Kabanata 9

1205 Words
Magulo ang isip ni Carrena ng dumating sa kanila bahay. Mabuti na lang hindi pa gising ang mga kapitbahay nilang marites. Dumiretso agad sa kaniyang silid. Gusto niya muna mapag-isa. Paano na ngayon. Anong gagawin niya ngayon. Paano niya sasabihin kay Rico ang nangyari sa kaniya. Tatanggapin pa kaya siya kapag nalamang--- Nilubog niya ang sariling mukha sa unan. At umiyak ng umiyak. Kasalanan ko.... Kasalanan ko! Galit niyang sabi. Lahat ng kaniyang madampot ay pinagbabato niya. Hanggang sa bumukas ang pinto, nanglaki naman ang mga matang ni Olivia ng makita ang kalat sa silid niya. Nag aalalang lumapit sa kaniya ang kapatid pero sa takot niyang magsalita at hindi niya kayang sabihin dito ang nangyari. Mabilis siyang pumasok sa CR. At kaagad nag lock ng pinto. "Carrena? Buksan mo ang pinto! Ano ba nangyari sayo, ha? Bakit ngayon ka lang umuwi?" Tanong ni Olivia. Pero hindi sumagot si Carrena. Naupo si Carrena sa sulok ng CR. Nakatayo ang mga tuhod at pinakrus ang kaniyang mga braso roon at tahimik umiyak. Walang tigil ang palabas ng luha niya sa mga mata. Para itong gripo na umagos at hindi magpaawat. Walang ibang sisihin kundi siya. "Carrena? Kapag hindi mo ito binuksan ngayon at sabihin sa akin ang problema mo. Mapipilitan akong sirain itong pinto. Isa... Dalawa... Pagbilang ko ng lima hindi mo pa rin ito bubuksan sirain ko na agad! Tatlo.... Apat... L---?" "Ate, please? Ayaw ko muna makipag- usap. Hayaan niyo muna akong mapag-isa. Kapag okay na ako... Sasabihin ko rin sayo, eh?" Sabi niya dito. "Carrena... Sige, palalagpasin ko ngayon pero bukas. Kailangan mo sabihin sa akin ang nangyari. Naitindihan mo ba?" "Opo... Salamat, Ate?" "Sige, labas mo lang lahat ng sama ng loob mo! Dapat iyak mo ang dapat mong iyak... At huwag kang gagawa ng mali!" "Opo..." "Mabuti! Labas na ako..." Kinabukasan Maagang umalis ng bahay si Carrena. Wala siyang ganang mag- almusal. Kahit uminom ng gatas ayaw niya. Alam niyang masyado pang maaga pero gusto niyang mapag-isa muna. Napili niyang tumambay sa malaking puno. Dito tahimik at wala ingay maliban sa mga ibon. Naupo siya sa upuan na gawa sa kahoy. Daming pumasok sa isipan niya at nagpapagulo. Ayaw niya magpa epekto pero hindi niya mapigilang hindi isipin ang nangyari. Hindi niya matanggap na basta niya lang binigay ang sarili sa taong hindi niya boyfriend. Kaagad niyang pinunasan ang luhang basta na lang umagos sa pisngi niya. "It's good to see you here." Agad siyang tumayo at iniwan ito. Sa lahat ng taong ayaw niyang makita. Ito pa ang makikita niya ngayon. "Sandali!" Hinabol siya ni Efrem, at hinawakan sa kamay. Pero binawi niya agad at sinampal ito. Nagulat ito sa ginawa niya. At nabigla naman siya sa nagawa niya dito. "Sorry..." Nagulo niya ang kaniyang buhok at tumalikod dito. Pero hinabol pa din siya ni Efrem. "Carrena... Please? Let's talk..." Huminto siya at pilit pinapakalma ang emotion niya. "I know you cried because of me. But we didn't like what happened. It's just an accident.. But whatever happens I'm ready. Kung sakaling magbunga..." "Hindi! Walang mabubuo at kung mayroon man hindi pa rin ako papayag na mabuo siya. Dahil mali!" Galit niyang sabi. Naikuyom ni Efrem ang mga kamao. "The child is innocent. Karapatan niyang mabuhay at mabigyan ng magandang buhay." "Magandang buhay... At paano ako, ha? Masisira ang buhay ko... Alam mo ba iyon? Kaya kung sakaling mabuo siya dito. Sorry... Pero kailangan ko siyang alisin. Dahil iyon ang gusto ko!" "You are selfish..." "Wala akong pakialam! At utang na loob. Lubayan mo ako! At huwag kang magpapakita sa akin kahit anino mo. Kalimutan mo na rin may nangyari sa atin." "How? If I know you are struggling." "Pabayaan mona ako, Sir? Buhay ko ito! Please, huwag kana ulit lumapit sa akin. Pakiusap... Wala akong hilingin kahit ano. Ang tanging pakiusap ko ay huwag kana lumapit sa akin." "Carrena? Carrena?" Si Rico. "Rico..." Agad niyang pinunasan ang nabasa niyang pisngi. "Anong ginawa mo sa girlfriend ko, ha? Bakit siya umiyak?" Galit na sinugodin sana si Efrem. Pero kaagad niyang pinigilan si Rico. "Rico? Wala? Halika na..." Sa namaos niyang boses. "Anong wala? Hindi ka iiyak ng ganiyan kung wala mabigat na dahilan! Tell me... Anong sinabi niya sayo, ha!?" Turo nito kay Efrem. "She told you... nothing? What are you angry about? Or maybe you want me to tell your girlfriend. What I saw last night..." Tahasang sabi ni Efrem. Nagtatakang napatingin siya kay Rico. Kung ano ang ibig sabihin ni Efrem. "Ano iyon, ha? Rico?" "Tinatanong ka Rico? Sabihin mo na kong ano ang nakita ko." Paghahamon ni Efrem dito. "Rico ano? Ano dapat kong malaman?" "Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba dapat ako ang magtatanong bakit kayo magkasama ganito kaaga?" Napalunok ng laway si Carrena at hindi nakasagot agad. Tumikhim si Efrem. "I know you already know me and it's no secret who I am. I'm derictor of whole school. And I live here too. At nakita ko siyang umiyak dito. So I approached" Paliwanag ni Efrem. Nakahinga naman ng maluwang si Carrena. "So pwide na akong umalis." Mahigpit ang kapit ni Carrena sa braso ni Rico. Hindi niya nakita ang matalim na tingin ni Efrem sa paghawak niya kay Rico. Nang sila na lang dalawa ni Rico. Yumakap siya dito ng maupo silang magkatabi. Mabuti na lang hindi na nagtanong pa si Rico. Walang may gustong magtanong. "Maaga ka yata pumasok?" Tanong niya dito. "May pinapatapos sa akin ang professor sa shop na mg files. Ikaw bakit ang aga mo? Kausap mo pa ang mayabang na iyon?" "Gusto ko lang iwasan si Ate... Ayaw ko muna makarinig ng kahit anong sermon sa kaniya." "Bakit?" "Basta... Bakit hindi kana nakabalik agad?" May tampong tanong niya dito. "Sorry. May inutos sa akin si Mrs. Lim, eh? Tapos hindi pa ako makakaalis agad. Sorry, mahal... Pero bumalik naman ako. Pero wala kana.. umuwi kana daw..." "Oo. Kasi inaantok na ako, eh?" Sabi niya dito. "Okay lang, ang mahalaga nakauwi ka ng ligtas." "Oo naman... Safe naman ako." Sabi niya dito. Ayaw niyang magsisinungaling dito pero kailangan. "Okay. Mabuti. Sa nga pala, lagi mo nakakausap si Sir Efrem?" "Hindi! Kanina lang..." Sabi niya. "Anong sinasabi niya sayo? Sinisiraan niya ba ako sayo?" "Ha? Bakit?" "Wala? Tinatanong ko lang. At kung mayroon man siyang sinasabi sayo. Huwag kang maniwala sa kaniya." "Sige." Sighed. "Rico, mayroon akong sasabihin pero ito ay narinig ko lang..." "Ano?" "Kasi ung narinig ko... Ung girlfriend niya hindi sinasadyang may katabing ibang lalaki dahil pariho silang lasing. Kapag ikaw ang boyfriend tatanggapin mo pa ulit si girlfriend?" "Uhm, medyo mahirap ang tanong mo. For me... Oo, tatanggapin ko siya ulit lalo na kapag mahal mo." "Hindi mo ba siya pandidirihan o magalit sa kaniya?" "Magalit? Oo... Pero natural lang siguro iyon. Pero lilipas din. Matagal pero kakayanin para sa mahal mo at maging maligaya kayo." "Huwag naman mangyari sayo iyon, mahal?" Hindi siya makasagot. Biglang sumikip ang dibdib niya. "Semprey, hindi!" Sabi niya. "Mabuti. Kapag sayo nangyari... Baka matagal bago ko matanggap. Alam mo kung gaano kita ka mahal at iniingatan. Mahal na mahal kita Carrena, lahat gagawin ko para sayo hindi ka lang mawala sa akin." Hindi niya mapigilan ang hindi maiyak bigla. Nakukunsinseya siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD