17

1015 Words

"Cathy... saan ka pupunta?" tanong ni Brandy nang makita niya ang dalaga. Umarko ang kilay nito. "Ano ba ang pakialam mo? Wala ka na doon." Bumuntong hininga si Brandy. "Pupuntahan mo na naman siya?" "Hindi. May iba na akong nagugustuhan. Pero hindi ko sasabihin sa iyo dahil baka guluhin mo lang siya." Inis na bumuntong hininga si Brandy. "Iba? Bakit kailangan mo pa ng iba eh nandito naman ako? Bakit hindi na lang ako ang magustuhan mo?" Asar na ngumisi si Cathy. "At bakit naman ikaw? Sino ka ba? Wala akong pakialam kahit makapangyarihang tao ka pa. Hindi ikaw ang gusto ko at hindi kita magugustuhan. Tapos." Tila may kung anong tumarak sa dibdib ni Brandy matapos marinig iyon. "Bakit? Bakit hindi mo ako magawang mahalin? Hindi pa ba sapat ang ilang taon kong pagtitiis?" "Pagtitiis?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD