan ni Xanya ang sumama ang tingin niya kay Carrena
Dahil dapat sa kaniya ang boung atensyon ni Rico. Pero hindi. Isa lang naisip niyang paraan ang alisin si Carrena sa buhay ni Rico. Sige lang... Sulitin niyo magkasama. Dahil bukas hindi na...
Bago pumasok sa class room si Carrena. Dumaan muna siya sa CR. Naiihi na kasi siya. Kaagad siyang naupo sa cubicle. May sumunod na pumasok at boses ng isang grupo nag uusap.
"You know girl, may bago akong tsismiss at sariwa pa."
"Ano naman iyan?" Tanong isang babae.
Tahimik naman nakinig si Carrena.
"Nalaman ko na ang isang lalaki namamangka sa dalawang ilog!"
"Ha? You mean.... Dalawa sila pinagsabay niya. Wow! Ha? Interesting iyan."
"Sinabi mo pa?"
"Totoo ba iyan? At sino naman kaya?"
"Uhm, atin- atin lang ito. Ang isang babae daw ay senior high school. Tapos iyong isa naman muse ng boung campus."
"Really?"
Nasipa ni Carrena ang timbang nasa harap niya. Umingay ito. Nagflash muna siya sa bowl bago lumabas. Pero paglabas niya wala na ang mga ito. Gusto niya pa sana sumali sa tsismiss. Sino kaya ang tinutukoy nilang senior high na babae. Ibig sabihin hindi alam ni Xanya na ang boyfriend nito may ibang babae maliban sa kaniya. Naku naman...
Nabigla naman siya sa pagpasok ni Xanya. Tinulak siya nito sa dibdib ng malakas. Napaatras siya sa lakas ng pagkatulak sa kaniya.
"How dare you! I thought you were a good girl but you're not."galit na sabi sa kaniya ni Xanya. Hindi niya alam ang pinagmulan ng galit nito at bakit siya sinugod ng babae.
"Rico is my friend... and he is loyal to you but what did you do to deceive him?"
"Ano ba pinagsasabi mo diyan?"
"Alam ko may iba kang lalaki!? Kailan mo sabihin kay Rico ang totoo ha!?" Hindi siya nakasagot pero wala siyang aaminin at wala siyang lalaki. Si Rico lang lalaking minahal niya wala ng iba.
"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." Nilagpasan niya ito. Pero hinila ni Xanya ang buhok niya.
"Saan ka pupunta?"
"Xanya? Ang buhok ko..." Sabi niya dito.
"Ano ba problema mo ha!? Wala kang karapatan para diktahan ako sa gusto ko gawin. At wala akong ibang lalaki." Tinadyakan niya ito sa paa. Nakawala siya dito matapos lumuwang ang pagkakahawak sa kaniya. Kaagad siyang lumabas para takasan si Xanya. Nang makitang hindi ito nakasunod sa kaniya. Kaaagad niya inayos ang buhok bago pumasok sa room. Naamoy niyang amoy alak ito. Hindi nito alam ang ginagawa.
Biglang sumama ang pakiramdam ni Carrena. Naramdaman niya ang pag ikot ng paningin. Pero pinipilit niya pa rin maging okay. Paglagpas niya sa lalaking nasalubong nawalan siya agad ng ulirat. At wala na siyang naalala pa. Pagising niya puro puti ang mga kurtinang bumungad sa kaniya. Inikot niya ang mga mata sa boung silid. Nakita niya ang matangkad na lalaking nakatayo roon. Nakatupi ang dulo ng polo nito at slacks naman ang pang ibaba. Kumikinang ang black shoes nito sa kintab. Kahit nakatalikod ito. Nakilala niya agad ito.
May pumasok na naka uniformeng puro puti. Isang doktor na babae. Ngumiti ito ng makitang gising siya.
"How are you feeling?" Malambing ang boses na tanong sa kaniya. Lumapit naman si Efrem ng makita ang Doktor sa silid.
"Medyo masakit po ang ulo ko..." Sabi niya dito.
"Because that is one of the symptoms of being pregnant."
"Ano po buntis ako Doktor? Aray!" Kumirot ang ulo niya ng biglang bumangon.
"Be careful..." Sabi ng Doktor.
"Yes?"
"Hindi... Baka nagkamali po kayo Doktor?" Hesterical niyang reaksyon.
"No. All the checks on you, the reason is the same. Buntis ka!"
"Hindi pwide... Doktor! Ayaw ko!" Umiyak niyang sabi. Nagtataka naman ang doktor nakatingin sa kaniya.
"Uhm, Doktor? Are you sure she's pregnant?" Si Efrem.
"Yes, 100 percent sure she's pregnant."
"Okay? Anong gagawin kapag buntis?"
"Magbibigay ako ng receta para sa lahat ng vitamins niya at iba pa."
"Okay, Doktor? Thank you."