“Aria, anak.” Maingat na bumukas ang pintuan at ng marinig ni Aria ang tinig ng kanyang Yaya ay mabilis na bumangon ang bata at nagmamadaling lumapit sa pintuan.
“Yaya, tulungan mo ako, ayoko dito, ang dilim, natatakot po ako.” Nakikiusap na wika ni Aria habang umiiyak.
“Sshhh... huwag kang maingay aalis tayo dito, tatakas tayo.” Anya sa pabulong na paraan.
Kinuha nito ang kamay ng bata at hinila palabas ng kwarto, ngunit ng nasa kalagitnaan palang sila ng kwarto ay nagulat ang dalawa ng makita nilang nakatayo sa bungad ng pintuan si Lyra.
Nanlilisik ang mga mata nito dahil sa matinding galit na tila nais nitong patayin ang babaeng lapastangan.
“Ang lakas naman ng loob mo na kalabanin ako.” May diin nitong wika habang matalim na nakatitig sa Yaya ni Aria.
Mabilis itong humakbang palapit sa dalawa at mahigpit na hinawakan sa buhok ang babae bago kiladkad papasok sa secret room na pinanggalingan ng dalawa kanina.
“Bitawan mo ako! Halimaw ka! Wala kang awa, pati inosenteng bata ay pinahihirapan mo!” Galit na sigaw ng Yaya ni Aria.
“Oo! Halimaw talaga ako, at matitikman mo kung anong ginagawa ko sa mga kumakalaban sa akin!” Nanggigigil na pahayag ni Lyra bago malakas na itinulak papasok sa loob ng kwarto ang babae.
“Yaya!” Umiiyak na tawag dito ni Aria, binalingan naman ito ni Lyra at mahigpit na kinapitan sa braso.
“Pasalamat ka at hindi pa kita pwedeng patayin.
Hanggat hindi ko nakukuha ang lahat ay mananatili kang bilanggo sa kwartong ito!” Galit na wika ni Lyra kay Aria bago hinila ang bata papasok sa loob ng kwarto.
Kaagad na sinarado niya ang pintuan bago nilock ng mabuti, tinulak niya ang harang na aparador para matakpan ang pintuan upang walang makakita.
“Yaya, nasaan na po ba si Daddy? Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya?” Umiiyak na tanong ng batang si Aria.
Napaiyak ang Yaya nito dahil sa matinding awa na nararamdaman niya para sa kan’yang alaga.
Kinapa niya ang mukha ng bata at kahit hindi nila naaaninag ang mukha ng isa’t-isa dahil sa sobrang dilim ay hinarap pa rin niya ito at hinawakan sa magkabilang pisngi.
“Aria, anak, makinig ka, ha? Kailangan mong maging matapang, hm? Kahit wala na ang daddy mo o kahit wala na ako sa tabi mo, mangako ka na magiging matatag ka.” Labis na naguguluhan ang munting musmos ngunit sinikap pa rin niyang unawain at itatak sa isip ang bawat salitang naririnig mula sa kanyang Yaya.
“Darating ang panahon na magbabayad sila sa lahat ng kanilang kasalanan, kaya lagi kang mag dasal para gabayan ka ng Diyos.
Manalig ka, may hangganan din ang lahat.” Umiiyak na bilin ng kan’yang Yaya habang masuyong hinahaplos ang mahabang buhok ni Aria.
Pagkatapos sabihin iyon ay dinampian niya ng isang magaan na halik sa ulo ang kanyang alaga bago niyakap ito ng mahigpit.
Nang mga sandaling iyon ay nababalot ng matinding takot ang buong pagkatao ng dalawa, dahil hindi nila alam kung ano ang kahihinatnan nila sa mga kamay ni Lyra.
Lyra’s POV
“Ilabas mo si Aria, Lyra! Saan mo tinago ang anak ni Lorenzo?” Galit na tanong ni Thompson sa akin.
Namumula na ang buong mukha nito habang nakakuyom ang dalawang kamay, matalim ang tingin na ipinupukol nito sa akin na parang gusto akong kainin ng buhay.
“Sinabi ko na sayo, Thompson, na halos isang linggo ng nawawala si Aria.
Tinangay ito ng kanyang Yaya, nagbayad na ako ng mga taong maghahanap sa anak kong si Aria.
Parang tunay na anak ko na rin ang turing ko kay Aria at siya na lang ang nag-iisang alaala ni Lorenzo.
Sa tingin mo ba ay magagawa kong saktan ang isang batang walang muwang?” Umiiyak na tanong ko sa kan’ya.
Nilakasan ko pa ang pag-iyak upang maging kapani-paniwala sa harap ng lalaking ito.
Nakita ko na huminga ito ng malalim bago nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga.
“Kapag nalaman ko na may kinalaman ka sa pagkawala ni Aria, sinisigurado ko sayo ni kusing ay wala kayong makukuha sa mana mula sa mga ari-arian ni Lorenzo.
Tandaan mo, kapag namatay ang anak ni Lorenzo ang lahat ng ari-arian pati ang kumpanya na iniwan ng iyong asawa ay mapupunta sa mga kawanggawa.” Pagkatapos nitong magbitaw ng mga salita ay tuluyan na itong lumabas ng library.
“Ahhhh...” “CRASH!” Malakas kong sigaw bago ibinato ang champagne glass sa naka-saradong pintuan na nilabasan ng matandang abogado.
Isang linggo na ang lumipas simula ng mailibing si Lorenzo at aksidente kong nakita ang last will testament nito sa kan’yang drawer.
