Xanya POV:
Sa Bar kasama ko mga kaibigan para magdiwang ng aking tagumpay sa wakas nakuha ko rin ang gusto ko. Si Rico. Matagal ko ng mahal si Rico at kaibigan... Akala ko liligawan niya ako ng sinabing special ako sa puso niya. Umaasa ako... Pero hindi niya akalain na mapupunta lang ito sa isang Senior high na si Carrena... Sobra akong nasaktan ng makita ko silang sweet at naglalambingan sa aking harapan. Gusto ko ng kalimutan si Rico. Dahil wala naman pag-asa maging kami. Nakikita ko rin na mahal na mahal nito si Carrena. Pero ayaw paawat ng puso kong mas mahalin ito. Hanggang isang araw nangangarap na akong sana mahalin din niya ako. At may nangyari sa amin ni Rico ng minsan nalasing kaming pariho. Boung akala ko.. iyon na ang last na may mangyari sa amin pero nasundan pa ito... Hanggang sa naging s*x slave na ako. Umaasa ako na iiwan ni Rico si Carrena, dahil ilang beses naman na may nangyari sa amin. Pero hindi ganoon nangyayari. Gusto ni Rico tapusin na kung ano mang namagitan sa aming dalawa. Dahil ayaw nito lukuhin si Carrena at hindi na daw kaya ng kunsinseya niya. Kung habang buhay niya itong lukuhin. Ang taas ng binagsakan ko... at hindi ko matanggap na basta na lang niya ako itapon na parang basura matapos makaraos sa akin. Boung akala ko kapag binigay ko lahat lahat... Mamahalin niya na ako. Nagkamali ako. Hindi ko matanggap... Boung buhay ko siya na ang pinapangarap ko makasama hanggang sa pagtanda.
Nahirapan akong maka- move on. Kahit anong gawin ko si Rico pa din ang nakikita ko... At naiisip kahit saang sulok ng aking silid. Walang saysay ang buhay ko, kung hindi lang si Rico ang makakatuloyan ko at makakasama, gang pagtanda. Pinipilit ko naman kalimotan si Rico... Pero ang hirap... gawin... Lalo na kapag malungkot ako naiisip ko siya palagi. Hindi ko magawang ngumiti at kumilos ng normal. Si Rico lang nagpapasaya sa akin.
Si Carrena lang sagabal sa pagmamahalan namin ni Rico. Kapag nawala si Carrena sa buhay namin ni Rico. Mamahalin niya na ako... Boung atensyon niya nasa akin na. Habang umiinom ako ng whiskey sa bartender hindi ko maiwasang mapangiti ng lihim. Dahil nagbunga ng maganda ang aking mga plano. Nagawa kong alisin si Carrena sa buhay ni Rico na hindi man lang ako nahirapan.
"Laki ng ngiti mo ah!" Si Peter. Nasa bar ito ngayon.
"Sinusundan mo ba ako?" Masungit kong sabi dito.
"Woah! Bakit ko naman gagawin iyon?"
"Malay ko sayo... Baka may gusto ka sa akin?"
"Hindi ah! Lahat ng mga pinuntahan mo ay tambayan ko din. Ano kaba? Masyado kang assuming diyan!"
"Really?"
"Oo... Anyway, congrats sa mga plano mo. Alam ba ni Rico na pakana mo lahat ng ito?" Ngumisi ako dito.
"Semprey, hindi! Kaya ikaw tikom mo iyang bibig mo! Damay ka din dito!"
"Paano ako nadamay dito?"
"Nakalimutan mo ba pinagkakitaan mo din iyong vedio ni Carrena ah! Ang alam ko kumita ito ng malaki matapos mo ilabas... At hindi mo ba alam pina imbestagahan iyon ng eskwelahan. Mabuti na lang nagawan ko ng paraan dahil kung hindi... Baka sa kulongan ka pulutin ngayon. Alam mo naman mabigat na kaso ang isasampa sayo at patong patong na finalty. Kung sakaling na trace ka. Kaya ako sayo tikom mo iyang bibig at huwag kang magkakamaling sabihin kay Rico!" Sabi ko dito. Hindi ako papayag na mauwi lang sa wala ang mga plano ko.
Nagkibit-balikat ito naupo sa aking tabi.
"So malaki pala ang utang na loob ko sayo. Ganoon? Pero sige, thank you." Sabi niya sa akin.
"Natural?" Sabi ko dito. Tinuloy ko lang ang pag-inom ng whiskey.
Umorder din ng maiinom si Peter.
"Hindi kaba nakukunsensiya dahil sa ginawa mo kay Carrena? Balita ko nabaliw daw, eh? Sunod-sunod ba naman ang pinagdaanan niya. Una, iyong nangyari sa kaniya. Pangalawa, sa kanila ni Rico... Ang sakit nun ah. Lalo na malaman niyang pinagtataksilan siya ng taong mahal niya. Pangatlo, pinatay pa kapatid niya. Hindi ba nakakaawa?" Umangat ang gilid ng labi ko. Nang humarap kay Peter. May part naawa ako. Pero sa bandang huli natuwa ako. Dahil sa wakas mapunta sa akin si Rico. Wala na akong karibal pa sa puso ni Rico. Solong-solo ko na siya.
"Oh, kawawa naman pala si Carrena... Pero hindi! Buti nga sa kaniya iyon. Dahil sa kasalanan niya sa akin." Ngumisi naman si Peter.
"Ngayong nasayo na ang huling halakhak... Ibig sabihin masayang masaya kana?"
"Sobra? Kung hindi dahil sa brilliant niyang utak mo. Hindi ko pa rin makukuha si Rico at hanggang ngayon. Magkasama pa rin sila ni Rico at ako nagdudusa. Habang masaya sila!" Sabi ko dito. Kung hindi lang dahil nilagyan ng gamot ang inomin ni Carrena. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makukuha si Rico.
"Sa tingin mo na saan na kaya si Carrena ngayon?"
"I don't care about her! At mabuti nga mamatay na siya...." Sabi ko. Kahit na sabihing masama akong tao. Pero iyon talaga ang naramdaman ko. Mabigat ang loob ko pagdating kay Carrena.
"Ang sama mo..." Tinaasan ko lang si Peter ng aking kilay. Sa ngayon wala akong pakialam sa babaeng iyon.
"So toast!" Sabi sa akin ni Peter. Matapos ipagdikit ang kanilang mga baso.
Flashback:
Nasa mall ako noon. May binili ako. Nang tumawag sa akin si Efrem. Gwapo din isang ito. Kahit mas matanda ito ng edad sa akin. Hindi mo mahalata sa etsura niya. Dahil baby face kung titingnan. Higit sa lahat bilyonaryo. Marami itong negosyo hindi lang ang eskwelahan. Marami pa... Kaya naman swerti ang babaeng mamahalin nito. At alam ko na agad na may paghanga ito, kay Carrena. Kaya naman nabou agad ang mga plano ko...
"Hey, where are you, woman?" Kahit hindi ko nakikita ang mukha ni Efrem. Alam kong galit ito.
"Nasa mall ako. Bakit?" Tanong ko. Habang may hinanap ako.
"Damn! Malapit kaba sa lugar ni Rico?" Nangunot ang aking noo.
"Medyo? Bakit?" Kabahan na tanong ko. Kanina lang galing ako doon sa bahay ni Rico. Pagkagaling sa hospital na discharge na kasi ito. Matapos ang apat na araw sa hospital.
"Tumawag sa akin ang source ko na papunta si Carrena kay Rico. Kung malapit ka diyan. Kailangan mong unahan si Carrena kay Rico... Huwag mong hayaang magkausap sila. Kapag nangyari iyon... Endgame na! Bilisan mo!" Pagkarinig ko. Pinawisan ako ng malamig. Hindi ako papayag na basta lang mauwi sa wala ang lahat ng mga pinaghirapan ko. Hindi ako papayag na babalikan ni Rico si Carrena at paano naman ako? Hindi...
"No, no, no!" Mabilis akong sumakay sa aking kotse at pinaharurot ko itong pinatakbo. Dahil sa takot kong mawala ulit sa akin si Rico. Biyaheng langit na iyong takbo ng aking sasakyan. Umusok ang gulong ng sasakyan ko,.dahil sa biglang pagkabig ko ng prino. Hindi ko na nagawang i-park ang aking kotse. Ang nasa isip ko noon. Makarating agad kay Rico bago pa maunahan ni Carrena.
Nakahinga ako ng maluwang ng makitang wala pa si Carrena. Mahimbing din tulog ni Rico. Pero para sigurado matutulog lang si Rico sa tabi ko... Kinuha ko iyong spray sa bag ko na may pampatulog at winisikan ko sana ng kunti. Pero nagising si Rico.
"Xanya?"
"Hi! Bumalik ako... Kasi nag-aalala ako ng malaman kong mag-isa ka sa bahay." Sabi ko. Totoo nga naman kasi nasalubong ko sila na paalis na.
"Thank you..." Sabi sa aking nakangiti. Kinilig ako doon, kahit simpleng bagay. Mahal niya si Rico. Wala akong hindi kayang gawin. Kahit mundo ko ibibigay kay Rico.
"Matulog kana ulit... Dito lang ako kapag may kailangan ka! Tawagin mo lang ako." Malambing na sabi ko.
"Okay. Masakit lang ulo ko... Pero mamaya maging okay din ako." Ngumiti lang ako dito ng makitang pumikit siya muli. Saka naman nag spray ng mabilis malapit sa ilong ni Rico.
Tumabi ako kay Rico sa higaan. Kinuha ko ang braso niya para yakapin ako. Dahil sa pagod at kulang sa tulog. Nakatulog din ako. Nagising ako dahil sa malakas na pahila sa buhok ko. Hindi din nakakilos si Rico sa kaibiglaan.
"Carrena?" Gulat na reaksyon ni Rico.
"Mga hayop kayo... Paano mo nagawa sa akin ito, Rico? Kailan?"
"Matagal ng may unawaan sa amin ni Rico... Hindi lang iisang beses na magkatabi kami matulog." Sabi ko kay Carrena. Kahit alam kong magagalit si Rico sa ginawa ko.
"Xanya?"
"Bakit kapa magsisinungaling Rico. Nakita na lahat ni Carrena. At karapatan niya malaman iyon."
"Stop!" Sabi sa akin ni Rico.
"Carrena? Magpapaliwanag ako." Rinig kong sabi ni Rico. Pero umalis agad si Carrena.
"I'm sorry... Rico. Hindi ko sinasadyang makatulog sa tabi mo." Paliwanag ko dito.
"Okay lang... Bakit sinabi mo iyon sa kaniya. Sinabi ko na sayo hindi ko iiwan si Carrena para sayo... Mahal ko siya." Naikuyom ko ang aking kamao at pakiramdam ko ilang beses akong sinaksak ng paulit- ulit.
"Kahit na... Magkakaanak siya sa ibang lalaki. Hindi mo pa rin siya hiwalayan?" Tanong ko. Kahit pa masakit.
"Yes. Dahil mahal ko siya. Gusto kong bawiin mo sa kaniya ang sinabi mo kanina. Please?" Nagsusumamong pakiusap sa akin ni Rico. Dahil ayaw kong magalit sa akin. Kunwari pumayag ako.
Lumunok ako ng laway at napilitang tumango dito.
"Okay... Pero paano kung ang paniwalaan niya pa rin ang nakita niya kanina?" Tanong ko dito.
"Bahala na basta sabihin mo sa kaniya ang totoo na walang namagitan sa ating dalawang."
"Okay na... S*x lang..." mapait na sabi ko.
Bumuntong-hininga si Rico.
"I'm sorry... Pero pariho naman natin ginusto iyong nangyayari sa atin. Hindi ba? At malinaw naman iyon sayo..." Ngumiti siya ng mapait. Sobrang sakit lang sa dibdib.
Sinundan ko nga si Carrena. Pero hindi ko sinunod ang pakiusap ni Rico sa akin. Bagkos nagalit ako kay Carrena... ang nasa isip ko lang saktan ito at ibuhos ang sama ng loob. Makaganti man lang ako.
Nang maabotan ko siya. Hindi ko napigilang ang aking sariling saktan siya.
Tumunog ang aking cellphone. Kaagad ko itong sinagot habang pinapanood ko si Carrena. Gumagapang ito palabas ng gate. Kawawang Carrena... Talaga naman natuwa ako na makitang nahihirapan ito.
"Where is she now?" Umangat kaagad ang aking kilay at sandaling pinatirik ang aking mga mata.
"She's dying.... Haha?" Mala- demonyo kong sagot sa kausap.
"What?" Kaagad ko naman nilayo sa aking tainga ang malakas na boses ni Efrem.
"Ano ginawa mo sa kaniya? Alam mo naman buntis siya! Kapag may mangyari masama kay Carrena at sa anak ko! Humanda ka sa akin? Tandaan mo iyan!" Dahil sa banta sa akin ni Efrem. Na-realize ko na may isang tao pa pala nangailangan sa babae. Kaagad akong tumawag ng taxi para kay Carrena, kahit labag sa aking kalooban. Pero hindi na bali... Mahirap kalabanin si Efrem... Marami itong kayang gawin. Ayaw ko naman masira ang mga plano ko dahil lang sa galit sa akin ni Efrem.
"Nakausap mo ba siya?" Gulat akong napatingin kay Rico. Palihim naman akong tumingin sa labas sa takot na makitang nasa palagid pa si Carrena. Pero napangiti ako ng wala na ito.
"Hmm..."
"Anong sabi niya? Pinapatawad niya naba ako? Okay na ba kami... Kasi ako tatanggapin ko pa rin siya kahit nabuntis pa siya ng ibang lalaki. Handa akong tanggapin at sabay namin palakihin ang bata na magkasama..."
"Eh? Galit siya, eh? Hindi daw siya maniniwala wala tayong ginawang mali. Kitang kita daw sa mga mata niya niluko natin siya. Rico? Pinaliwanag ko na sa kaniya ang totoo pero sinaktan niya ako at galit pa rin siya sa atin." Kunwaring iyak ko sa harapan nito.
Humugot ng malalim na hininga si Rico.
"Baka makinig siya sa akin. Gusto ko siyang puntahan... Baka pag ako ang magpaliwanag paniwalaan niya ako! Dahil mahal niya ako sa Xanya?" Gusto kong sumigaw na wala ng dapat pa balikan. Pero pinipigilan ko ang sariling huwag lumabas ang totoong sungay.
"Okay. Sasamahan kita. Pero bukas na... Dahil kailangan mo ng pahinga Rico? Kaka- opera mo lang... Promise, kahit samahan pa kitang magpaliwanag kay Carrena. Gagawin ko...."
"Thank you... Xanya? Talagang tunay kang kaibigan." Ngumiti ako dito ng tipid. Hindi mo lang alam.