Chapter 6

1973 Words
“Señora may mga tao po sa labas na naghahanap kay señorita Aria.” Sabi ng isang katulong kay Lyra, bakas ang takot sa mukha nito. Lumalim ang gatla sa noo ni Lyra dahil sa labis na pagtataka. Wala siyang Ibang alam na pwedeng maghanap sa anak ni Lorenzo maliban kay atty. Thompson. Ilang segundo lang ang lumipas ay namangha si Lyra ng mula sa pintuan ay biglang pumasok ang isang matangkad at gwapong binata na nakasuot ng black, 3 piece suit. Mula sa matikas na pangangatawan ay malalaman mo na hindi siya isang ordinaryong tao. Ang awra nito ay naghuhumiyaw sa kapangyarihan, halata na mula ito sa mataas na estado ng lipunan dahil sa mamahaling kasuotan nito. Nakakatakot kung makatitig ang itim nitong mga mata na tila ba inaarok ang buong pagkatao mo. Nanatiling blangko ang mukha nito, kaya kay hirap basahin kung ano ang tumatakbo sa isip ng binata. At base sa expression ng kan’yang mukha ay siya ang klase ng taong hindi mo dapat pinaghihintay. Napalunok si Lyra, hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakaramdam ng takot sa lalaking nakatayo ngayon sa kan’yang harapan. “Bakit ba maraming nahuhumaling sa batang iyon? At ano ang kaugnayan ng lalaking ito sa anak ni Lorenzo?” Naguguluhan na tanong ni Lyra sa kan’yang isipan habang tulala sa gwapong mukha ng binata. Harris POV “Ano ang ibig sabihin nito? Sino kayo?” Tanong ng nagulat na babae dahil sa walang pahintulot na pagpasok ko sa loob ng tahanan nito. Sa tingin ko ay nasa edad 40 pa lang ang babae, ngunit bata pa rin itong tingnan dahil sa magarang pananamit nito at mga alahas na suot sa katawan. Sa loob ng anim na buwang paghahanap ng aking mga mga tauhan kay Aria ay natunton din nila kung saan nakatira ang ama nitong si Lorenzo Lynch. Nalaman ko rin na namatay sa isang aksidente ang ama ni Aria isang linggo pa lang ang nakalipas kaya matinding pag-aalala ang naramdaman ko para sa aking munting anghel. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at kaagad kong pinuntahan ang kinaroroonan ni Aria. “Nasaan si Zaharia?” Balik tanong ko sa kan’ya imbes na sagutin ang tanong nito. Tanging kaseryosohan lang ang makikitang expression sa mukha ko habang walang ganang nakatingin sa ginang. Nakatayo lang ako sa harapan niya habang nakasilid ang dalawang kamay ko sa bulsa ng suot kong itim na slacks. “Anong kailangan mo sa anak ko?” Mataray na tanong niya sa akin ng makabawi sa pagkabigla. “She’s not your daughter, so don’t waste my time ilabas mo na si Aria at ibigay mo siya sa akin kung ayaw mong magkaproblema tayo.” Walang gana kong sagot. Hindi ko alam kung bakit kay bigat ng loob ko sa babaeng ito gayong ito pa lang ang una naming pagkikita. Nagulat ako ng bigla itong humagulhol ng iyak bago umupo sa sofa na parang tila isang kandila na unti-unting nauupos. Tinakpan ng dalawang palad nito ang kan’yang mukha at doon ay nagpatuloy ng pag-iyak. “Isang linggo ng nawawala si Aria, tinangay ito ng kan’yang Yaya noong mga panahon na nagluluksa kami sa pagkamatay ng aking asawa. Maniwala ka sa akin, hindi ko alam kung nasaan si Aria ngayon.” Anya habang umiiyak.. Natigilan akong bigla sa mga narinig ko mula sa kanya, mahigpit kong naikuyom ang aking mga kamay pakiramdam ko ay biglang bumigat ang aking dibdib. Ang lahat ng kasiyahan at pananabik na muling masilayan ang batang si Aria ay naglahong parang bula napalitan ito ng sakit at labis na pag-aalala. Nagdududang tingin ang ipinukol ko sa babae. “Halughugin niyo ang buong paligid.” Mariin kong utos sa aking mga tauhan ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ng stepmother ni Aria. Nagulat ito sa aking sinabi at bigla itong tumayo, halata na hindi ito mapakali. “Hindi n’yo ba alam na trespassing ang ginagawa ninyo! Idedemanda ko kayo!” Galit nitong wika, tumaas ang sulok ng aking bibig. “Go on, sue me.” Mariin kong sabi na hindi man lang nabahala sa sinabi nito. Ilang minuto ang lumipas ay bumalik ang limang tauhan ko sa aking tabi. “Young Master, wala si Ms. Zaharia sa paligid.” Anya ng aking tauhan, dumilim ang aking mukha at pakiramdam ko ay para akong bomba na sasabog anumang oras. “James! Hanapin nyo ang babaeng iyon at dalhin sa akin! Huwag kayong titigil hanggat hindi ninyo Nakikita si Aria.” Ma awtoridad kong utos sa aking kanang kamay, mabilis itong yumukod at sumagot ng “masusunod, Young Master.” Bakas ang matinding gulat sa mukha ng babae, marahil ay ngayon pa lang ako nito nakilala dahil bahagyang umawang ang bibig nito. Hindi ko na ito pinag-aksayahan pa ng panahon at kaagad ko na itong tinalikuran. Mabigat ang loob ko na pumihit paharap sa pintuan ngunit nakapagtataka kung bakit kay bigat ng aking mga paa at hindi ko ito maihakbang. Napalingon ako sa puno ng hagdan ng maramdaman ko ang presensya ng isang bata. Ngunit nadismaya lang ako ng makita ko ang isang batang babae na halos kaedaran lang ni Aria. Nakatitig sa akin ang itim nitong mga mata at kita ang paghanga nito sa akin. Bagsak ang itim at mahaba nitong buhok, maputi ang bata ngunit higit na maputi si Aria ko. Ang tingin ko lang sa kan’ya ay isang normal na bata, hindi katulad ni Aria ko na sa unang pagkikita pa lang naming dalawa ay may espesyal na damdamin na nag-uugnay sa aming dalawa. Tuluyan na akong lumabas ng bahay, pagdating sa labas ay isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago muling sinulyapan ang kabuuan ng bahay. Nang mga oras na ito ay matinding kalungkutan ang bumabalot sa puso ko habang nakatanaw sa bahay ng pamilyang Lynch. “Hindi ako titigil hanggang sa matagpuan kita Zaharia.” Anya sa aking isipan at hindi ko na namalayan ang pagpatak ng isang luha sa gilid ng aking mata.” Hindi lingid sa kaalaman ni Harris na kanina pa nakatitig si Aria sa exhaust fan dahil tanging doon lang siya nakakakita ng liwanag. Wala sa loob na napaluha ang batang si Aria dahil ng mga sandaling iyon ay iniisip niya si Mr. Smith habang tahimik na umiiyak. “Kapag nakalabas ako dito ay hahanapin kita Mr. para bawiin sayo ang kwintas at singsing ni Mommy.” Anya sa kan’yang sarili habang malungkot na nakatanaw sa maliit na liwanag. Iisa ang tumatakbo sa isip ng dalawa at iisa rin ang kanilang nararamdaman ngunit wala silang kaalam-alam na tanging pader lang ang kanilang pagitan. Sa huling sulyap ni Harris sa tahanan ng mga Lynch ay isang pangako ang kan’yang binitiwan. “Kahit lumipas man ang maraming taon ay hindi ako susuko sa paghahanap sayo Aria ko, hihinto lang ako kapag bumalik ka na aking mga bisig.” Anya sa isipan bago tuluyang sumakay sa kan’yang sasakyan. “Mommy, sino ang lalaking iyon?” Tanong ni Chelsy sa Ina. “Siya si Mr. Harris Smith ang nag-iisang tagapagmana ng mga Smith, ang pinakamayamang pamilya sa buong bansa.” Wala sa sariling sagot ni Lyra sa anak na si Chelsy, habang nakatitig sa pintuan na nilabasan ng binata at nang mga tauhan nito. Ngayon lang niya napagtanto kung sino ang taong kaharap niya kanina at hindi siya makapaniwala na ang billionaryong ‘yun ang naghahanap sa isang paslit. “I like him, Mom.” Seryosong pahayag ni Chelsy sa ina, bigla itong napalingon sa anak bago matamang tinitigan ang mukha ng bata. Isang kakaibang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lyra na wari mo ay may magandang naisip. “You know that he is looking at Aria?” malambing na wika niya sa anak, nagdilim ang mukha ni Chelsy na tila ikinagalit nito ang sinabi ng ina. Dahil sa narinig ay lalong tumindi ang galit ni Chelsy kay Aria at nilamon ng matinding inggit ang kan’yang puso. “Bakit ba