Natuklasan ko na ang lahat ng kayamanan ni Lorenzo ay iniwan nito sa pangalan ng kan’yang anak na si Zaharia.
Tanging ang dalawang million lang ang iniwan nito sa aming mag-ina at trust fund para sa kinabukasan ni Chelsy.
Wala pa namang pirma iyon ngunit ang duda ko ay may iniwan na itong kopya sa kan’yang abogado kaya malakas ang loob ng abogado na takutin ako na ibibigay nito ang lahat ng kayamanan ni Lorenzo sa Charity.
Ayaw namang ipakita sa akin ng abogado ang iniwang sulat ng aking asawa hanggat hindi nakikita si Zaharia.
“Hindi ako papayag na ang batang iyon ang makikinabang sa lahat ng kayamanang naiwan ng aking asawa, kaya sinisigurado ko naman sayo na susunod ka rin sa kaibigan mo sa oras na makuha ko na ang lahat!” Nanggagalaiti kong wika habang malakas na nagtaas baba ang aking dibdib, hinihingal ako dahil sa matinding galit.
“Alisin n’yo ang babaeng iyan dito at siguraduhin ninyo na habam-buhay na mananahimik ‘yan dahil ayoko ng sagabal sa lahat ng mga plano ko.” Utos ko sa taong binayaran ko upang iligpit ang pakialamerang yaya ni Aria.
“Walang problema, ako na ang bahala, pulido kaming magtrabaho.
Basta ba maayos kang magbayad.” Nakangising sagot nito sa akin.
Napangiti ako sa tinuran ng lalaki, may hitsura ang lalaki dahil maputi ito at malaki ang katawan na halatang batak sa trabaho.
Isang matalim na ngiti ang sumilay sa aking labi habang humahakbang palapit sa kan’ya.
Dumantay ang palad ko sa malapad nitong dibdib at bahagyang hinimas iyon.
Sa ilang taon na pagsasama namin ni Lorenzo, ni minsan ay hindi man lang ako nito tinikman, ang pakikitungo nito sa akin ay kasing lamig ng yelo.
Kung minahal lang sana ako ni Lorenzo marahil ay maayos sana ang aming pagsasama ngunit sa tuwina ay laging si Zarina ang laman ng puso’t-isipan nito.
Sinunggaban kaagad ng lalaki ang aking mga labi, mapusok naming pinagsaluhan ang isang halik na tila uhaw sa isa’t-isa.
May pagmamadali ang bawat kilos ng aming mga kamay na hinubad ang lahat ng saplot ng aming mga katawan.
Walang pakialam kahit na kapwa estranghero sa isa’t-isa, ang mahalaga ng mga oras na ito ay matugunan ang tawag ng laman.
“Ipagkakatiwala ko na sayo ang lahat, siguraduhin mo na malinis ang trabaho ng mga tao mo.
Ayoko na masira ang lahat ng plano ko ng dahil sa kapalpakan ninyo.” Seryoso kong wika habang nakatingin sa kisame.
Katatapos lang ng isang mainit na tagpo sa pagitan namin ng lalaking ito.
Ngunit ang magaling na lalaki ay mukhang hindi kuntento sa isang round lang dahil nanatili pa rin ito sa ibabaw ng aking katawan habang patuloy sa marahang paggalaw.
“N-narinig mo ba ang sinabi ko?” Paungol na tanong ko sa kanya.
“Mamaya na natin pag-usapan yan hindi pa ako tapos sayo.” Hinihingal nitong sagot sa akin.
Tuluyan na akong nawala sa aking katinuan ng marahas na nitong angkinin ang aking katawan.”
“Y-yaya...” natatakot na sambit ni Aria ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang armadong lalaki na pawang may mga hawak na baril.
Mahigpit na nag yakap ang dalawa ramdam ng bawat isa ang panginginig ng kanilang mga katawan dahil sa matinding takot.
“S-sino kayo? Anong gagawin ninyo sa akin? Bitawan n’yo ako!” Nahihintakutan na tanong ng Yaya ni Aria ng hawakan siya ng mga ito sa magkabilang balikat at kaladkarin palabas ng kwarto.
“Yaya! Saan n’yo dadalhin ang Yaya ko?” Umiiyak na tanong ni Aria ngunit hindi siya pinansin ng mga ito hanggang sa isarado nila ang pintuan at naiwan siyang mag-isa sa loob.
“Yaya...” nagsusumamo na sigaw ni Aria habang patuloy itong umiiyak.
Naupo siya sa sahig at niyakap ang kan’yang mga tuhod.
Sa tagal niyang nanatili sa madilim na kwarto ay nasanay na ang mga mata niya sa dilim.
Nang mga sandaling ito ay binalot ng pangamba at ng matinding takot ang kan’yang puso, tanging pag-iyak lang ang kaya niyang gawin.
Biglang sumagi sa isipan ng bata ang mga sinabi sa kan’yang Yaya, mahigpit na ikinuyom ang dalawang maliit na kamay.
Ang takot sa puso’y dagling naglaho napalitan ito ng poot at galit.
“Tama si Yaya darating ang panahon na magbabayad kayo sa lahat ng ginagawa nyo sa akin at hihintayin ko ang pagkakataong iyon.” Umiiyak na bulong nito sa sarili bago pinahid ang mga luha sa kan’yang pisngi.
Makikita sa mukha ni Aria ang determinasyon na malampasan ang lahat ng hirap na kanyang nararanasan sa kasalukuyang sitwasyon.