"And don't worry, I won't run after you anymore so you'll have your peace of mind na wala nang Aya na manggugulo at mambibwisit sa 'yo." I wiped my face a little bit harshly. "Diyan ka na," madiin ang pagkakasabi ko sabay talikod mula sa kanya at tinungo na ang pintuan ng sasakyan ko. Tiningnan ko si Jandrick na may awa sa mukha niya matapos marinig din ang mga sinabi ko. Batid ng tingin kong umalis na siya sa ibabaw ng sasakyan ko at aalis na 'ko rito. Umalis naman na siya sa pagkakaupo at binuksan ko na ang sasakyan ko, pero bago pa man ako sumakay narinig kong nag-salita si Kandrick na hindi ko naman inaasahang maririnig mula sa kanya. "Pasensya ka na," saad niya na kahit matigas ang pagkakasabi ibinaba niya ang pride niya sa pagkakataong ito kaya lalo ako napaiyak. Hindi ko na siy