THIRD PERSON'S POV "Ano ba kasing nangyari??" nagaalalang tanong ni Benedict kay Jarren nang makalabas ito ng kwarto ni Aya. Lahat ng kasambahay kasama si Helena nasa labas ng kwarto ng dalaga dahil mga naalarma sila nang marinig nilang nag-iiyak itong nagkulong sa kwarto pagkauwi na pagkauwi. Nahilot ni Jarren ang sintido at nagpamaywang saka nagsalita. "Ayon, dahil na naman kay..." Napasagitsit siya. "Del Fuego." Nagsalubong ang dalawang kilay ng Daddy niya. "Ano ba naman kasing meron sa kanila ng binatang iyan? May relasyon ba sila?" tanong nito. Umiling siya. "Wala, Dad. Hindi naman obligasyon ni Kandrick si Aya eh, sadyang itong pamangkin niyo lang eh..." Napa-iling na lang siya. "Mahal na mahal ang loko kaya nagkakaganiyan. Hindi matanggap na hindi talaga siya gusto ni Kandrick.