kinukuha na lang ni Aria sa akin ang lahat?” Galit na tanong nito sa kan’yang ina, nagsimula ng mamula ang mga mata ng bata tanda na malapit na itong umiyak. “Yeah, your right, na kay Aria na ang lahat at sadyang napakaswerte niya, but who knows that someday ang lahat ng swerteng iyon ay nakalaan pala para sa’yo?” Nakangiting paliwanag niya sa anak. Natigilan si Chelsy at nagtatanong ang mga mata na tumitig sa mukha ng ina, dahil labis siyang naguguluhan sa mga sinabi nito. “So, don’t cry, sweetheart, remember that you are my daughter and you're the one who will inherit everything. Even Mr. Smith, you have him.” Anya sa anak sa malambing na tinig bago matamis na ngumiti dito. Biglang sumilay ang isang magandang ngiti sa munting labi ng batang si Chelsy, makikita ang labis na katuwaan sa inosenteng mukha nito. Nagsumiksik si Aria ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang kan’yang stepmother. Tanging ang tunog ng mataas na takong ang naririnig sa buong kwarto habang tahimik na nakamasid lang si Aria sa ina-inahan. “Magmula ngayon ay mananatili ka sa loob ng kwarto na ito, lalabas ka lang pagtunton ng ala-una ng gabi para maglinis ng buong bahay at kumain, nagkakaintindihan ba tayo?” mataray na pahayag ni Lyra kay Aria. “Opo.” Mahinang sagot nito habang malungkot na nakatingin sa Madrasta. “At magmula ngayon ay ayoko ng marinig pa ang boses mo, ni huwag mong susubukan na tumingin sa akin dahil ayokong makita ang pagmumukha mong yan!” Nanggigigil na wika nito. Mabilis na nag yuko ng ulo si Aria upang hindi na magalit pa sa kanya ang Mama Lyra niya. Pagkayuko nito ay magkakasunod na tango ang ginawa ng bata na siyang ikinasiya ni Lyra. Sa tuwing nakikita ni Lyra ang mukha ni Aria ay naaalala niya ang mukha ni Zarina, ang ina nito. Si Zarina ay pinsang buo niya sa mother side, simula pa lang ng bata sila ay na kay Zarina na ang lahat ng atensyon. Mas lalong lumaki ang galit niya sa ina ni Aria ng ito ang piliin ng kaibigan nilang si Lorenzo, hindi lingid sa kaalaman ng dalawa ay palihim niyang minahal si Lorenzo. Halos gumuho ang mundo ni Lyra ng magpakasal ang dalawa kaya gumawa siya ng paraan para masira ang pagsasama ng dalawa. Nagkataon naman na ayaw ng mama ni Lorenzo kay Zarina dahil sa malaking agwat ng estado nila sa buhay. Mayaman ang pamilya ni Lorenzo samantalang isang kahig, isang tuka ang pamilya ni Zarina, dahil inabandona ito ng sariling ama at tanging ang ina lang nito ang nagtaguyod kay Zarina. Pumabor kay Lyra ang lahat, dahil mayaman ang kan’yang pamilya, kaya nakuha niya ang loob ng ina ni Lorenzo hanggang sa gumawa ng paraan ang ina nito at pinaalis si Zarina sa bahay nilang mag-asawa. Nagkaroon ng kasunduan ang pamilya ni Lorenzo at Lyra kaya naikasal ang dalawa. Walang nagawa si Lorenzo kung hindi ang maging sunod-sunuran sa ina kaya nakulong si Lorenzo sa isang arranged marriage. Nang pumanaw ang ina ni Lorenzo ay nakuha niya ang lahat ng mana nito, saka pa lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na hanapin ang kanyang mag-ina. Sa tuwing naaalala ni Lyra ang lahat ng nakaraan ay tumitindi ang galit na nararamdaman niya para kay Zarina at Lorenzo. At ngayon ay nasa harapan niya mismo ang bunga ng pagmamahalan ni Lorenzo at Zarina. Hindi na namalayan ni Lyra na umiiyak na pala siya, mabilis na pinahid ang mga luha sa pisngi at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Hanggang ngayon kasi ay nasasaktan pa rin siya dahil kahit patay na si Zarina ay ito pa rin ang minahal ni Lorenzo at ngayon ay nakikita niya ang sarili sa anak na si Chelsy. Hindi siya papayag na magaya ang anak sa kanyang kapalaran dahil gagawin niya ang lahat, para mapunta ang lahat kay Chelsy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD